Way back 35

5 1 0
                                    

Iya's POV

I woke up with a nervous heart. Ngayon na kasi ang result ng board exam. Parang ayokong tignan. Hay. Bahala na nga.

One week na ang nakalipas nang makabalik kami galing Batangas. Tita was so happy, as usual. Sabi niya nagtagumpay siya sa misyon niya. Though, hindi naman kami nagkabalikan doon ni Eric. Excited lang talaga siya sa mga bagay bagay. Especially pagdating kay Eric!

I vividly remember that exact moment, we were so awkward inside the car after that... kiss. Halos walang umiimik sa amin. But then I broke the silence and say thanks to him again before going down to his car.

So far, okay naman kami. Atleast hindi na katulad ng dati na sobrang irita ako sa presence niya. Atleast, unti-unti... nasasanay na ako.

Pagkatapos kong maligo, I wear my usual "pambahay" clothes. Sa website ko lang titignan ang results. I got so nervous. Samahan mo pang naroon sa sala si Eric pagbaba ko. Tumayo siya sa pagkakaupo ng makita ako.

"Hi." Bati niya.

"Hello." I replied with a smile.

"Oh, eto pinaghanda na kita ng almusal. Kumain ka na dito pagkatapos ay tignan mo na ang result." Sabi ni Tita.

Pumunta na ako sa dining table at umupo. Sumunod naman si Eric. After eating, he handed me my laptop.

"Parang ayoko nang makita." Kabado kong sabi.

He held my hand and say. "Paano mo malalaman kung hindi mo titignan? You can always try and risk. Isa pa, we're always proud of you no matter what happen. Right, Tita Cara?"

Tita agreed. He handed me my laptop once again, and this time, I accept it. This is it. I started to scan the names of passers.

Lopez, Aaliza Mae S.

Lopez, Aaliyah Marie C.

Lopez, Beatrix M.

And the list went on and on.

Pasado? Pasado ako? Omg!! I could cry right now.

Tumingin ako sa left side ko kung nasaan si Tita. "I passed." I said almost a whisper. I stood up and look at Eric.

"I passed! I passed!" I jumped and almost cried with so much happiness. I hugged him tight and keep chanting that I passed! It felt so surreal. He congratulated me.

I freezed when I realized what I am doing. Kumalas ako sa yakap. Shit. Nakakahiya! Ito namang si Tita, ngiting-ngiti!

"Sorry." I said to him. He just smiled and nod at me.

I hugged my tita. "Congrats, hija. Sabi naman sayo, eh."

"Alam na namin na pasado ka. But we want it to see for yourself."

"Waaahh. Ang daya niyo!!" sabi ko na kunwari ay nagtatampo.

I'm so happy!! I shared it on my facebook account. Messages are flooded me. But I'm too full of happiness so I decided na huwag munang magreply sa kanila.

--

Pagabi na nang lumabas ako para magpahangin. Napansin ko na may kotse na nakaparada sa labas ng gate namin. Lumabas ako ng gate at tinignan kung sino yon.

"Hi there, Iya."

Nagulat ako kung sino ang kaharap ko ngayon.

"Chesca?! What are you doing here?"

"Para bawiin si Eric."

--

Akala ko mag uusap lang kami kaya hinayaan ko siya. Pero nagulat ako nang sampalin niya ako.

"Kapal ng mukha mo! Bakit ka pa kasi bumalik!"

Gigil na gigil talaga siya kaya hindi siya nakuntento at sinabunutan pa ako. Hinayaan ko lang siya. I was never a physical person pagdating sa ganito. Mayamaya ay lumabas si Tita Cara, na sakto namang pagdating rin ni Eric.

"Diyos ko po!" Sigaw ni Tita.

Si Eric naman ay agad na umawat.

"Stop it, Chesca, ano ba!"

Nahawakan na niya si Chesca. Ako naman ay lumapit kay Tita na umiiyak na ngayon.

"Come, iuuwi na kita!" Iritadong wika ni Eric kay Chesca.

"Tita, Iya, sorry. Babalik po ako. Iuuwi ko lang ito."

"At babalik ka pa talaga!" Hiyaw nanaman ni Chesca habang hinihila siya palabas.

Niyakap ko si Tita at umiyak na rin ako. Ang dami kong gustong sabihin. Alam ko si Tita rin. Alam kong madami siyang gustong itanong.

"Hija, bakit naman hindi ka lumaban?" Tinanong niya ako nang kumalma kami pareho.

Hindi ko rin alam ang sagot. Siguro kasi, guilty rin ako. I think, I am falling for Eric again.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon