Way back 20

23 5 1
                                    

Iya's POV

Maaga akong pumunta sa Review Center ngayon para mag-enroll. It went fine kaya nakauwi agad ako by 1pm. Naglunch na rin ako bago umuwi.

Wala naman akong gagawin kaya magbabasa ako ngayon ng books at ilang notes ko. I'm planning to review today. Two weeks from now pa kasi ang official review class ko.

Nagtext si Tita na may aayusin siya ngayon sa school. My Tita's a principal in an elementary school pala. So yon, kahit magbabakasyon na ang mga estudyante, busy pa din sila.

Sa sala na lang ako magrereview. Kumuha ako ng ilang snacks sa ref para hindi na ako tatayo in case na magutom ako. Mga 1 hour pa lang akong nagrereview nang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko naman kaagad, baka kasi si Tita na.

Nagulat ako nang makita ko kung sino iyon.

"Eric? Anong ginagawa mo dito?" Nagulat talaga ako.

May dala siyang flowers. At eto pa! Pumasok na agad siya sa bahay nang hindi ko pa sinasabi. What the??!

"Hoy! Ano ba sa tingin mo ginagawa mo, ha?"

Ayan, naha-highblood nanaman ako.

"I'm visiting Tita Cara." Simpleng sabi niya.

"Oh wala si Tita, makakaaalis ka na." I said with a straight face.

Hihilahin ko na sana siya papunta sa pinto nang magsalita siya ulit.

"Bakit ba pinapaalis mo na ako agad? Ang init kaya! Di mo ba ko pauupuin muna?" He cooly said.

"Kasalanan ko bang pumunta ka dito? Tsaka hinde, walang upo-upo umuwi ka na!"

"Sungit." Tapos umupo na siya sa sofa. Aba, aba!! Tumingin tingin pa siya sa paligid. Parang nag-oobserve.

"Ano baaaa! Next time ka na lang manggulo, please. Nagrereview ako!"

"Hindi naman kita guguluhin."

"Eric!" This time, I'm so damn serious!

"O sige na, aalis na. But I just want you to know na may Camping ang Home for the Angels."

"Weh?" Sabi ko. Napaupo na din ako sa sofa.

"Yeah. Daan ka na lang doon bukas para sa details. Pakibigay na lang din ito kay Tita Cara." Sabay lapag nung bouquet.

Bakit parang nakaka-guilty? Nasobrahan ba ako? Hinatid ko siya sa pintuan. Lumingon ulit siya sa akin kaya napaangat ako nang tingin.

"Uh, about dun sa nangyari sa ampunan last time, I just want to apologize to you. Sorry." sincere niyang sabi.

I was shocked and touched at the same time. I was the one who supposed to say sorry. Andami ko ng times na naging rude sa kanya.

"Simula ngayon, hindi na kita pipilitin about sa reason ko, well not until you're ready to listen. I won't bug you anymore about our past. Because you're right, matagal na 'yun, eh. But I still want to be your friend. Well... atleast. Sige, I'm going na." Sabay labas sa pinto.


Wtf. Nangongonsensya ba siya? Effective, eh!


** Short Update. Sorry! Thank you for reading. :)

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon