Iya's POV
Today is our second day here in Batangas. Pagkagising ko, napansin ko na wala si Eric sa room. And then I saw note from him saying he's waiting for me at the lobby so we can have breakfast together. Agad naman akong tumayo at nag-ayos na para makababa na.
I remember again what happened last night. It was so serene. After niyang kumanta, bumaba siya ng stage at nagpasalamat sa kung kanino man siya nagpaalam na gawin 'yon. Ako naman, naunang maglakad para hindi mapansin ng crowd. He followed me. The crowd didn't noticed us because another performer performed in stage.
"Nagustuhan mo ba?" He asked softly. I smiled and nod at him.
"Yes. Success!" Bulong pa niya sa hangin.
"Ang dami mong alam." I said to him and we both laughed.
"Sleepy?"
"Yeah. Kinda."
"Let's go then?" he said and offered his hand to me. I accepted it at sabay kaming nagtungo sa suite.
I made a good sleep last night. Hay. Ang saya pala. Mas masaya kaysa sa inaakala ko. I never thought I would wish that this would last.
Pagbaba ko, nasa lobby nga siya. He's looking at his phone. Pero noong makita niya ako na papalapit na, itinago niya ang phone niya at tumayo. Sinalubong niya ako at dumiretso kami sa isang resto malapit dito.
In a middle of our eating, he asked and broke the silence.
He fake coughed. "What do you want to do today? May gusto ka bang gawin o... puntahan?"
Hmm. Ano nga ba? "Don't know. Swimming, maybe? Tapos pahinga then manonood ng sunset."
Tumango naman siya at sumang-ayon agad. "Okay. Let's do that, then." He smiled.
Madalas ang pag ngiti niya ngayon, ah.
True to his words, nagpalit na kami ng pang swimming after naming magbreakfast. I don't want to wear two piece. Lalo na at kaming dalawa lang ang magkasama dito. Mahirap na. Joke! So I decided to wear bra and short shorts. Pinatong ko yung white silk. Nagpahid din ako ng sunblock at dinala yung shades ko paglabas.
Si Eric naman, naka board shorts at topless. Topless. So I can see his abs right now. Damn! Okay, this is not the right time to daydream, Iya!
"Tara." Aya niya.
"A-ah. Sige. L-let's go na."
Napansin ko rin ang titig niya sa akin bago tumuloy sa paglalakad. Bumaba na kami at pumunta sa beach. Ang ganda talaga dito. Hay. If I could stay here forever, I will. Maglalakad na sana ako papunta sa tubig, nang pigilan niya ako. I gave him a questioning look.
"Let's take a picture first. Together. Okay lang ba?"
Napa-awang ang bibig ko doon. Akala ko pa naman kung ano. At hindi ko rin kasi expected! Nang makabawi ako ay tumango ako sa kanya at lumakad muli pabalik sa kanya. Ipinuwesto niya ang camera at pareho kaming ngumiti. Ilang anggulo pa ang kinuhanan niya bago niya ito binaba. Akala ko tapos na. Pero nagtawag pa siya ng isa sa mga trabahadora dito para kunan kami.
"Miss, pwedeng pa-picture kami? " He asked then smiled to the girl.
Mukhang na-mesmerized si ate pero mayamaya pa ay nakabalik na rin sa ulirat. "A-ay, s-sige po, Sir." Magalang na sagot nung babae.
Inakbayan niya ako. Nagulat ako sa inasal niya pero syempre hindi ko lang pinahalata kasi ayokong masira ang moment. Damn, this man! Nanamantala ata 'to, eh. Ngumiti nalang din ako sa camera. Naka-ilang shot ang kuha pagkatapos ay ibinalik na niya ang camera kay Eric.
"Thank you." pasasalamat niya dun sa babae.
"Sige po, Sir." sabay ngiti. Tumingin din siya sa akin, ngumiti lang din ako at nagpasalamat.
Pumunta na ako sa beach. Mayamaya ay sumunod din pala siya.
I decided to not go on deeper side. Marunong naman akong lumangoy kahit papaano. Mayamaya naramdaman ko na may tubig na winisik sa mukha ko. Napalingon ako sa direksyon na 'yon. Si Eric pala. Aba! Ganyanan pala, ha. Gumanti ako syempre.
Minuto pa ang nakalipas ng matapos ang wisikan. Ayaw patalo, eh. Nagtatawanan pa kami.
Naghabulan kami dahil doon. Umabot kami sa malapit sa pampang kaya nakakuha ako ng kaunting buhangin at ibinato iyon sa kanya. Yumuko naman siya hawak ang mata niya. Agad akong naalarma kaya lumapit ako sa kanya.
"Hey. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya, hindi pa rin siya umiimik.
"Huy! S-sorry. Patingin ako. Hihipan ko." Sabi ko ulit.
Mayamaya pa ay umalog ang balikat niya. Tumatawa siyang nag angat ng tingin.
"Gotcha." He said at winisikan ulit ako ng tubig.
Tawa kami nang tawa at nag enjoy kami sa ganoon.
Nagdaan na ang lunch. Kumain na kami at bumalik sa suite since mainit ng ganoong oras. Bumalik kami sa sea shore nung sunset na. We're both sitting now in the white sand.
"There are things that never change." Napalingon ako kay Eric dahil sa sinabi niya.
"Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Sunsets."
"You still love watching sunsets, right? We used to watch sunset everyday when we were kids." pagpapatuloy niya.
I just silently nod. Bakit kasi kailangang halungkatin pa iyon? Pero tama siya. Mahilig nga kami manood ng sunset noon.
Napansin ko ang pag-usod niya sa gawi ko. He held my hand...
"I miss you..."
Saglit pa kaming nagkatitigan at inalis na rin niya ang kamay niya doon.
Papalubog na nang papalubog ang araw. We decided to talk about life.
"So, tell me about yourself." I open the topic to remove the awkwardness between us.
"Wow, interesado ka na sakin ngayon?"
"Kapal natin, ah. Sige, wag na." bawi ko.
Tumawa naman siya. "Biro lang, ikaw talaga."
"Ehem." Tumayo pa siya at nagpakilala ng pormal at with hand gestures pa. "Hi, I'm Robert Eric Del Rosario, 24. Business Management Graduate at La Salle. Soon to be the CEO of Del Rosario Tradings. So, pasado ba ako? Sayo?"
Talaga naman! Lagi niya talaga naisisingit ang kaharutan, no?
Natatawa naman ako sa kanya. "Ano ba! Para kang sira dyan. Umupo ka na nga. Atsaka anong pasado ka dyan! Nag exam ka ba?" Biro ko. Siya naman ang tumawa ngayon.
Umupo naman siya ulit. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan.
"We are one of the sponsors of Home For The Angels. Well, it was Dad's idea. Hanggang ngayon malapit pa rin siya sa mga bata. Sinisimulan ko na rin mag manage ng company since ililipat na iyon ni Daddy sa pangalan ko."
"Congrats! Pero kung ganoon, dapat hindi ka na sumama sa akin dito? Eh hindi ba importante 'yon?"
"Wala, eh. Mas importante ka." Again, my heart skipped a beat. Hay, papacheck up na nga ako pagbalik ng Manila. Tumingin lang ako sa kanya sandali tapos iniwas ko na ang tingin ko. I felt my cheeks turned red.
"That can wait, Iya. Tsaka alam ni Dad. You know Dad. Botong boto sa'yo."
Marahan na lang akong napatango. Hay. How I missed Tito Rod and Tita Erica.
"Anyway, balik na tayo sa suite? Madilim na, oh." Pag aya niya.
Oo nga. Hindi namin namalayan ang oras. Natapos na pala ang sunset. Natapos nanaman ang isang araw.
"Yeah. We better go." sabi ko.
Bumalik na nga kami sa suite. Nauna akong mag shower at magpalit ng damit. Pagtapos ay natulog na din kami. What a long... and fun day.
BINABASA MO ANG
Way back into Love
Teen FictionThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?