Iya's POV
At gaya nang napag-usapan, I am going to have lunch with my bffs today. Nilagay ko sa paper bag ang mga pasalubong ko sa kanila na binili ko sa Tagaytay.
Sinundo din nila ako sa bahay. We decided to eat at Gringo, sa The Fort Residences.
"Parang ang tagal na nating di nagkita-kita, ah." Sabi ni Krizel.
"Oo nga. Kayo lang naman kasi laging busy," Sabi ni Rein na parang may tampo sa tono niya.
"Sorry mga beshie. Alam niyo naman na ilang months na lang board exam ko na, diba? Kailangan ko na talagang mag-focus." Sabi ko. Ako kasi may pinaka-maraming utang sa kanila. Oo, aminado ako. Haha!
"Hm, intindi ka namin sa part na yan, besh. Perooo! Bumawi ka soon, ah." Si Krizel.
"Hindi pa ba sapat 'to, ganon?" Biro ko sa kanila at inabot yung tig-isang paper bag.
"Wow. Sige na, bawi ka na! Thank you, beshieee. And cheer ka namin para pumasa ka sa board mo!" Tumayo pa si Krizel para yumakap sakin.
"Sweet ka talaga pag may ganyan eh, no." Biro ko pa sa kanya.
"I love you na talaga, besh! Kaya mahal kita, eh. Di ka kurips. Di gaya nung iba diyan." Sabi ni Rein.
Hindi lang kasi Tagaytay shirt at keychains yung uwi ko sa kanila. Sinamahan ko na din ng make-up kit na nakita ko.
"Ako ba yon, ha?" Depensa ni Krizel.
Tumawa kami. "Hayaan mo na 'yang si K natin. Alam mo naman busy sa lovelife niya 'yan, eh. " sabi ko. "By the way, kamusta pala kayo?" Dagdag ko pa.
"Okay naman. Ang sweet sweet nga ni Gio, eh. Minsan may tampuhan. Hindi naman ata mawawala 'yon," Sagot niya.
"Yeah. Ganun naman talaga. Normal lang 'yan." Sabi ni Rein.
"Normal lang din naman mag-ligawan kayo ni Brixx." Bawi naman ni Krizel sa kanya. Wait, what?
"Nililigawan ka ni Brixx?" Gulat na tanong ko.
Medyo umiwas siya ng tingin. "Uhm, ewan. Magulo siya, eh."
"Ajuju. Denial si ati. Oo, best! Pakipot lang itong bessy natin." Si Krizel ang sumagot.
Namula naman si Rein. "Way to go, bessy!" Sabi ko pa.
Nagkwentuhan pa kami. Kinuwentuhan ko sila about sa nangyari sakin this past few weeks at ganoon din sila.
"Ewan ko ba diyan kay Eric kung ano nagustuhan dun sa Chesca na 'yun! Eh wala namang maganda dun, eh!" Sabi ni Krizel. Naikwento ko kasi yung mga nangyari sa Tagaytay.
"Baka naman, di niya talaga mahal 'yun. Alam mo na, mema lang." - Rein.
"Pwede, pwede." Pagsang-ayon agad ni Krizel.
"Mga lukaret. Pabayaan niyo na nga sila. Choice nila 'yun. Hayaan na natin." sabi ko sa kanila
Inaayos na namin yung mga gamit namin dahil tapos na kaming kumain. Nang may, humawak sa balikat ko.
"Iya?"
"Uy! Nate. Ano ginagawa mo dito?"
"May pina-take out lang si Mama. Ikaw?"
"Lunch date namin ng best friends ko, eh. By the way, girls si Nate pala." Pakilala ko sa kanila. They waved and smiled at Nate. "Nate, best friends ko, si Krizel and Rein."
"Hello, Nate." bati ni Nate sa kanila. Sabay offer ng hand.
Rein and Krizel greeted him back at nakipagshake hands din.
"Rein."
"Krizel. K for short."
"Nice to meet you, Rein and K."
"Gotta go na. Medyo nagmamadali ako, eh. Ahm, Iya, pwede ka ba bukas?" tanong niya. Wala naman akong gagawin so I nod my head.
"Yun, so, can we eat tomorrow, after review? Kung... okay lang?"
"Oh, sure. Sige."
"Okay. See you then?" I smiled and nodded. "Una na ako. Bye, girls." paalam niya din sa mga kaibigan ko.
Krizel and Rein waved at him.
Nang makalayo na si Nate, agad namang nagtanong itong si Kaye.
"Uyyy, sino yun, ah?"
"Uh, new friend." Simpleng sagot ko.
"Hm, friend lang?" Pangungulit ni Krizel.
"Oo. Ano ba gusto mo?"
"Hay nako. Tigil-tigilan mo na kasi pagiging bitter mo. Try to open your heart again. Hindi naman lahat ng lalaki, sasaktan ka lang." Seryosong sabi ni Krizel.
"Why so serious? Friends nga lang kami. Kakakilala pa nga lang namin, eh. Huwag kayong ano diyan. Kayo talaga." I said. Sinusubukan kong pagaanin yung atmosphere para mawala yung konting tension.
"Pero bessy, tama si Krizel. Why don't you try to love again? Malay mo naman, this time, tumama na." Pagsang-ayon ni Rein.
I sighed. "Sabi ko naman sa inyo diba, ayoko muna niyan. May board exam pa akong mas kailangang pagtuunan sa ngayon. At isa pa, I want to balance everything. Ayoko nang magkamali ulit."
Natahimik sila saglit sa sinabi ko. Nang magsalita ulit ako. "But okay, let's see. Kung ibibigay ng panahon, why not. Pero sa ngayon, we're friends lang. Okay?"
With that, para naman silang nabunutan ng tinik at parang ginanahan ulit. Ay, ewan ko talaga sa mga 'to.
Bago umuwi, nag-shopping na din kami saglit. Umuwi na din kami bandang 7pm. Maaga akong natulog dahil nga may review pa bukas.
**
Hi guys! Usap tayo sa twitter. Tweet kayo with a hashtag #WBILWattpad or follow me @beaenriquez3 Thank you. God bless 💖
BINABASA MO ANG
Way back into Love
Teen FictionThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?