Way back 2

58 11 1
                                    

Back to Reality

Iya's POV

Since that day, wala na akong balita kay Eric at sa pamilya niya. Tita Cara asked me a few times kung ano ba talaga ang nangyari at bigla siyang nawala. Pero wala akong maibigay na sagot dahil hindi ko rin talaga alam kung bakit.

That was six months ago.. I still feel sad everytime na naaalala ko. Marami akong tanong. Marami akong what ifs. At hanggang ngayon, deep inside, hinihintay ko pa rin siya.

Hanggang isang araw, nagtanong si Tita dahil gusto akong pag-aralin ng mama ko sa Canada. That was six weeks ago. It was an ordinary day. Tanghali na ako nagising. Since wala din namang pasok dahil bakasyon pa naman namin. Mag-e-enroll pa lang din sana ako nang araw na 'yon. Bumaba na ako para mag-almusal.

"Good Morning, Tita." Bati ko kay Tita Cara at humalik pa sa pisngi niya.

"Good morning. Kumain ka na dyan. Tsaka may sasabihin pala ako sayo."

Umupo ako sa tapat na upuan ni Tita.

"Ano po 'yon?" Tanong ko habang inaayos ang pinggan at naglagay na ng sinangag doon.

"Iya. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Gusto ka kasing makasama ng mama mo, balak ka muna nyang kunin at dun pag aralin sa Canada." Nasa Canada na kasi nakabase ang nanay ko.

Hindi ako makatingin kay Tita nung mga panahong sinasabi niya iyan sakin. Pinilit kong ipagpatuloy ang ginagawang pagkuha ng almusal.

May tanong na naglalaro sa isipan ko.  Bakit? Bakit ngayon pa. Tin-ry kong ibahin yung topic. I don't feel I am ready for this.

"Ang aga niyo po ngayon, ah. Ansarap talaga neto-"

Hinawakan niya yung kamay ko na kumukuha ng omelet 'non.

"Iya, alam ko na masama ang loob mo sa mama mo, pero bakit hindi mo siya bigyan ng chance ngayon? Para magampanan niya ang pagiging ina niya sa'yo. Mahal ka ng mama mo. Iya, maikli lang ang buhay para magtanim pa tayo ng galit. Nasasayang ang panahon. Gamitin mo sa tama."

Naramdaman ko na may tumulong luha na mula sa mga mata ko. Tinamaan ako, pero tama si Tita. Maikli lang ang buhay. Pero masisisi niyo ba ako? Wala siya nung mga panahong kailangan ko siya. Tapos ngayon kukunin niya ako? Na parang nagpatabi lang ng kuting na pwedeng kunin kung kailan niya gusto?

"Sana makapag desisyon ka agad. Tapusin mo lang yung course mo doon. Isa't kalahating taon lang, Iya. Pagkatapos 'non kukunin na ulit kita. Ako na mismo ang magpapa-uwi sayo dito."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Tinapos ko na lang ang pagkain ko tapos dumiretso ako sa kwarto. Pinag-isipan ko yung mga sinabi ni Tita sa akin. I love my mom. I always do. Kahit naman di ko siya nakasama, ina ko pa rin siya. I will never be here if it's not for her. Pero syempre, may tampo. Na bakit hindi niya 'to ginawa noon. I need her most when I was younger.  Nahihirapan tuloy akong magdesisyon. Hays. Bahala na. Gusto ko sanang tawagan sila Rein at Krizel pero wag na lang. Minabuti kong ako mismo ang magdesisyon sa puntong ito.

Ipinagpaliban ko muna ang enrollment ko sa araw na yon. Mga dalawang araw pa ang lumipas at nakapag desisyon na ako. Bahala na. Ang alam ko lang, ito ang tama para sa akin.






At ang desisyon ko, ay doon na muna mag-aral.

**

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon