ELISA
"W—what?"
Hindi maipinta ang itsura niya. May galit sa mata niya at takot. 'Yon ang nakikita ko ngayon.
"Are you blackmailing me, Elisa? Tinatakot mo ba 'ko?" Sabi nito.
Hindi ako agad nakasagot. Tinatakot ko ba siya? Natatakot ba siya?
"H—hindi Dominic, sinasabi ko lang—"
Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang panga ko at galit na tiningnan ako.
"Dominic... Nasasaktan ako—"
"Masasaktan ka talaga dahil sa hindi mo pagsunod sa'kin!" Napapikit ako muli kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
Bakit ba ganito siya? Bakit yung pagmamahal ko, hindi niya masuklian? Ganon ba siya magmahal? Ang saktan ako?
"Listen to me. Kapag sinubukan mong ilayo sakin ang anak ko, hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. At kapag ginawa ko 'yon, wala kang laban." Tinignan ko siya.
Sobrang lapit ng mga mukha namin habang sinasabi niya 'yon sakin.
"You know me, Elisa. I can do what I want. I can fulfill our son's needs. Sa tingin mo ba ay makakaya mo siyang buhayin ng sarili mo lang?" Binitawan niya ang panga ko tyaka muling nagsalita.
"You're ignorant Elisa. Alam mo naman 'yon diba?" Tanong niya sa'kin.
Naguguluhan ang itsura ko habang nakatingin sa kanya.
Ignorant? Ano 'yon?
"Ignorant..."
"Silly me. You don't even know what's the meaning of it." Sabi nito.
Naguguluhan pa din ako. Ano bang sinabi niya?
"Dominic..."
"Walang alam. 'Yon ang ibig sabihin Elisa. Naintindihan mo na?" Natahimik ako sa sinabi niya.
Sobrang sakit.
Marahan akong tumango.
"A-Alam ko na..." Pinahid ko ang luha ko at malungkot na ngumiti.
"Kung hindi ba 'ko mang-mang, mamahalin mo din kaya 'ko?" Tanong ko.
Napatitig lang siya sa'kin. Hindi siya agad nakasagot at parang nagulat siya sa tanong ko. Kahit may ideya na 'ko sa isasagot niya, ay natanong ko pa din ang bagay na 'yon. Marami akong tanong kasabay ng kaunting pag-asa na sana sa isa man lang sa mga tanong ko ay mabuhayan ako ng loob.
Pero sa itsura niya ngayon...
"Why Elisa? Sa tingin mo ba ay mamahalin pa din kita kung hindi ka nga naging mang-mang?" Tumawa ito.
"Elisa, kung sakali man na hindi ka naging ganyan, hindi ka nandito sa harapan ko para mag-makaawa. Wala ka sa buhay ko." Napatigil ako sa sinabi niya.
Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako ganito. Isa lang. Siya ang dahilan kung bakit ako naging mang-mang. At ang masakit. Mismong INA ko pa ang nagtanggal sakin noon ng karapatan na makapag-aral. Na magkaroon ng kaalaman sa mundo ng mga taong mapanghusga.
"Ang matalinong tao, hinding hindi gagawa ng isang bagay na alam niyang makakasakit sa kanya. Hindi niya hahayaan ang sarili niya na maging tanga." Napatigil ako.
Matatalinong tao lang ba ang may kakayahan na makaramdam ng mga ganoong bagay? Kahit mang mang ako, alam ko naman ang ginagawa ko eh. Sadyang ginagawa ko lang ang lahat para mahalin niya 'ko. Oo, ako na ang tanga. Tanga ba kung nagmamahal lang naman ako?
"Sumama ka sakin Elisa. Hindi mo 'ko kilala noon. Dinala kita sa bahay 'ko. Nagsilbi ka dito para bayaran ako. Kinakausap lang kita kapag may itatanong ako. But damn it Elisa, minahal mo 'ko kahit na wala naman akong pakialam sayo!" Napaatras ako sa sinabi niya.
May mas sasakit pa pala. Na noon pa man, wala na talaga siyang paki-alam sakin. Na isa lang akong ordinaryong babae na nilalagpasan niya sa bahay. Na kakausapin niya lang pag may utos siya sakin.
Sa mga ganong bagay ko siya minahal.
"Oo Dominic, tama ka. Minahal kita kahit na sa mga ganoong bagay lang. Masisisi mo ba 'ko na minahal kita kahit na minsan mo lang ako pansinin noon? Na kakausapin mo lang ako pag may i-uutos ka? Na kahit sa simpleng paglapit mo sakin, bumibilis ang tibok ng puso ko? Kasalanan ko ba?" Tanong ko habang umiiyak ako sa harapan niya.
"Dominic, sumama ako sayo para takasan ang pang-mamaltrato sakin ng ina ko. Alam mo bang sobrang saya ko noon dahil nakalaya na 'ko sa mga pananakit sakin ng ina ko? Sobrang saya ko dahil may lalaking nagligtas sakin. Dominic, ikaw ang nagdala sakin dito! Ikaw..."
Nag-iwas siya ng tingin sakin.
"Sorry kung bobo ako. Hindi mo kasalanan at mas lalong hindi KO kasalanan. Gusto kong matapos ang pag-aaral ko noon pa man. Pero, hindi niya 'ko pinayagan. Pinutol niya ang karapatan ko na 'yon. Hanggang elementarya lang ang ako, pero hindi ko pa natapos." Dugtong ko.
"Noong araw na may nangyari satin, ang saya ko." Napatingin ulit siya sakin kasabay ng malalamig na titig niya.
"Akala ko kasi... Mahal mo talaga 'ko. Pero mali ako. Dahil akala mo, ako siya. Akala mo, ako si Erich. Ang tanga ko diba? Hinayaan ko na ibigay ang sarili ko dahil sa nararamdaman ko sayo."
"Noong nalaman ko na buntis ako kay Eric, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko magawa na sabihin sayo. Natatakot ako. Na baka palayasin mo 'ko. Pero hindi ko din pala matatago ang bagay na 'yon. Pinakasalan mo 'ko dahil sa gusto nina mama at papa. Masaya ako noong ikasal ako sayo. Pero malungkot din ako dahil galit ka sakin. Pero minahal pa din kita. Hanggang ngayon Dominic, mahal na mahal pa din kit—"
"Enough with that shits Elisa!"
Humakbang siya palapit sa'kin.
"Tell me. Ano bang gusto mo? Sabihin mo sakin Elisa, and I'll give it to you." Sabi niya.
Tahimik lang ako nakatitig sa kanya habang pinag-iisipan ang isasagot ko.
Hindi niya 'ko kayang mahalin.
Pero may isa akong gusto.
"Gusto kong mag-aral. Pag-aralin mo ko Dominic. At kapag nakatapos ako, handa na 'kong tanggapin lahat."
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
General FictionKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...