Way back 17

55 5 4
                                    

Iya's POV

After Greg's confession yesterday, we went home silent. I thanked him paghatid niya sa akin sa bahay. He tried to call me but I just texted him. Hindi pa rin magbabago ang desisyon ko tungkol sa gusto niya.

Nagising ako sa ring ng phone ko. Hays. Ang aga-aga naman, oh! Sino kaya ito? Kinuha ko 'yung phone ko na nasa bedside table ko at sinagot ko agad ng walang tingin tingin sa caller. Pag ito talaga wala lang, ah!!

"Hello? Alam mo ba kung anong oras pa lang?" Pagsagot ko sa phone ng pataray. Gigil ako, eh.

"Hoy kamahalan! Tanghali na po! Tingin tingin din sa orasan pag may time!"

Sa sobrang lakas ng boses niya, nailayo ko sa tenga ko yung phone ko. Si Krizel pala! Ano nanaman kaya 'to?

"Makasigaw?? Importante ba yan, ah? Bakit?" Iritable kong sabi. Antok pa ko!

"Eh, kasi, birthday na ni Rein sa linggo bhest. Pero may early celebration siya at sa condo ko gaganapin later. Uuwi kasi silang probinsya sa mismong birthday niya."

"Okay. I can't go. Magrereview ako ngayon."
Nags-start na kasi akong magbasa basa ng mga articles at books about Social Work and baka next week ang start ng formal review ko.

"Grabe ka! Gusto mo bang magtampo si Rein sayo? Isang araw lang naman, bhest. Sige na, pumayag ka na."

"Pleaseeee?" Malambing na sabi pa niya.

Hayy. Okay, okay.

"Oo na, oo na. Sige, pupunta na 'ko."

"Yieee. Kaya love ka namin, eh. See you later. Bye, love you!!" At ibinaba na niya ang phone bago pa ako makasagot.

Looks like I have really no choice.

Tama si Krizel, tanghali na. It's 9 o' clock in the morning na. Mga 9:15 am na nang bumaba ako. Kumain lang ako sandali at umakyat ulit sa taas. Nagpaalam ako kay Tita na magrereview ako. At iyon nga ang ginawa ko.

Pagdating ng 6pm ay text na nang text si Krizel. Kung nasaan na daw ba ako at kung pupunta ba talaga ako. Well, I don't break promises.

Nagbihis na ako at nagpaalam kay Tita tungkol sa lakad ko. Bago pa pumuntanv condo ni Krizel, dumaan muna ako sa bookstore para bumili ng book na ibibigay kay Rein. Mahilig kasi 'yon sa books, eh. Well, ako medyo din. Binili ko 'yung isang set ng books ni Lauren Oliver. I also made it wrap. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako sa condo ni Krizel. Nagbook na lang ako ng Grab para mas safe at para mas mabilis. 6:40 pm na kasi.

Pagsakay ko sa elevator, I saw Eric. Magbaback-out sana ako kaya lang naisip ko mukha naman akong tanga 'non pag nagkataon.

Way to go, Iya! Si Eric lang naman yan. Bakit ka iiwas?

I tried to act normal. Medyo awkward, as always. Lalo na kapag naiisip ko yung nangyari last time sa orphanage.

He fake coughed. "Sa condo ka din ni Krizel?" He said, breaking the silence. Leche naman kasi bakit 20th floor pa ang unit ni Krizel. Parang napakatagal tuloy namin na magkasama.

Tumango na lang ako at ngumiti nang kaunti.

Parang nang aasar rin talaga dahil walang ibang sumasakay. Pambihira!

I also bought cake kaya parang ang dami kong dala.

"Here, tulungan na kita." Offer niya.

"Ay, hindi na. Kaya ko na 'to," I said. But he insisted.

"Nah." Kinuha niya sakin yung bitbit ko na cake. I smiled and silently thanked him.

*ting*

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon