ELISA
"It's Eric's birthday next month. What's your plan?" Tanong sa'kin ni Dominic.
Papasok na siya sa kumpanya kaya inaasikaso ko siya dito sa kuwarto niya. Simula ng maging okay na kami, gusto niya na ako na lagi ang mag-asikaso sa kanya.
Tumingin ako sa kanya matapos ko siyang tulungan mag-butones.
"Ikaw? Ano bang gusto mo?" Tanong ko.
Ngumisi siya sa'kin.
"Don't ask me like that again, baby." Kumunot ang noo ko.
"Huh? A—ano bang sinasabi mo?"
Lumapit siya sa'kin.
"You asked if what I like, right? It's YOU."
"Dominic!"
Tumawa naman siya.
"So what?"
"A—ano ka ba. 'Yong tinatanong ko, kung ano bang gusto mong plano para sa birthday ni Eric." Sabi ko.
"Oh, 'yon ba? Sorry." Sabi niya tyaka siya tumawa ulit.
Napasimangot naman ako.
Alam ko naman na inaasar niya lang ako.
"It's up to you baby. Ikaw na ang mag-isip ng theme para sa birthday niya. I'm just here to support you." Sabi niya.
Ngumiti naman ako.
"O—okay." Sagot ko.
Kinuha ko na ang necktie niya at sinuot na 'yon sa kanya. Matangkad kasi itong si Dominic kaya kailangan ko pang tumingkayad.
"I love seeing you while you're doing this." Sabi niya.
Napatigil naman ako sa pag-aayos ng necktie niya.
"M—matagal ko ng gustong gawin sayo 'to. Kaso, sinusungitan mo ko lagi." Sabi ko.
Tumingin siya sa'kin.
"I'm sorry." Sabi niya.
Ngumiti naman ako sa kanya at pinagpatuloy ko ang pag-ayos ko sa necktie niya.
"Ayos na." Sabi ko.
Hinapit niya ang bewang ko tyaka ako hinalikan ng mariin sa labi.
"Thank you." Sabi niya matapos niya akong halikan.
"Let's go." Sabay hawak niya sa kamay ko at sabay kaming lumabas.
👔👗
Pagkatapos kong ihatid si Dominic sa sasakyan niya ay pumasok na din ako loob ng bahay. Pigil na pigil ang kilig ko habang nasa labas kami. Ayaw niya pa kasing pumasok sa loob ng kotse niya dahil gusto niya pang maka-isa ulit ng halik sa'kin.
Ang kulit talaga niya.
"At bakit ngumingiti mag-isa ang maganda kong anak?" Biglang sulpot ni mama.
Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.
"Mama."
"Pumasok na si Dominic?"
"Opo."
Tumango naman siya sa'kin tyaka ngumiti. Masaya si mama dahil ayos na kami ni Dominic. Tyaka pinapansin na din siya nito
"Si Eric po?" Tanong ko.
"Nasa kuwarto mo at nanunood. Makakatulog na din siguro 'yon maya-maya." Sagot niya.
Tumango naman ako.
"Anak."
"Bakit po?"
"P—pwede ba tayo mag-usap?"
"Tungkol saan po?"
"Halika anak. At ikukuwento ko na sayo lahat."
👔👗
"Ako at si Marcela ang tunay na magkapatid. Meron kasing ampon ang lolo at lola mo, at siya si ate Myra. Si ate Myra ang pinakamatanda sa aming tatlo. Sunod si ate Marcela. Masaya kaming tatlo. Lagi kaming magkasama at lagi kaming nagtutulungan sa lahat ng bagay... Tinuring namin na tunay na kapatid si ate Myra. Mabait naman siya. Kaso ang 'di namin alam ni ate Marcela... May tinatago pala siyang inggit sa'ming dalawa. Hindi na lang namin pinansin ang bagay na 'yon. Madalas siyang nagagalit ng walang dahilan. Habang tumatanda kami, lumalabas ang tunay niyang kulay. Hanggang sa dumating ang panahon na nakapag-asawa na si ate Marcela ngunit siya ay hindi pa. Wala kasing nanliligaw sa kanya dahil naiiba ang itsura niya sa sa'ming dalawa ni ate Marcela. At dahil sa sama ng loob at inggit niya, tinangka niyang agawin ang asawa ni ate Marcela. Si tito Jerome mo. Pero, ng nalaman 'yon ni ate Marcela. Nagkagulo silang dalawa hanggang sa bumukod na sila ni tito Jerome mo dahil sa pangyayari." Sabi niya.
"Eh, si papa po?"
Tumingin siya sa'kin.
"S—siya ang kasintahan ni ate Myra noon. N—nagkaroon ng manliligaw si Myra at sinagot niya 'to. Madalas na nasa bahay ang nobyo niya. Kaya madalas namin itong nakakasama. Hindi ko pinapansin ang papa mo noon. Kahit na panay ang lapit niya sa'kin. Iniiwasan ko siya dahil nobyo siya ni ate Myra at ayokong magalit siya sa'kin. Nag-aaral pa 'ko noon ng mga panahon na 'yon. Hanggang isang gabi ay pinasok niya 'ko kuwarto habang tinatapos ko ang mga ipapasa ko kinabukasan. Gusto kong sumigaw noon dahil sa gulat pero naunahan niya 'ko at tinakpan niya ang bibig 'ko. Natahimik ako dahil sa takot. A—akala ko kung ano ang gagawin niya sa'kin pero wala siyang ginawa. Pumasok lang siya sa kuwarto ko noon para sabihin na gusto niya ako. Na kung pwede kami na lang. Pero 'di ako naniwala dahil nobya niya si ate Myra. Kaya pinalabas ko din siya agad noon sa Kuwarto ko at sinabi ko na 'wag na siyang lalapit sa'kin kahit kailan. Sinunod naman niya ang gusto ko. Ilang linggo niya din akong 'di nilalapitan kaya nakahinga din ako ng maluwag. Pero nagkamali ako. Nagkamali ako. Dahil may iba na pala siyang plano sa'kin."
Tumigil si mama sa pagkukuwento.
"A—ano pong ginawa niya?"
BINABASA MO ANG
The Ignorant Selfless Wife (BOOK 1)
General FictionKilalanin si Elisa. Isang asawa at ina. Sobra kung mag-mahal at walang ibang ginawa kung hindi mahalin ang anak nila ni Dominic. Ang lalaking walang ibang ginawa kung hindi saktan siya. Magawa niya pa kayang mahalin ang sarili, kung lahat na-ibigay...