Way Back 29

14 2 10
                                    

Iya's POV

I decided na lumabas ngayon with my girl friends. Thank God, available sila. I really need to remove stress right now. Nasa mall kami. To be specific, nandito na kami sa favorite kong coffee shop. Kinuwento ko sa kanila yung about kay Eric. Kasi feeling ko sasabog ako pag hindi ko ito na-share. Hay.

They look at me worriedly. "Ano na ang plano mo ngayon, bhest?" tanong ni Krizel.

"Edi magpapagupit. Haba ng hair, eh." Biro ni Rein.

Nakita ko na kinurot ni Krizel si Rein. (magkatabi kasi sila).

"Nakita mong problemado yung tao, eh."

Bumawi naman ng hampas si Rein sa kanya. "Sakit, ah! Ang seryoso mo masyado!"

"Basta, bessy, huwag ka papadala dyan sa ex mo. Baka mamaya hindi seryoso 'yan. Mga bata pa naman kayo noon. You're right, dapat mag move-on na kayo." sabi ni Rein.

"Wag ka nga'ng nega dyan! Malay mo naman gusto talagang bumawi nung tao." she look at me as she continue. "Why give him another chance, right? Malay mo, this time for real na. Isa pa, madalang 'yung mga nabibigyan ng second chance sa love. Aba, go ka na, girl!" Krizel explained.

"Hay naku. Porke boyfriend mo iyang si Gio, ha! Wag kang maniwala dyan, bessy. Kay Nathan ka nalang. Sinaktan ka na nga diba? Uulit ka pa?" Kontra ni Rein.

"Hoy! Kinalaman ni baby G dito? Basta. Team Eric ako!"

"Team Nathan! Team Nathan!" Sabi naman ni Rein.

Natatawa ako sa kanila. "Para kayong mga sira! Tsaka anong team team 'yan? Hindi ba pwedeng mag Team Iya kayo?"

"Syempre naman, best sayo kami, noh! Kahit sino pa piliin mo. Dito lang kami." sabi ni Krizel.

"Oo nga. Ikaw pa rin naman magdedecide sa bandang huli." si Rein.

"Weh? Pero girls, thank you. Ang swerte ko talaga sa inyo."

"Ibig sabihin, lilibre mo na kami?" tanong ni Rein.

"Mga loka. Gumastos kayo!!" sabi ko.

Naglibot libot muna kami. Since it's our day. Naglalakad kami papunta sa boutique na bagong bukas sabi ni Krizel nung makasalabong namin sina Chesca. She's with her gay friend.

"Oh, akalain mo nga naman. Akala ko ba bawal ang hayop sa mall? Eh bakit may ahas?" patama niya.

"Eh, ikaw? Bakit may unggoy dito?" sita ni Rein.

"Wag niyo nang patulan." bulong ko sa kanila.

Ayoko nang gulo. At mas lalong ayoko dito sa mall. May kahihiyan naman ako. Isa pa, ayoko nang atensyon mula sa ganung pangyayari.

"Happy? Nasayo nanaman si Eric. Bumalik ka lang, ganun na nangyari. Ang kapal mo eh, no?" dagdag ni Chesca.

"Let's go." aya ko kina Rein at Krizel pero pinigilan niya ko.

She tried to stop me. "Wait. Di pa ko tapos, eh. Tandaan mo, akin lang si Eric. Babalik din siya sakin. Marerealize niya na ako talaga ang mahal niya. Di hamak na mas sexy, at maganda ako sayo."

Aba, aba. Ako naaawa ako sa kanya kasi hiniwalayan siya ni Eric ng ganun lang. Pinagtanggol ko pa siya. Tapos ito ang mga sasabihin niya sa akin?

"Ano bang problema mo? Kung gusto mo mag-eskandalo, ikaw na lang mag-isa mo. Isa pa, wala na kong pake kay Eric. Iyo na. At sa kanya mo 'yan sabihin dahil hindi ko siya pinilit na bumalik sakin. Kaya pwede ba? Busy akong tao. Wala kong panahon sa mga gaya mo." I said with a low tone voice.

"Boom!" sabi pa ni Kaye.

Umalis na kami bago pa tuluyang masira ang araw namin.

"Nako, bessy, ha. Sasampalin ko talaga 'yan. Pumapatol ako sa panget." sabi ni Rein.

"Hayaan niyo na. It's our day. Papasira ba natin sa kanya?" I said.

Nagpasalon kami tapos nagpa-spa na din. Para marelax etong dalawa. Effective naman. So far, naging productive ang rest day slash bff day namin. Gabi na kami nakauwi. Alam naman ni Tita at nagtext din ako para di siya mag-alala.

Naalala ko bibisita pala ako sa Home for the Angels bukas. Matutulog na sana ako pero hindi mawala sa isip ko yung mga nangyayari.

Hindi ko naman masisisi si Chesca kung magagalit siya. Masakit nga iyon sa parte niya. I want to talk to her in a right and calm way. I don't want to cause chaos to anyone. Pero bakit parang may part na ayoko... ayokong ayusin sila. Hay. Pero hindi pwede. Hindi na ako yung para kay Eric. Iba na ngayon.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon