Way Back 25

26 4 5
                                    

Iya's POV

Medyo tanghali ako nagising. Shocks! Diretso tuloy ako sa banyo. Nagmamadali na ako, eh. Ughhh. Bakit ba kasi hindi ko narinig yung alarm ko?? Gosh, Iya!

Pagbaba ko, wala si Tita. So I just leave a note na baka ma-late ako ng uwi mamaya dahil may usapan kami ni Nate.

Mabuti naman at hindi ako na-late. Thank God!

Hours passed, natapos na din ang review for today. Nakita kong nakatayo na si Nate sa tapat ng room ko nung paglabas ko.

"Shall we?" He asked.

"Y-yeah. Let's go." I replied.

May kotse siyang dala kaya hindi masyadong hassle ang biyahe. Medyo awkward nung una, pero naging okay na din bandang huli.

Pagdating sa Mall, kumain na muna kami ng dinner since it's passed 6pm na.

"Uy, kung may gusto ka pa, order ka lang, ah." Sabi niya. Kaka-order lang kasi namin.

"Andami na kaya nung in-order natin! Baka nga may matira pa, eh."

Andami kasi nung in-order niya. Baka hindi namin maubos. Pang three to four persons na ata 'to, eh! Halos lahat ng nasa menu, inorder niya. While eating, we're having small talks.

"So, Social Work graduate ka din?" I asked.

"Yes. UP Diliman graduate," he said confidently. Then I remember studying there also, bago ako mag migrate sa ibang bansa!

"Oh, nice! Dun ako before, nung bago ako nag-transfer abroad. Andoon kasi mama ko so, kinuha niya ako doon para dun na magtapos." Pag papaliwanag ko.

"Wow. Mas cool ka pala, eh." Then he chuckled.

"Hindi, ah." I said at nagtawanan kami.

Nag-order pa siya ng dessert after namin kumain ng main course. May natira pa nga kaya baka ipabalot na lang namin mamaya. Sayang naman kasi.

Di namin namalayan na napasarap ang kwentuhan namin. Mga 7:30pm na kasi. We still laughing when my phone rang.

Nagpaalam ako kay Nate bago sagutin ang phone call. Tumayo ako para lumayo ng kaunti mula sa table namin. It's an unregistered number. Sino kaya ito?

+63916748***** Calling...

"Hello?"

"Iya..."

Natigilan ako sandali ng mabosesan ang taong tumawag.

"Eric?"

"Iyaaaaa. I *huk* need you." He answered.

Lasing ata 'to. Pero saan niya naman nakuha number ko? Hays, maya ko na nga iisipin yon!

"Lasing ka ba? Umuwi ka na. Bukas na tayo mag-usap." I said to him.

Tumahimik sa kabilang linya kaya pinatay ko na din yung call. Then I went back to our table.

"Sorry." I apologized.

"It's okay. Sino yon? ...boyfriend mo?" He carefully asked.

I don't know what to answer. Anong isasagot ko? Ex ko??

"Ah, hindi.. ano. Friend." I simply say. Tumango siya at kinuha ang bill namin. We were about to go somewhere else. But after 10 minutes, nag-ring ulit ang phone ko. Same number. Ugh! Ano bang kailangan nito? Hindi ko na lang pinansin yung call. But my phone keeps on ringing, though.

"You sure you don't want to answer the call?" Nate asked.

Nagkibit-balikat ako. "I think we need to go. Gumagabi na din, eh."

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon