Way back 16

34 6 16
                                    

Iya's POV

"Hi, kuya pogi!" Sabi nitong si Kyla sa kanya.

"Hi, Kyla. Kumakain na sila doon. Kain ka na rin?" Tanong naman nito sa bata.

"Sige po, kuya. Ate Iya! Thank you, po." Yumakap pa siya sa akin bago dumiretso kung nasaan ang mga kasama niya.

Parang kanina lang napaka-lungkot niya. Si Eric lang pala katapat, eh. At anong tawag niya dito sa unggoy na 'to? Kuya Pogi? Wtf.

"Hi. What are you doing here?" Tanong niya.

"Are you stalking me?" Pataray na sagot ko.

"Woah. Easy. Hindi, ah. Pano mo naman nasabi 'yan?"

"Ah. Baka lang naman kasi. The last time I checked kasi, you liked a photo from my IG post na one year ago pa." Diretsang sabi ko sa kanya.

Halata naman na nagulat siya "Oh. That. That was an accident." At saka umiwas ng tingin.

Whatever!

"So, ano ngang ginagawa mo dito?" Curious na tanong pa rin niya.

"I should be the one asking you that. Ano ginagawa mo dito?" Ganting tanong ko din sa kanya.

"I'm one of their sponsors. Now, pwede ko na bang malaman kung bakit ka nandito?" He calmly answered and asked me again.

Fine. "I'm a volunteer social worker here. But I'm planning to apply soon, pag nakapasa ng boards."

"I see. Nice..." sabi niya na para bang wala ng maidugtong pa.

"Uhm, let's go on lunch?" Aya niya sa akin pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.

Nagulat ako sa tanong niya ngunit agad namang tumanggi. "Nope. Alis na rin ako."

I was about to leave but he stopped me by holding on to my wrist.

"Iya." Simula niya.

"Usap muna tayo."

Umirap ako at nagbuntong-hininga.

"Okay. 20 minutes." I said.

--

Nasa isang part pa din kami ng garden. Since ayokong sumabay sa kanya ng lunch. Hindi naman siya nag-insist.

"So, you're Social Work graduate pala?"

"Yeah." I simply answered.

"How's your mom there?" Oo nga pala, he knows about my mom pala.

Nagkibit balikat ako. "Okay naman siya."

"Wait, paano mo pala nalaman na umalis ako at doon ako nagstay sa mama ko?" Ako naman ang nagtatanong ngayon.

"W-well, I saw your IG posts, okay? Then nalaman ko kina Gio at Brixx na umalis ka noong dumating ako ng Pinas." He honestly answered. I was convinced by his answer kaya hindi na ako nagtanong pang muli. Honest naman pala.

"Bakit iyon yung pinili mong course? Masaya ka naman ba? Ano pala mga pinag-qaralan niyo dun?" Sunod-sunod na tanong na naman niya.

"Bakit ba andami mong tanong?"

"Wala naman. I just want us to be... friends."

Friends your face!

"I don't think I can do that." I said to him.

"Look, I know you're still mad at me." Alam mo naman pala, eh. "But I just want us to be okay. Civil to each other, ganon."

"Civil naman 'to, ah."

"I mean, like the conversation like this. Yung maayos naman sana."

"Sinasabi mo bang hindi ako maayos kausap? Well dapat di mo na lang ako kinausap, diba." Pataray na sabi ko nanaman sa kanya. Naiinis pa rin talaga ako sa kanya. Dapat nga hindi niya ako kinakausap ng ganito, eh!

Tumayo na ako.

"No, Iya wait. I don't mean it that way. Please. Let's forget the past."

Ang kapal niya talaga, eh no. Para sa kanya ang daling kalimutan 'yon.

"Okay." I simply said at nagpatuloy ng maglakad.

"Iya, my real reason was--"

I cut his words.

"Stop. 'Okay' na nga eh, diba? Save that reason of yours! Wala naman akong sinabi diba? Dapat noon mo pa sinabi 'yan. Noong kailangan ko."

And with that, I walked out. Nagpaalam ako kina Sister at mga Social Workers. Naiinis pa rin talaga ako sa kanya. Kapal niya pa na sabihin 'yong rason niya! Eh panis na 'yon, eh. Wala nang magbabago pa.

I tried to be calm when my phone beeped. Its a text from Greg. Tinanong niya kung nasan ako at kung pwede daw bang mag-lunch kami. I didn't hesitate and said yes right away. Tinext ko na din sa kanya exactly kung nasaan ako.

After twenty minutes, Greg arrived. Pumunta kami sa isang restaurant at doon kami kumain.

"Hey, how are you?" He asked. Nahalata niya siguro na badtrip ako.

"I'm fine. What about you? When is your flight back to Canada?" Tanong ko na lang sa kanya.

"I'm planning to leave next month."

"And... I want to leave with you." Dugtong pa niya.

What?! Ano daw?

"Greg--"

"I know this is your home. But Iya, can you give me a chance? Can you give us a chance? Because... I like you." diretsong sabi din niya sa akin.

"Greg. You're my friend. And you're like a brother to me. And.. I don't think I'm ready for that again. I don't think I can still handle it." I mean, love.

I just want to be honest with him. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Walang malisya.

And I have my own issues. Kaya ko ba? Kaya ko pa bang magmahal ulit? I want to fix myself first. Yung wala nang alinlangan. Para naman hindi unfair sa taong mamahalin ko.

At sa ngayon, I don't think it is already the right time.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon