Chapter 46

38K 903 66
                                    

ELISA

Gabi na at naghahanda na ako ng pagkain dito sa kusina. Hinihintay ko na din si Dominic. Alas-otso na kaya pauwi na siya.

"Anak, ako na dyan." Napatingin ako kay mama na nasa tabi ko na.

Tinulungan niya 'ko maghanda. Pinagmasdan ko siya habang kumikilos dito sa kusina. Masipag si mama noon pa man. At 'yon ang namana ko sa kanya.

Oras na siguro para mapatawad ko siya. Alam ko naman nagsisisi na siya sa mga nagawa niya sa'kin eh. Marahil ay may dahilan kung bakit niya 'ko sinasaktan noon. At alam kong malalaman ko din 'yon balang araw.

"Mama." Tawag ko sa kanya.

Huminto siya sa ginagawa niya at tumingin sa'kin.

"Bakit anak?"

Tinitigan ko siya at humakbang ako palapit sa kanya. Niyakap ko siya bigla.

"A—anak..."

"I'm sorry mama. Sorry. Pinapatawad na kita." Sabi ko.

Naramdaman kong niyakap niya 'ko pabalik. Tumulo ang luha ko.

"Anak salamat! Salamat..." Sabi niya habang umiiyak.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Pinahid ko ang mga luha ko pati ang sa kanya.

"Kalimutan na natin ang mga nangyari mama. Gusto ko ng magsimula ulit." Sabi ko.

Ngumiti siya sa'kin. Masayang-masaya siya habang umiiyak siya.

"Okay na kami ni Dominic mama."

"Kaya mo ba 'ko pinatawad na?"

Umiling ako.

"Hindi naman po sa ganoon. M—matagal ko na din po talaga kayong balak na mapatawad."

Ngumiti siya sa'kin.

"Ito na yata ang pinakamasayang araw ko. Salamat anak. At sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Lagi ko 'yong pinagsisisihan."

"Mama..."

"Sasabihin ko sayo ang lahat. Pero hindi muna ngayon."

Tumango ako.

"Alam ko po mama. Maghihintay po ako."

Ngumiti kami sa isa't-isa.

"Oh siya tara na at maghanda na tayo. Pauwi na din ang asawa mo. Tatawagin ko lang si Eric." Sabi ni mama tyaka ito lumabas at pinuntahan si Eric na nasa pool area at naglalaro.

Pagkatapos ko maghanda ay tumingin ako ulit sa orasan.

Nasan na kaya siya?

"Mama!" Tawag ng anak ko sa'kin habang tumatakbo ito papalapit sa'kin kasunod si mama.

"Yes anak?"

"Mama, I'm hungry na po. Can we eat na po ba?" Tanong ng anak ko.

Ngumiti naman ako.

"Sige anak kumain ka na." Sabi ko.

"Sasabayan ko na si Eric." Sabi naman ni mama.

Tumango ako.

"Sabay na lang po kami ni Dominic." Sabi ko.

Umupo na ang mga ito at nagsimula ng kumain.

"Aakyat po muna ako sa taas. Aayusin ko lang po muna ang kuwarto." Sabi ko sa kanila.

👔👗

Pagka-akyat ko sa kuwarto ko ay inayos ko na ang kama pati ang susuotin ni Eric mamaya bago matulog.

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon