Chapter 36

40.6K 1K 100
                                    

ELISA

"Huh?"

"Massage me. Masakit ang katawan ko."

Hindi ko alam ang ire-react ko. Hindi naman ito ang unang beses na nagpa-hilot siya. Pero, iba ngayon. Parang bigla akong nahiya lalo.

"Elisa."

"S—Sandali, magbibihis muna 'ko—"

"Ngayon na." Napa-tigil ako.

"N—Ngayon na?"

Kumunot ang noo niya.

"Are you okay? You seem not comfortable."

Umiling naman ako.

"H—Hindi. Sandali, kukuhanin ko lang yung pang-hilot." Tumayo ako at umakyat sa kuwarto.

Napasandal ako sa pintuan at huminga ng malalim.

Kaya mo 'yan Elisa. Asawa mo lang 'yon.

Pumunta ako sa cabinet at hinanap ang massage oil na ginamit ko noon.

Ng makita ko na ay dali-dali akong bumaba.

"Dominic ito—" Napa-hinto ako ng maabutan ko siya na tulog na.

Ang bilis naman.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Nilapag ko ang oil sa mesa at tinitigan siya.

Napaka-gwapo niya kahit tulog siya. Ang amo ng mukha niya kapag ganito siya. 'Wag nga lang laging nakakunot ang noo niya.

Hinaplos ko ang mukha niya.

Pagod nga siguro siya sa trabaho.

Ayoko naman siyang gisingin dahil baka magalit siya sa'kin.

Napatingin ako sa orasan.

6:45

Maaga pa.

Magbibihis na muna 'ko.

Patayo na sana ako ng may humila sa'kin bigla paupo.

"Dominic..."

"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang naka-pikit ang mga mata niya.

"Magbibihis sana. Nakatulog ka kasi."

"Now start."

👔👗

"Mama, gusto ko niyan." Turo ni Eric sa ampalaya na niluto ko.

"Sandali." Naglagay ako ng kaunti sa plato niya.

Mapait kasi, baka ayawan niya lang.

Pinanood ko siya kumain.

Napatawa ako ng makita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ang pait pala niyan mama! Papa, water."

"Here." Inabot sa kanya ni Dominic ang baso ng tubig.

"Mapait ba talaga?" Tanong ko.

Tumango ang anak ko.

"Opo mama! Ayoko na niyan!" Napatawa ako.

"Pero healthy 'to baby. Mapait nga lang." Sagot ko.

Umiling lang ang anak ko.

"Hotdog na lang mama."

Napatawa ako.

"Martha, sasama ka ba sa'min?" Tanong ni Dominic kay mama.

Napatigil ito.

The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon