Way back 14

31 7 0
                                    

Eric's POV

We are at Gio's party. Itong si Brixx naman, may pagka-pasmado ang bibig. Wagas kung magtanong, eh. Baka lalong magalit sakin 'yon. Tsk. Si Gio naman, hindi kami ininform na kaibigan pala ni Iya iyong girlfriend niya!

"Sorry, bro. Di naman kayo nagtanong, eh." Sagot sa amin ni Gio nang magreklamo kami.

We all know each other since highschool. Since Iya's my ex. But we don't bonding that much before kaya hindi ko rin gaanong kilala personally ang girl friends ni Iya. Siya rin naman siguro, kina Brixx at Gio.

"Anyway, you're still not talking to Iya about what happened?" Tanong ni Brixx. Nasa gilid kaming tatlo na naguusap usap.

Last week, sinabi ko sa kanila ang rason ko. Dinamayan nila ako at medyo nagtampo pa dahil hindi ko sinabi sa kanila agad. Well, I grieve and dad, too. Gusto ko man sabihin sa kanila noon, hindi ko nagawa dahil gulong-gulo rin ako. I'm too sad to open up to someone-kahit sa kanila pa.

Eventually, naintindihan rin naman nila iyon. They assured me that they got me, no matter what. Which makes me lucky.

"Nah. She's not ready for it." I answered.

"So, don't you dare bringing that up." Pinaalalahanan ko siya. Mahirap na, eh. Madaldal pa naman ang isang ito.

Ilang minuto pa, bumalik na kami sa pwesto. Nakaupo na kami ngayon sa round table at kumakain. Chesca is having a phone call with her mom right now.

"So, may boyfriend ka na ngayon, Iya?" Si Brixx. Eto nanaman siya. Sinipa ko nga yung paa niya na nasa ilalim ng mesa. Napa- 'aww' siya ng mahina at tumingin sa akin.

"Uhm, wala." Simpleng sagot niya. Eh sino yung lalaking kasama niya noon? Hays. Bakit ba andami ko ding tanong?

Sila sila lang ang nag-usap. Mabuti naman at hindi na nagtanong si Brixx ulit kay Iya. Ako nahihiya sa kanya, eh. Natahimik na sa table ng bumalik si Chesca at nagpatuloy na lang kami sa pagkain. I kindly introduce Chesca to them. Kahit na medyo awkward ay ginawa ko pa rin.

I cleared my throat before speaking. "This is Francheska Soriaga. My girlfriend."

Tumango naman ang mga babae.

"Nice to meet you." Naunang bati ni Krizel sa kanya. Na sinundan naman ni Iya at Rein.

Since kilala na siya nila Gio, wala na silang sinabi pa. Nanatiling tahimik sa aming table at nagpatuloy na lang na pagkain.

Pagkatapos noon, naghiwa-hiwalay muna kami. Gio and her girlfriend is now introducing her to his parents. Chesca is with her friends, si Brixx naghahanap ng chix, probably. I saw Iya. Nilapitan ko siya para mag-sorry sa nangyari kanina.

"Iya." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at parang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"I'm sorry." I started.

"I'm sorry sa pang-uusisa nung mga lokong 'yon. Nakakahiya tuloy sayo." Pagtutuloy ko pa.

She nodded and said, "Okay lang. They have the right to know. Best friends mo naman sila, eh."

Gusto ko pa sana siyang kamustahin but Chesca came to me.

"Babe, I need to go. Inaantok na kasi ako, eh. Can you drive me home?" Sabi niya sa akin.

I nodded at her at kinuha na ang susi sa bulsa ko. I simply waved at Iya and smiled. Ganoon din siya. Nagpaalam na din ako kina Brixx at Gio pati na rin kay Rein at Krizel at sa parents ni Gio. After that, we headed to the parking lot.

Iya's POV

I called Tita Cara para magpaalam na kina Krizel na kami matutulog. Baka kasi late na kami makauwi. Kakababa ko lang ng phone ng may tumawag sa akin mula sa likod. Si Eric pala. Ano nanaman kailangan nito? Tsaka nasaan yung girlfriend niya?

"I'm sorry." He said. For what? Para ba sa attitude ng girlfriend mo? Ops. Di niya pala ata alam 'yon.

"I'm sorry sa pang-uusisa nung mga lokong yon. Nakakahiya tuloy sayo." Ah, yun lang pala. Kala ko naman.

I nodded. "Okay lang. They have the right to know. Best friends mo naman sila, eh."

Well, okay lang naman iyon. Pasalamat siya at hindi ko na siya matarayan dahil medyo pagod na ako. Aalis na din ako. Buti na lang dumating na yung girlfriend niya. Makakapit naman si ate. Yumakap siya agad sa braso ni Eric. Kala mo aagawan, eh. Tsk. Kanya na!

"Babe, I need to go. Inaantok na kasi ako, eh. Can you drive me home?"

Hindi niya ako pinansin kaya ganoon din ako. Medyo bastos talaga siya, ano? Meanwhile, Eric waved and smiled me and so did I.

At 2am, salamat naman at naisipan na nilang umuwi. Hinatid kami ni Gio sa condo ni Krizel. Doon muna kami magoovernight since it's midnight na rin. Hayy. Nakakapagod, ah!

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon