Chapter 59

45.2K 794 86
                                    

ELISA

Isang linggo na nakakalipas simula ng mangyari 'yon. At dalawang linggo na lang ay birthday na ni Eric. Sabi ni papa ay siya na daw ang bahala doon. Sa loob ng isang linggo, hindi naging normal ang bawat araw. Laging hinahanap ni Eric si Dominic. Sinasabi ko na nga lang na busy ito at 'di ko pa alam kung kailan siya uuwi. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Wala akong alam.

"Elisa..." Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang magsalita si mama.

Nandito ako sa hardin at nagpapahangin.

"Bakit po mama?"

"M—may bisita tayo."

Kumunot ang noo ko.

"Sino po?"

"Si E—Erich." Napatigil ako at nag-iwas ng tingin.

"Gusto ka niyang maka-usap anak."

Huminga ako ng malalim.

"Nasaan po siya?"

"Nasa loob anak."

Tumango ako at pinuntahan si Erich.

👔👗

"Erich..." Tumayo siya pagka-kita sa'kin.
"Elisa..."

"B—bakit ka bumalik?" Tanong ko.

"P—pwede ka bang sumama sa'kin? Gusto ko sanang mag-usap tayo. M—may sasabihin ako." Sabi niya.

"S—sige magbibihis lang ako." Sabi ko at umakyat sa taas.

Nagbihis ako ng simpleng damit at nag-apply ng make-up. Ewan ko ba, bigla akong na-insecure sa kanya ng makita ko siya. Hindi naman ako galit sa kanya.

Pagkatapos kong tingnan ang sarili ko sa salamin ay bumaba na din ako.

"Let's go?" Sabi niya.

"Tita mauna na po muna kami."

"Sige hija."

👔👗

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa'kin habang hawak ko ang menu card. Dito namin napiling mag-usap sa isang kilalang restaurant.

Tumingin ako sa kanya.

"K—kahit ano na lang."

"Are you sure?" Tanong niya.

Tumango ako.

Tinawag niya ang waiter at sinabi niya na ang order namin.

Pagkatapos ay tumingin na siya sa'kin.

"Elisa..." Tumingin ako sa kanya.

Wala akong maisip na sasabihin ko.

"G—galit ka ba sa'kin?" Tanong niya.

"Hindi ako galit..." Sagot ko.

Ngumiti siya sa'kin.

"Mabuti naman. Elisa, I'm sorry about what happened." Sabi niya.

Hindi ako nakasagot at nakatingin lang ako sa kanya.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim.

"N—nakapag-usap na kami ni Dominic. Noong nakaraang araw." Napatingin ako sa kanya.

Bigla akong kinabahan at 'di makahinga ng maayos.

"Pinuntahan niya ako sa shop ko at dinala niya 'ko sa unit niya." Sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya ng diretso at nag-aabang sa mga susunod niyang sasabihin.

"I was shocked when he brought me there. Dahil doon kami dati nakatirang dalawa."

"He begged to me. Gusto niyang bumalik ako sa kanya at magkabalikan kami." Nakatingin siya sa'kin.

Napa-iwas naman ako ng tingin. Parang ayoko ng marinig ang susunod niyang sabihin. Kung pwede nga lang umalis ay gagawin ko na. Kaso ayoko naman na maging bastos.

"But I refused." Napa-tingin ako sa kanya.

Refused? Tumanggi siya?

"I refused because we're over. 6 years ago pa. He cried in front of me. Begging. But still, I rejected him. Bukod sa hindi ko na siya mahal, I have already my own family. But he's special to me. Naging parte din siya ng buhay ko. We became a couple for almost 3 years. Mahal namin ang isa't-isa noon. But his father? He doesn't like me. Masakit sa'kin. Na may kontra. Dominic is so kind and caring. Pero isang araw, nagising na lang ako na parang hindi na kami pareho ng nararamdaman. I dated a man and we had a one night stand. I was so guilty and I left Dominic. Hindi ko na kaya pang lokohin siya kaya iniwan ko siya. After a month, I've found out that I was pregnant. Nalaman'yon ni Niel. My husband. Hindi niya na 'ko pinakawalan pa at pinakasalan niya agad ko. Until I fell in love with him. And we became a happy family with our daughter, Rainelle."

Tumigil siya kasabay ng pagdating ng order namin.

"A—anong sunod na nangyari?" Tanong ko.

"For the second time, I left him. Doon kung saan ko din siya iniwan noon. Sinabi ko sa kanya na hindi na pwede dahil hindi ko na siya mahal at mahal ko ang pamilya ko lalo na si Niel. Hindi niya pa din matanggap kaya iniwan ko na talaga siya doon."

Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi ni Erich. Akala ko kasi nagka-balikan sila. Pero hindi pala.

"He's still there Elisa. Puntahan mo siya. He needs you. Alam kong magiging maayos din kayo." Sabi niya.

"Pero hindi ko alam—"

"Problema ba 'yon? Here are the address and his password. Hindi niya pa din naman pinapalitan." Sabi niya.

Kumuha siya ng kapirasong papel at sumulat doon.

"Here." Inabot niya na sa'kin.

"Pero paano 'tong mga pagkain—"

"Ano ka ba! Ako na ang bahala dito. Puntahan mo na siya. At balitaan mo 'ko agad ah? Baka kasi magpakamatay na 'yon doon." Nataranta naman agad ako at napatayo.

"Pupunta na 'ko." Sabi ko.

"Ingat ka ah? I love you!" Sabi niya.

Ngumiti ako at yumakap sa kanya.

"I love you too."

"Go na!"








1 MORE CHAPTER, THEN EPILOGUE.

-Ms. A

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon