Eric's POV
Touchdown Manila. Sa Wakas! Nakakamiss din pala dito. It's been two years since we left for.. hay.. I still can't even say it.
"Welcome home, Bro!" Si Brixx.
"Oh, pano ba yan? Mamaya, ah! Celebrate na agad tayo." Pagyayaya naman ni Gio.
Akalain mo 'yon, sinalubong ako ng mga kupal na 'to. Mga kaibigan ko sila simula highschool. Si Brixx at Gio. Nabalitaan nila siguro kay Dad na ngayon ang uwi ko.
"Oo ba! Sige. Treat ko pa kayo, eh." Sagot ko naman.
"Ayun, oh. Kaya namiss ka namin, eh!" Sagot ni Brixx.
"Mga loko. Later. Magpapahinga muna ako."
Hinatid ako nila Gio at Brixx sa bahay. May dalang kotse si Gio. Nag-request daw sila kay Daddy na sila na ang susunod sa'kin. Nauna na kasing umuwi si daddy noong isang araw.
Pagkalipas ng isang oras dahil sa traffic, nakarating na kami sa bahay.
"Thank you, Bros. Later na lang, ah." Paalam ko sa kanila. Hindi na raw sila papasok sa loob ng bahay. May mga date siguro.
Pumasok ako sa loob ng bahay. Parang wala namang nagbago. Except for that one thing...
"O, nandyan ka na pala. Halika, kumain ka na, nakapagluto na ako ng paborito mong kare-kare." Agad na sabi sa akin ni Daddy pagpasok ko sa bahay. Tinanggal niya ang apron na suot, lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
Ngumiti ako. "Thanks, Dad!"
"Welcome home, anak!" Inakbayan ako ni dad at tinapik sa balikat. Inakbayan ko rin siya at inayang sabayan akong kumain.
Alam talaga ni Dad kung ano gusto ko. Kaya the best siya, eh. Nagpaalam ako na aalis ako mamaya kasama sila Brixx at Gio.
"Nga po pala, dad. Alis po kami ni Brixx at Gio mamaya."
"Okay, son. Basta, no monkey business."
Natawa ako at nangako pa rin. "No monkey business."
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam ako kay dad at umakyat muna ko sa kwarto para makapagbihis at makapagpahinga na din. Walang nabago sa kwarto ko. Same thing nung umalis ako. Nagising ako ng 5pm. Nagtext ako kila Gio na 7pm na kami magkita-kita. Nag-ayos na ko at bandang 6pm ay umalis na ako.
"Dad, alis na po muna ako." paalam ko kay Daddy na nasa sala ngayon at nanonood ng tv.
"Okay. Be home at 12am para makapagpahinga ka pa galing ka sa flight mo."
"Yes, dad. Uhm, pahiram naman po ng car, dad."
"Okay, here's the key. Ayusin mo Eric, ah."
"Yes, dad. Thank you!"
After 25 mins. nakarating na ako sa bar na pagmamay-ari ng Tito ni Brixx. Hinanap ko sila at agad rin namang nakita.
"Yon, nandito na si Eric." Bungad ni Brixx
"Order na muna tayo ng drinks." Si Gio atsaka umorder ng drinks.
"Go lang. Treat ko, basta konti lang ako. Car ni Dad dala ko, eh."
Umorder na sila ng tequila.
"So, bro, how's life in US? Sarap ata ng buhay mo doon, ah." Biro ni Gio.
Kung alam niyo lang. Walang nakakaalam kung bakit kami umalis noon. Sobrang biglaan kasi. At hindi na rin namin ipinaalam pa.
"Di rin. Mas masaya pa din dito." Simpleng sagot ko.
"Naks naman. Wala kasi kami doon, no?" Biro pa ni Brixx.
"Pero seriously, bro, how are you?" Tanong ni Gio at Brixx na ngayon ay mukha nang nag aalala.
"Ayos nga lang! Kayo ba? Babaero pa rin kayo?" I said to them at iniba na ang topic.
"Ako hindi. Ewan ko lang kay Brixx, ah." Sagot ni Gio.
"Tado ka! Hindi ako babaero. Mga babae lumalapit sakin." Depensa naman ni Brixx.
"Wow, sobrang pogi mo, pare!" Biro ko. Nagkatawanan kami.
"Nga pala, nakikita niyo pa ba si Iya? How is she?" Tanong ko.
"Sounds like concern. Why? Mahal mo pa ba siya?" Pabirong tanong ni Brixx.
Mahal ko pa nga ba? It's been years na din pala.
"Pag true love talaga eh no?" Biro ni Gio.
Umiling ako at tumawa. "Nagtanong lang." Sabi ko.
"Sows! Neknek mo!" Sabi ni Gio na parang ayaw maniwala. Binato ko siya ng pulutan. Bwisit 'to, ah!
"Ang balita ko umalis daw si Iya. Nasa ibang bansa siya ngayon." Sabi ni Brixx.
Nagulat ako doon.
"Bakit daw?" Tanong ko pabalik.
Nagkibit balikat si Brixx.
"Ewan. Maybe to start a new life? To move on? It's been what, two years? I think she needs to move on. And you are, too." Seryosong sabi niya.
Tama siya.. pero there's a part of me na gusto siyang kausapin about sa nangyari. I know there is no formal break-up between us and it is my fault. Kaya gusto ko siyang makausap. But looks like, it's too late now. Hay, kung alam niya lang talaga kung ano ang dahilan ko...
Sorry, sana mapatawad at maintindihan mo ako.
BINABASA MO ANG
Way back into Love
Teen FictionThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?