Iya's POV
6am ako nagising ngayon. After ko gawin ang morning rituals ko, sumabay na akong kumain kay Tita.
"Ta, alis po pala ako mamaya. Punta po ako sa condo ni Krizel."
"Osige. Iniimbita din ako nung best friend ko nung high school. Mag-oorganize daw kami para sa reunion next week."
"Ay naks naman si Tita. Wag po kayo pagabi, ha."
"Parang ako dapat nagsasabi niyan sayo."
Nagtawanan kami ni tita. After kumain, nagbihis na ako. Bandang 10 am sinundo ako ni Rein at sabay na kaming pumunta sa condo ni Krizel. Regalo sa kaniya iyon ng parents niya nung graduation niya nung college. Yayamanin kasi itong sila Krizel.
"Kwento." Sabi ko. Nakaupo na kami ngayon ni Rein sa sofa niya.
Nilapag niya muna sa maliit na center table ang mga baso ng iced tea na dala niya. Kumuha kami ni Rein ng tig-isa.
"Party kasi ni Gio next saturday. And we want you to come. Ipakikilala ko na siya sa inyo formally."
"Wait, is that Gio Santi Mercado? Yung nung highschool? Bakit daw? And, we?" Naguguluhang tanong ni Rein.
Huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita. "Eh... kasi mga friendship. Kami na ni Gio. Boyfriend ko na siya."
Muntik ko nang maibuga yung iced tea sa gulat ko sa sinabi niya.
"Boyfriend?" Sabay kami ni Rein
"Uhm, yes. Actually. Sasabihin ko naman talaga sa inyo nung nanliligaw pa lang siya. Pero kasi akala ko isa lang din siya sa magiging flings ko, eh. Alam niyo na, the typical paasa. But he's so consistent, eh. And pinaparamdam niya talaga na ako lang mahal niya. Sorry, mga bes."
Rein sighed and so do I.
"Okay lang naman 'yon samin. Basta 'di ka sasaktan niyang Gio na yan. Kukurutin talaga kita sa singit. At kukurutin ko siya ng nailcutter!" banta ni Rein
"Oo nga. Basta kailangan pa rin namin siyang makilala ng husto. Kahit kilala natin iyan noong highschool." Dagdag ko.
Pinahapyawan niya kung pano naging sila. Crush daw siya noong si Gio highschool pa lang. Since barkada nga siya ni Eric, nakikita niya na kasama ko si Kaye at Rein noon. But he was torpe daw. Naging mag classmates ulit sila since Gio also took Psychology. At doon na siya nito niligawan.
"Kaya nga isasama ko kayo sa party. Para makilala niyo pa siya. Maghanda na kayo, ah? Hahanapan ko na din kayo ng boylet sa party. Para naman everybody happy tayo!" Krizel said excitedly.
"Duh. Wag mo kaming idamay diyan, Krizel. Porke may lovelife ka na, kailangan kami din?" Reklamo ni Rein.
"Tama si bessy. Hindi ko rin naman kailangan ng lovelife. Isa pa, magboboard na din ako the next six months. Ayoko ng sagabal." sabi ko. I am currently fixing my papers and my registration here. Para makapag-practice ako ng Social Work dito sa Pilipinas, I need to take board examination.
"Ay sus. Baka naman hanggang ngayon, bitter ka pa din?" Pang aasar ni Krizel sa akin. Loko 'to, ah!
"Sira! Hindi, 'no!" Sagot ko.
Well, to be honest, hindi naman sa bitter ako. Siguro takot lang akong mag-take ng risk ulit. Kasi hanggang ngayon, andami ko pa ding what ifs. Ayokong magpadalus-dalos. Ayoko nang ulitin yung mali ko noon.
Nakwento din yung nangyari sa mall with Eric. Syempre, kilig kiligan nanaman 'tong mga 'to. Parang timang lang.
"Pero best, Eric will be there. Okay lang ba sayo 'yon?" Seryosong tanong ni Krizel.
"Y-yeah. Ba't naman hindi!" Sagot ko.
"At balita ko, isasama niya ang girlfriend niya," dagdag pa nito. Tahimik naman na nakikinig si Rein.
Girlfriend. So he really moved on, huh?
"I said, it's okay." Sagot ko pang muli. Wala namang kaso iyon. Ano naman kung may girlfriend na siya??
At dahil hapon pa lang, inaya ko na lang sila na mag shopping.
"Shopping na nga lang tayo." Aya ko sa kanila para maibaling sa iba ang atensyon.
At iyon nga, nagpunta na kaming mall gaya nang napagkasunduan. Dito na kami bibili ng damit para sa party ng boyfriend ni Krizel.
"Cr lang mga bes." Tumango kami ni Krizel kay Rein.
Habang namimili, may nakita na akong long gown na kulay Royal blue. Formal event daw kasi yun.
Tinanong ko si Krizel kung maganda ba ito o 'yong red. Mas prefer niya din daw 'yong royal blue.
"Sagutin mo na." Nakailang ring na kasi 'yong phone niya.
"Sige, saglit lang 'to." Nagaalangan pa siyang iwan ako but I give her a smile of assurance na okay lang ako.
Kukunin ko na sana yung gown nang may lumapit na babae at inagaw yung gown.
"Miss, I will buy this." Sabi niya sa saleslady. Ay, bastos lang?
"Ah, excuse me. Ako kasi nauna dito, eh." Sabi ko.
"Ow. Okay lang ba, na ako na kumuha? I have no time na din kasi para mamili. Thank you."
Kinuha na niya yung gown at binigay sa saleslady pagkatapos ay tumalikod na siya.
"Pasensya na po, ma'am." Hingi ng tawad nung saleslady.
I nodded at her. Ang bastos nung babae. Di man lang hinintay yung sagot ko. Pasalamat siya at hindi ko trip mang-away sa mall. Pasalamat talaga siya may etiquette ako.
Pagbalik nung dalawa, tinanong agad ako ni Krizel.
"O, best, asan yung gown na hawak mo kanina?"
"Someone bought it. Hayaan mo na. Meron pa naman sigurong maganda dito." Alu ko sa kanya.
"Bakit binigay mo? Gaga pala siya, eh. San 'yon? Ikaw nauna, eh!" Luminga linga pa siya sa likod.
"Baliw, hayaan mo na lang." Hinila ko na sila sa isang side ng botique para mamili ulit ng dress.
After two hours ng pamimili. Nakahanap na din kami ng sakto sa tastes namin. After 'non, kumain at mayamaya pa ay umuwi na rin para makapagprepare sa big event ni Krizel bukas.
BINABASA MO ANG
Way back into Love
Teen FictionThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?