Iya's POV
Nagising ako dahil ginigising ako ni Tita. It's 7:00 in the evening already. Tumingin ako kay Tita at umayos ng upo.
"Oh, anong nangyari sayo? Ayos ka lang? Bakit namumugto iyang mga mata mo?" sunod sunod niyang tanong. Halatang nag-aalala siya.
Wala akong naisagot. Umiyak ulit ako at yumakap sa kanya. Naguguilty ako. Why I am so close minded all this time? Bakit kasi pinairal ko yung galit ko? Siguro kung sinunod ko lang si Nathan hindi na aabot sa ganito. Mahal ko naman siya, eh. Mahal ko pa. And maybe after all this time, kaya hindi ko maibigay yung puso ko sa iba kasi na sa kanya pa. Sa kanya pa rin.
"Ano bang problema? May surpresa pa naman ako sayo."
Napaangat ako ng tingin kay Tita. Pinunasan ko ang mga luha ko.
"Ano po 'yon?"
Tumayo siya at binuksan ang pinto. Nakita ko si mama. Lumapit ako sa kanya at yumakap. Muli, tumulo ang mga luha ko.
"Sige na, dun muna kayo sa kwarto mo, Iya. Carlyn, sigurado may problema iyan. Ikaw na kumausap ngayong andyan ka na naman." sabi ni Tita
Nag thank you ako kay Tita at umakyat kami ni Mama sa kwarto. Pag upo namin, yumakap ulit ako sa kanya.
"Ma..." iyak ko.
"Anong problema ng anak ko?"
Kinuwento ko kay Mama ang lahat. Lahat lahat. Simula noong nangyari noon kahit alam naman niya na naging boyfriend ko nga si Eric.
"Ma, nagsisisi ako. Ang selfish ko pala all this time. Hindi ko man lang inisip na nasaktan din siya. Of all people, dapat ako yung mas makaintindi, kasi wala ka din sa tabi ko noong lumalaki ako..."
"Anak, hindi naman sa justified iyong ginawa mo. Pero huwag mo naman masyadong sisihin 'yong sarili mo ng ganyan. Hindi pa naman huli ang lahat, eh. Atleast ngayon alam mo na iyong gagawin mo. Pwedeng pwede ka pang bumawi. Mas mahalaga 'yong ngayon. Sabihin mo kung mahal mo. Iparamdam mo."
"Alam mo bang sobrang proud ako sayo, 'nak? Kasi kahit malayo ako sayo nung lumalaki ka, lumaki ka pa din ng maayos. Lumaki kang mabuting tao."
Umiling ako. "Sa ginawa ko Ma, parang ayoko nang maniwala na mabuting tao ako. I have been so close minded and selfish all this time, Ma."
"Hindi naman 'yon ang basehan ng pagiging mabuting tao anak, eh. Nagkamali ka lang. Lahat naman tayo nagkakamali at magkakamali. Tandaan mo 'yan. Gaya nga ng sabi ko, hindi pa huli ang lahat."
Yumakap ulit ako kay Mama. Mga ilang minuto pa, lumayo siya ng kaunti at inabot sa akin ang telepono.
"Sige na. Tawagan mo." udyok niya sa akin. Then she gave me an assuring smile. I dialed his number.
"Eric... It's Iya."
-
HIS SIDE
Iyak ako nang iyak paglabas ng pinto nila. Shet. Ang bakla lang. But who cares? I love that girl! Pero siguro nga ganoon talaga. We can't turn back time as so as love. But I love mommy, too.
I remember what my mommy always said to me before that love will always find its way back. No matter what tragedy or chaos may happen, no matter how far it wander, if it's meant for you, then it will always end up to you. No. Matter. What.
But maybe it's not applicable for me. For us, Iya. Pagpasok ko ng bahay saktong nandoon na si Daddy.
"Hey, son. I cooked for y--" hindi na natapos ang sasabihin niya. I hugged him as I cried.
"Dad... wala na. Wala nang chance. Anong gagawin ko, dad?"
Pinaupo ako ni Dad sa dining chair.
"How'd you know?"
"I told her everything. But I think that will not change anything, too."
"Let her go, then. Go to any places you want to. Pagbalik mo at nagkita kayo, tapos mahal niyo pa rin ang isa't-isa, edi kayo talaga. Let the time decide, son. Let you guys healed... in your own ways."
I hugged my dad once more. And I'm planning to take his advice. Maybe he's right. Well, he always is. At the middle of our conversation, I asked dad if he still misses mom.
And he answered, "Of course. She's the love of my life, my home, my family. And she will always be. My love for your mom will go beyond death."
And I realized, I want a love like that. I want to love Iya way beyond eternity. But how can I do that if she keeps on rejecting me?
Ilang sandali pa, nag ring ang phone ko. Unregistered number kaya sinagot ko .
"Eric... It's Iya."
BINABASA MO ANG
Way back into Love
Teen FictionThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?