Iya's POV
Mamamasyal naman kami ni Tita ngayon. Matagal-tagal din kaming hindi nakapag-bonding, eh. Kaya eto, treat ko siya. Balak kong mag commute na lang kami para di na maabala si Greg pero nag-insist siya na ihatid na kami. Habang nasa kotse kami, hindi maiwasang magbiro ni Tita.
"Ang gwapo naman ng driver mo, Iya."
"Si mama po kasi, eh. Pinauwi pa siya dito para ipag-drive ako. Nakakahiya tuloy."
"Eh, 'di maging kayo na lang para normal na lang kung ipagdrive ka niya." Biro ni tita.
Nagulat ako sa sinabi ni Tita.
"Si tita talaga! Magkaibigan po kami. Kahit sa Canada noon." Paliwanag ko.
Like I said before, Greg's a family friend of mama.
Lumingon si Greg sa samin at parang nacurious sa kung anong pinag-uusapan namin ni Tita kaya nag smile ako sa kanya at sinabing "don't mind us here." Konting tagalog words lang kasi ang alam niya. At nagkakilala na rin sila kanina ni Tita formally kanina, nung bago umalis.
After 30 minutes, nasa mall na kami.
"You sure you don't want to join us?" Tanong ko kay Greg.
"I really want to. But I have to call my mom today as I promised."
"Okay. Thank you. Don't pick us up later. Just do your errands."
"Okay. Bye. Enjoy." Humalik pa siya sa pisngi ko bago tuluyang tumalikod papunta sa kotse. Nagpaalam din siya kay Tita. Normal lang naman yung kiss sa cheek since ganoon naman sila talaga sa ibang bansa.
Pumasok na kami ni Tita sa loob. Naghanap muna kami nang masarap na pwedeng kainan since it's already lunch time. Si Tita na ang pinapili ko, at pinili niya ang isang Italian resto. While waiting for our order, I feel like peeing, so nagpaalam ako kay Tita.
"CR lang muna po, tita." Paalam ko sa kanya. Hinihintay pa naman ang order.
"Okay. Bilisan mo at baka dumating na 'yong pagkain."
Tumango ako at dumiretso na muna sa comfort room ng restaurant.
--
Eric's POV
Nasa mall na ako ng magtext si Chesca na hindi daw siya makakarating kasi may aasikasuhin pa daw siya.
Chesca:
Babe, sorry. Can't make it today.. Kailangan ni mommy ng kasama sa meeting with business partners niya, e. Babawi ako next time. Love you.
Ako:
I understand. Please tell my "Hi" to Tita Chelsea. Take care, Love you too..
Naisipan ko munang kumain bago umuwi. Isang Italian Resto ang nakita ko agad kaya doon na lang para hindi na ako lumayo.
I sat at the vacant table when I saw someone familiar.. Lumapit ako para makasigurado. But I'm sure that this is her..
"Tita Cara?"
Nag angat siya ng tingin sa akin. "Eric? Oh my, ikaw na ba yan, hijo? Ang gwapo mo na lalo."
Medyo nahiya ako sa sinabi niya kaya napakamot ako sa batok. Nagmano ako sa kaniya at saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"Uhm, yes, Tita. Sino po pala ang kasama niyo?" Tanong ko kahit parang alam ko na kung sino.
"Kasama ko si Iya. Nasa CR lang. Kakain ka din ba? Dito ka na maupo kung wala ka namang kasama." Pag iimbita niya.
"Ay, wag na po. Baka ayaw din ni Iya, alam niyo na.."
"Ay sus! Matagal na iyon, kaya sige na. Maupo ka na."
Wala akong nagawa. Umupo na ako sa bakanteng upuan sa harapan niya. Nakakahiya naman kasing tumanggi. Sana nga lang okay kay Iya ito.

BINABASA MO ANG
Way back into Love
Teen FictionThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?