Way back 21

34 4 12
                                    

Iya's POV

Hindi nga ako niloloko nung kumag na 'yon. Nagtext kasi si Ate Sandra sa akin kagabi about sa camping. Three days and two nights lang naman. Gusto kong sumama, of course! To unwind na rin, with them.

Pero nung sinabi ko kay Tita, ito sinabi niya.

"Magreview ka na lang diyan. Malapit na board exam mo, 'di ba?"

"Opo, tita. Pero..." wala kong maisip na valid reason! "...Sige na po, Tita. Last na po ito, then I'll focus on my review na." pangako ko sa kanya.

Tinignan muna ako ni tita bago magsalita ulit.

"Ano pa bang magagawa ko, eh parang planadong planado mo na 'yan."

"Pumapayag na po kayo?" *crossed fingers*

Tumango si tita.

"Thank you, Tita!! You're the best talaga!" Tapos yumakap pa ako sa kanya.

"Basta 'wag mong pababayaan 'yung pagrereview mo."

"Opo! Promise po!" I said happily.

After noon, pumunta ako sa Home for the Angels. May meeting ngayon about sa Camping. Na sa Tagaytay pala gagawin.

"Okay, baka may gusto pa kayong isama?" Tanong ni Ate Sands.

Si Sister Marinel at Sister Victoria lang ang kasama namin na madre sa camping. Sa mga Social Workers naman, Si Sir Niel, Ma'am Ana, at Ma'am Sandra. Ako sa volunteers at si Jannielle. At kasama din pala si Eric.

Umiling kami. Sigurado naman na di sasama si Krizel at Rein. Busy si Krizel kay Gio, si Rein naman, strict parents. Yup! Hanggang ngayon.

Ate Sands about to finalized the list of goers, when somebody entered the room.

"Hi. Can I go with you all?" Sabi niya gamit ang matinis na boses. Nagulat kaming lahat sa pagpasok niya.

"Chesca!" Salubong ni Eric sa girlfriend niya.

"Sorry, I'm a bit excited kasi. By the way, Chesca Soriaga. Eric's girl." She introduced herself to all of the people in the room.

Don't tell me na papayag sila na sumama itong taong microphone na 'to??

"Oh, ikaw pala ang girlfriend ni Mr. Del Rosario. Of course, you can go with us." Ate Sandra said to her while smiling.

Ugh. Pwede mag-back out? Way to go, Iya! Three days and two nights lang naman!!! arrrgggh.

--

After 3 days, we're ready to go. Nag-taxi ako para makarating sa Bahay ampunan. Nandoon kasi 'yung sasakyan na gagamitin.

Yung kotse ko, andoon lang sa garahe. Naiinis na ako. Imbes na di na ako mag-co-commute, eh! Hindi ko naman maisingit ang driving lessons dahil nagrereview pa ako. Hay. Benta ko na lang kaya yung kotse ko?

Pagdating ko doon, wala pa si Chesca at Eric. Mabuti na lang at nakarating na sila bago mag 6am. After 1 and a half hour ng biyahe, nakarating na din kami sa Nature Discovery Camp sa Tagaytay.

Ang ganda. Ang ganda ng view! Kita mula dito 'yung Taal Volcano. Sayang, hindi ko nadala 'yung DSLR ko. I got my phone instead. Pinicturan ko yung ganda ng nature at view.

"Okay kids, let's go to the cottage muna. Kain tayo." Narinig kong sabi ni Ate Sands sa mga bata.

Sumunod na rin kami. Pagpasok ng cottage, handa na ang pagkain. Boodle fight style. Nagsimula na kaming kumain. Sina Ma'am Sandra na daw ang mag-aasikaso sa mga bata. Kaya ako, si Eric, at si Chesca ang nandito.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon