Way back 6

34 10 5
                                    

Eric's POV

Sa wakas nakita ko na rin siya. Galing akong grocery 'non. She's still beautiful as ever. No, even more beautiful now. Partida, she's just wearing white high waist jeans and blue crop-top with her hair in bun.

Ayoko nang mag-aksaya pa ng oras para makausap siya. Kaya naman kahit alam kong kakauwi niya lang, tinawag ko siya para makausap.

"Iya." I called her.

Binuksan niya yung pinto ng kotse niya. Tapos humarap siya sakin.

"Kakarating mo lang?" Tanong ko. Pero binalewala niya 'yon at sinarado ulit 'yong pinto ng kotse niya. Wait, mali ata kasi yung tanong ko. Am I supposed to know na umalis siya?

"Ano bang kailangan mo sakin? Kailangan ko na kasing umuwi, eh." Kalmado niyang sagot sakin. Pero alam kong may halong galit iyon.

"Iya, let's talk." Panimula ko.

"Huh? Para san?"

"Iya about dun sa--"

She cut my words.

"Eric, kung pumunta ka dito para lang dun, please. You're just wasting time. Matagal na 'yon. Four years? Di ka pa din nakakapag-move on?"

Hindi ako nakasagot agad. It's true. But I just want to clear things out. Magsasalita na sana ulit ako ng may sumulpot na lalaki sa tabi niya.

"Is there any problem here?" Tanong sa kanya nung lalaking kano.

"Oh, nothing. Let's go now?" She said to that man.

Tumingin lang siya sakin pagtapos nagtuloy tuloy siya pumasok sa kotse niya.

May boyfriend na siya? Siguro. Siguro nga naka-move-on na talaga siya.. Well, she deserved it. Sinaktan ko lang siya noon. And she deserves to be happy again.

-

"Napaparami na tayo, ah. Easy, bro!" sabay tapik ni Gio sa balikat ko.

Andito kami ngayon sa bar. Naisipan ko lang na uminom kaya inaya ko sila.

"Wait pare, is that because of Iya? Nag-usap na ba ulit kayo?" Tanong ni Brixx

"Basted ba, bro?" tanong ni Gio sabay tawa.

"Mga gago."

Sinabi ko kasi sa kanila na pagbalik ni Iya, kakausapin ko siya. I want to clear things out. Para na rin mawala na 'tong guilt na meron ako for how many years.

"Don't tell me gusto mo pa rin siya? Sige ka. Susumbong ka namin kay Chesca." Sabi ni Gio.

Chesca is my girlfriend. Pinakilala siya sakin nila Gio. Ayoko pa nga sanang pumasok sa relasyon ulit hangga't hindi ko pa naaayos iyong kay Iya. I explained to her about this. And she said, she still wants to try this. So, I did. Wala naman sigurong masama. Maganda at mabait siya, and I'm starting to really like her.

"Tsk. That's too impossible, dude. Naka-move on na 'tong si Eric. Kaya nga sila na ni Chesca, eh. Right, bro?" tanong ni Brixx.

"Y-yes, of course." I assured them.

Maybe it's time to let the past go. Maybe it's too late to fix things. She's right. Dapat naka-move on na ko. Isa pa, I have Chesca now, and she has that man. Damn, Eric! Kung sana lang naging matapang ako noon, edi sana walang bumabagabag sa akin ngayon.

If I could turn back time.. If you only knew what was the reason.. My reason.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon