Iya's POV
Nag-ayos na kami at dumiretso na sa Venue. Excited na excited 'tong si Krizel. Hindi naman kalayuan ang venue sa condo niya. After 30 minutes, nakarating na rin kami kaagad. Medyo malaki yung venue at marami ang bisita. Nakasunod lang kami kay Krizel na ngayon ay hinahanap ang boyfriend niya.
"There he is! Wait lang beshies, ah." Paalam niya sa amin.
We both nod at dumiretso na siya sa lalaking tinuro niya na ngayon ay nakatikod sa direksyon namin. He's talking to some group of people. When he noticed Krizel, nag-excuse siya sa mga kausap niya. They headed towards us. Nakaangkla pa si Krizel sa isang braso nito.
"Ehem.. Beshies, this is Gio Santi Mercado. My boyfriend." She introduced him like he wasn't familiar to us.
"Yam, best friends ko since the beginning of forever. This is Rein, and this is Aaliyah. I know you already know them since we go to the same school in highschool,"
We smiled at nakipag-shake hands sa kanya.
"Yeah. It's nice to see you again, Rein and Iya." He said.
"Nice to see you again, too, Gio." Sagot ko and I shook his hand.
"Wag mong sasaktan itong best friend namin, ha!" Bilin ni Rein.
Natawa si Gio at sinabing, "Yes, ma'am!"
We knew them before pa. Pero hindi ko lang gaanong close sila ni Brixx since si Eric madalas ang kasama nito.
Hindi nagtagal, lumapit na nga si Brixx at.. Eric.
"Yo, bro! Siya na ba si 'The One' mo?" Biro ni Brixx. Tinitigan niya pa si Kaye at parang namukhaan, "Wait, is that your high school crush?" Tahasang tanong niya.
Siniko naman siya ni Gio. "Naks naman! Hindi mo sinabi na siya na pala iyon!" Gulat pa rin ito.
Parang namumula naman si Gio na pinakilala si Kaye. "Well, surprise! This is Krizelyn Jimenez. And yes, my highschool crush. And, Iya's best friend. Kung tanda niyo?"
Kilig na kilig naman sa tabi ko si Rein. They shake hands. Hindi pa tumigil si Brixx nang may narealize pang isang bagay..
"Iya? Eric's Iya? Wow. Ikaw na pala 'yan!" Sabi niya sa akin.
"Y-yeah." Nahihiya kong sagot.
"Iya as in Iya ni Eric dati??" Ulit na tanong ni Brixx pero kay Eric naman niya tinatanong ngayon. "Nice seeing you here." Bati niya sa akin. I smiled and nod at him.
"Yeah and please, shut up." Eric said na para bang nahihiya na ngayon. Kahit ako, di ko mapigilang hindi mag iwas ng tingin.
"Sorry for that, Iya." Sabi ni Eric. I smiled a bit and nod saying that it is okay.
Hindi ata sila informed na best friend namin ang girlfriend ni Gio.
Pinakilala rin ni Krizel si Rein kay Brixx. After that awkward encounter, we all went back to our seats. The party started. Pinakilala ng formally ang family nina Gio si Krizel sa mga kaibigan pa nito. Kaloka, kala mo engagement party na, eh!
Nakaupo kami ngayon ni Rein. Si Kaye, kasama pa rin si Gio at kumakausap ng iba't-ibang relatives nito. Umupo sa bakanteng upuan sa table namin si Brixx.
"Okay lang kayo dyan?" tanong niya samin.
"Yes, okay kami dito. Don't worry." I said smiling.
"Good. Kain lang kayo, ah." sabi niya at tumayo. "Wait lang, ah. Dito na si Chesca,"
"Sino si Chesca?" tanong ni Rein sa kanya.
"Uh, girlfriend ni Eric." napahawak siya sa batok niya na para bang nagaalinlangan na sabihing girlfriend ni Eric yun dahil tumingin siya sakin pagtapos sabihin yun.
Nilunok ko yung kinakain ko at nag wave ng hand sa kanya. "No worries."
Sumenyas naman siya na pupunta na siya doon, tumango naman kami ni Rein.Tanaw mula sa kinauupuan namin si Eric na kasama na ngayon ang girlfriend. Pareho kaming napatingin ni Rein doon sa babae.
"Oh, so she's the girlfriend." Komento ni Rein.
Nagulat kami ng pumunta bigla sa pwesto namin si Krizel.
"Hey, best. Hindi ba iyan yung unang gown na nakita natin?" She said to me.
I looked at the gown she is wearing. And I remember, siya nga iyon.
"Oo, at siya nga 'yan," sabi ko.
"At girlfriend pa talaga ni Eric, huh. Sabagay, halata namang walang modo. Bumaba na pala taste ni Eric sa babae," pagtataray ni Krizel.
I sighed, "Hayaan mo na lang. Buhay naman niya 'yan, eh." Sagot ko.
Wala kong balak magtaray ngayon. Pasalamat siya.
Nanahimik na lang ako buong gabi. But the night still went on. The dancefloor has been open. Nagsayaw naman ako pero sandali lang at bumalik din sa pwesto. Mayamaya pa ay bumalik na sina Eric at friends niya dito. Pati na rin sina Chesca at si Krizel.
Nagkwentuhan at nagkatawanan kami. Well, the night wasn't so bad.

BINABASA MO ANG
Way back into Love
أدب المراهقينThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?