Way back 12

33 7 2
                                    

Iya's POV

Saturday ngayon. At ngayon na nga 'yong party na sinasabi ni Krizel. 10am na ako gumising since wala naman akong gagawin ngayong umaga. After kong gawin ang mga morning rituals ko, bumalik na muna ulit ako sa kama. Magchecheck muna ako ng social media accounts ko. 10:30am pa lang naman, eh. Mamayang lunch na ako bababa. Last week pa kasi last check ko sa mga social media accounts ko.

I opened first my facebook. Wala naman masyadong happenings since hindi naman ako nagpopost pa ulit. Konti lang din ang friends ko doon dahil ayokong mag accept ng total strangers. I checked my twitter next. May iilang favorites lang about sa last tweet ko, then wala na. Next is my gmail, nag-email lang ako kay mama about sa mga nangyayari sa akin this past few days. And last, Instagram.

"Iya! Bumaba ka na diyan. Kumain ka na muna." si Tita na kumakatok ngayon sa pintuan ko.

"Bilisan mo, at may lakad ako kaya maaga akong nagluto." Dagdag pa niya.

Gaya nga ng sabi ko, walang asawa at anak si Tita. Kaya kami lang talagang dalawa. She's a Principal sa isang public school dito malapit. Iyon din ang pinagkakaabalahan niya noong wala ako.

Madalas rin, nagbobonding siya kasama ang mga amiga niya. Which is totally fine with me. Atleast Tita's having fun, too. She deserves it.

I closed my IG app first at sinagot si Tita pabalik

"Okay, Tita. Baba na po ako."

At iyon nga ang ginawa ko.

"Oh, 'ta, bihis na bihis tayo, ah." Pambungad ko sa kanya. Nakabihis na siya ngayon at naka-make-up rin.

"Mamaya na kasi yung reunion namin. Dadaan muna kami sa spa sabi nung mga kaibigan ko nung high school para sabay sabay na din ang punta namin sa venue." Paliwanag niya.

"Ako din po pala, tita may lakad. Mamaya na kasi yung party nung boyfriend ni Krizel."

"Sige, basta yung gate, ha. I-lock mo bago ka umalis." Bilin pa niya.

"Yes po."

Nauna nang kumain si Tita kaya naman umupo na ako at kumuha na ng pagkain. Sumubo ako ng isang beses bago i-open ulit yung IG app ko.

May notification na nag like. Nagtaka ako kasi wala pa naman akong bagong post. May recent post is yung nasa Canada pa ako.

My forehead creased when I saw the username of the one who liked one of my posts. @Iamericdelrosario. Muntik pa akong mabulunan nang ma-confirm ko na sa kanyang account nga iyon!

"Okay ka lang ba? Oh, tubig." Sabay bigay ni tita ng tubig sa akin at sabay hagod sa likod ko.

Wow. Just wow. At, the picture he liked was taken a year ago. Gabi nito sa Canada noon. And last time I checked, hindi naman niya ako pina-follow or ako sa kanya.

Is he stalking me? okay, Iya. Wag ka mag-assume diyan. Nakamamatay.

--

Tinapos ko na ang pagkain ko at nagbihis na. Si Tita naman, nagpaalam na din para umalis. Pupunta muna ako sa mall para may maibigay man lang kay Gio.

After that, pumunta ako sa condo nila Krizel. Dun na din ako magbibihis ng susuotin ko mamaya at mag-aayos.

Hindi mawala sa isip ko ang tungkol doon pero pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa ibang mga bagay. Hay, Eric! Kailan ka ba maaalis sa buhay ko? I silently asked.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon