Way back 15

41 7 1
                                    

Iya's POV

It's another day. 6 am pa lang ay gumising na ako. Mga 7am ako umalis kina Krizel. Mag-aayos na kasi ako ng papers ko ngayon.

"Di ka man lang ba mag-aalmusal muna? Magluluto ako." Sabi ni Krizel.

"Hindi na, best. Thank you. Need ko ng umalis, eh."

"Okay. Ingat ka, ah. Text me kung nasan ka na."

"Yes." I kissed her cheeks at umalis na.

Gaya nang sabi ko, I will be starting to fix my papers for registration sa PRC for board exam this coming August. Pupunta na rin siguro ako sa Home for the Angels ngayon. Isang ampunan. Volunteer nga pala ako doon since bago ako umalis at ngayon, since hindi pa ako Licensed Social Worker, I'm volunteering muna. Pero once na pumasa ako, I'm planning to work here.

Nag-Grab na lang ako. Malapit na kasing bumalik si Greg sa Canada. Inaayos na niya ang papers niya. Kaya hindi na ako nagpa-drive. Hay. I will really take driving lessons after the Board Exam!

Natapos ako sa mga papers ng 2pm. Medyo mahaba na kasi ang pila. Pagkatapos kong maglunch, dumiretso naman ako sa Home for the Angels. Bumili rin muna ako ng mga pagkain para sa mga bata, kina sisters at mga Social Workers doon.

"Good afternoon po!" I politely greet them with a smile pagdating ko doon.

"Uy, Iya. Mabuti at nagawi ka. Namiss ka na namin."

"Namiss ko din kayo, Ate Sands. Eto, pagkain po. Para sa inyo ito. Ito naman, pakibigay po sa mga bata."

Si ate Alessandra o ate Sandra. Assistant head Social Worker dito. While Ma'am Analyn or Ma'am Ana, is the head.

"Siguro pag nakatrabaho ka na namin, lagi kaming busog." Biro ni Elieazar.

"Hay nako. Wag kang magdadala lagi ng foods, Iya pag andito ka na, ha? Abuso yan si Sir Eli." Biro din ni Hanna.

Nagtawanan naman ang lahat.

"Si Ma'am Ana po pala?" Tanong ko.

"May meeting siya sa DSWD ngayon." Sagot ni Ate Sandra. Tumango ako.

Nagpaalam ako sa kanila sandali at pinuntahan ang mga bata. Nagtakbuhan naman sila papunta sa akin. Nasa garden sila ngayon dahil playtime daw nila. I saw sister Maria, I greet her and she greeted me, too. Nag-usap kami sandali pagkatapos ay tinignan ko ang mga bata na nasa garden ngayon.

Naglapitan sila agad nang makita ako.

"Hi, Ate Iya!"

"Ateee! Mit ka po namin."

Niyakap ko ang iilang batang lumapit at bumati sa akin. Umupo pa ako para maka-level ko sila.

"Kamusta kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Okay naman po, ate." Sagot ni Ysay.

"Ate! Kwento ka po uli samin, ha." sabi naman ni Bryan.

"Oo naman. Later." Sabi ko sa kanila at ngumiti.

"Yeheeey!!"

Napansin ko naman na may isang bata sa sulok. Nagpaalam ako sa ibang bata. Sabi ko kumain na muna sila. Nilapitan ko yung batang babae na nasa isang sulok.

"Hi. Ako si Ate Iya. Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kyla po."  tugon naman niya.

"Hello, Kyla. Bakit nandito ka? Ayaw mo bang sumama sa ibang bata? Inaaway ka ba nila?"

Umiling siya. Akala ko hindi siya makikipag usap sa akin. Pero ilang minuto pa ang lumipas, nagsalita ulit siya.

"Ate, kahapon yung best friend ko may nag-ampon na sa kanya po. Bakit sakin wala pa ding umaampon? Bad girl po ba ako?" Malungkot na tanong niya sa akin.

"Hala, hindi baby. Wait ka lang, ah? Ganito, samahan mo si Ate magpray palagi. Someday, darating din yung magiging mommy at daddy mo. The best yung ibibigay Niya sayo kaya medyo natagalan." Paliwanag ko sa kanya.

"Ganun po ba 'yon, ate?"

Tumango ako. "Oo. Kaya wag ka na ma-sad, ah? Habang wala pa sila, andito sila Sisters, tsaka sila Ate at kuya mo dito. At saka, andito rin si Ate Iya para sayo."

Niyakap niya ako pero sandali lang iyon dahil may tinawag siya sa likod ko.

"Kuya Pogi!"

Nagtaka ako. Dalawa lang kasi ang lalaking Social Worker dito. Si Sir Eli at Sir Niel. May bago ba ulit? Or, sino sa kanilang dalawa ang tinutukoy niya?

Tumingin ako at tinignan ko sino iyon. At nagulat ako nang malaman kung sino yon. Bakit ba lagi na lang siyang andoon kung nasaan ako?

Eric???

** Hi, guys! Home for the Angels used here is fiction. Nagkataon lang po. May Home For The Angels din kasi pala talaga. Late ko nalaman, sorry. Ayun, hehe. Bear with me na lang po, please. Ayun lang. Salamat! :)

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon