Way back 19

41 5 3
                                    

Iya's POV

"Uhm... H-hello po." Hindi ko alam itatawag sa kanya. Am I still entitled to call him 'Tito'?

"You can still call me 'Tito', you know." He said to me na para bang nabasa niya ang tanong na nasa isip ko.

I smiled at him. "Yeah, Tito. Kamusta po?"

He invited me to talk about it over dinner. Nahiya naman akong tumanggi. So I texted Tita that 'Tito Rod' invited me for a dinner kaya baka hindi pa ako makauwi.

Tito Rod or Rodrigo Del Rosario, he's Eric's father. Yeah, it's funny, right? Kailan ba ko titigilan asarin ng tadhana?

While waiting for the food, we had small talk.

"Do you mind having this dinner? Mukha kasing nagmamadali ka kanina." Tito Rod said.

Umiling ako at ngumiti. "No, Tito. I don't mind po. May hindi maganda lang po akong nakita kaya tumakbo ako kanina," paliwanag ko pa.

"Oh, I see. Let's eat first, before continuing this talk."

Sakto naman ang pagdating nung order namin 'non. True to his words, tinapos muna namin ang pagkain namin bago siya nagtanong ulit.

"So, I heard you finished your degree abroad?" He first asked.

"Ahm, yes po, Tito. Sa Canada. Resident na po kasi doon si Mama."

"That's good to hear. Congratulations on your degree."

"Salamat po."

Pagkatapos noon ay biglang binalot ng katahimikan ang paligid. I was about to say something when Tito start to speak again.

"You know, I still like you for my son. Hindi kasi ako sanay na may ibang babae 'yun si Eric." Hehe. Meron na nga po, eh.

"Pasensiya ka na, sinasabi ko pa ito sa'yo. Nasanay kasi talaga ako na ikaw lang babae sa buhay ng anak ko. And I still hoping that in the end, you two will still end up together," Seryosong sabi ni Tito.

Mukhang namula naman ako sa sinabi ni Tito.

I saw this coming. I know that he'll bring up the talk about me and his son. Pero hindi dapat ako magalit kay Tito. Kung ako nasa katayuan niya, baka ganoon din ang isipin ko. Kami na kasi ang magkasama bata pa lang. Sinong mag-aakala na magkakahiwalay kami? Kahit ako, hindi ko naisip iyon. So, I understand Tito Rod. He's very supporting to us noong kami pa kaya rin siguro ganito.

Isa pa, Tito Rod was like my father back when we were young.

"I understand po, Tito. But I think Eric and I have different lives now..."

He laughed a bit tsaka nagsalita ulit. "Yeah, yeah. I know. You two are grown ups now. Napakabilis ng panahon." sabi niya na may kalungkutan sa tono.

I agree. Mabilis ngang lumipas ang panahon. It always seems that it was just yesterday.

"Sorry po. By the way, kamusta po pala si Tita Erica?" I asked. To be honest, nagtataka kasi ako kung bakit hindi ko pa nakikita si Tita ever since na bumalik ako dito. Hmm, miss ko na din siya.

I saw sadness in Tito Rod's eyes. Oh my! May nangyari ba? Naghiwalay ba sila? Kaya ba hindi na sila magkasama? Shiz. Wrong timing ata ako. Sasabihin ko na sana kay Tito na okay lang kung hindi niya sagutin 'yong tanong ko. Pero biglang nag-ring ang phone niya.

"Excuse me for a while hija, but I have to take this call." Sabi niya tsaka tumayo at bahagyang lumayo sa table namin.

Napabuntong-hininga ako. Saved by the ring yun, ah! But I'm still wondering. Pero okay na rin 'yun, baka kasi ma-offend ko si Tito pag ganoon. Buti na lang talaga, eh!

After 3 minutes, Tito came back kasama pa din mga bodyguards niya.

"I'm sorry, hija. But I need to go."

"Oh, sure, Tito. Uuwi na rin po ako. Baka hinahanap na din po ako ni Tita."

"Please relay my gratitude to Cara. Anyway, do you want me to call my son to accompany you home?" He offered.

"Ay no, Tito. I mean, kaya ko na po. Hehe."

"Okay. Be safe, okay?" I nodded. He started to walk away when he said words again.
"And.. about that matter, maybe you should ask Eric some time." He smiled then continue to walk away.

Napatigil ako sa sinabi ni Tito. Bakit kay Eric pa? Hay. I don't get it. Pero iyon nga, niligpit ko na din yung gamit ko at yung pizza (na ngayon ay malamig na) na pasalubong ko kay Tita. Buti na lang dumating agad yung Grab na pina-book ko kaya hindi na masyadong hassle.

As I expected, Tita is still in the living room pagdating ko. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Oh, how's your day?" Tanong niya. Pumunta muna akong kusina para ilapag yung pizza na dala ko. Kumuha na din ako sa ref ng isang baso ng tubig.

"Okay naman po, tita." Kinuwento ko sa kanya mula sa pag-alis ni Greg hanggang sa dinner with Tito Rod.

"Parang andami namang nangyari?" Parang di makapaniwalang tanong ni Tita.

"Yes, ta. Kahit ako po nagtataka. By the way, pizza po, oh. Lumamig na nga lang."

"Sige, ako na bahala dyan. Matulog ka na."

"Sure po kayo, 'ta?" Tanong ko.

"Oo. Sige na. Magpahinga ka na 'ron." Yieee, bait talaga ng tita ko, eh.

"Okay po. Pero sunod ka na din, ah. Night po. Love you!" I kissed her cheeks. At umakyat na sa taas. Finally, in my bed! For now, let's call it a day.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon