Iya's POV
Paglabas ko nang cubicle, humarap muna ako sa salamin at nag-retouch ng kaunti. Nang nakuntento na ako sa itsura ko, lumabas na ako at bumalik sa table.
Napahinto ako sandali nang natanaw ko na may lalaking nakaupo sa harap ni tita. Looks familiar.. Kumunot ang noo ko nang masigurado ko kung sino iyon. Lumapit na agad ako sa table at tinanong si tita. Andun na din pala yung mga pagkain.
"Ano po ang ginagawa niya dito, 'ta?" Halos naghihisterical kong sabi paglapit sa table namin.
"What? Mag-best friends naman kayo noon, diba? Wala naman sigurong masama na imbitahan ko siya dito for lunch. Isa pa, mag-isa lang siya, hija. Halika na, lumalamig na yung food." Patuloy pa rin siya sa pagkain.
"Pero, Tita!!" Kontra ko.
Umubo si Eric at dahan dahang tumayo.
"Uhh. Okay lang po. Lilipat na lang po ako ng table." Sabi niya sa Tita. "Enjoy your food po, Tita and... Iya."
Binulsa na niya yung cellphone niya at paalis na sana nang tignan ako ni Tita ng masama. Leche, paawa.
"Sige na, umupo ka na." Sabi ko at umupo na ako sa upuan sa tabi na inuupuan niya kanina.
Tumingin naman siya sa akin na parang nagtataka.
"Bingi ka? Sabi ko, sumabay ka na. Bilisan mo bago pa magbago isip ko." Tuloy tuloy kong sabi.
I know I'm a bit rude. Pero medyo nabadtrip kasi ako at nawala na sa mood. Kasi naman, hindi ko nanaman inaasahan ito! Nakita kong ngumiti siya at umupo na ulit.
"Thanks. Don't worry, treat ko na." Sabi niya.
Seryoso naman akong nakatingin sa pagkain ko. Aba dapat lang. Ikaw na nga lang sasabay, eh. Gusto ko pa sana siyang barahin kung wala lang si Tita sa harapan ko.
Sila lang ni Tita ang nagkukwentuhan buong meal. Tinanong ni Tita, kung kamusta daddy niya, ano daw ba natapos niya at madami pa about sa buhay niya. There were a moment na tatanungin sana ni Tita kung ano ang nangyari before. Pero pinigilan ko siya bago pa magpatuloy ang usapan.
"If you don't mind, hijo, what happened before? Bakit.. nawala kayo bigla?" Dahan dahang tanong ni Tita kay Eric.
Tumikhim siya bago magpaliwanag. "Sorry po. But we're--"
"Tita.." I called tita for her to stop Eric. Pero halatang gustong gusto na niyang malaman. So I looked at Eric instead.
"You don't need to tell it." I calmly said kahit naiinis na.
"Tita, please, ayoko po iyong pag-usapan rito." Sabi ko kay tita at nagpatuloy na sa kinakain ko.
She nodded. She smiled at Eric. Hindi naman na rin niya itinuloy ang kwentong iyon. Thank God!
I was silent the whole lunch. After naming kumain, hiningi na ni Eric ang bill at naglagay ng two thousand peso bill sa resibo. Keep the change na daw. Sus yabang! Baka limang piso lang yung sukli.
Nauna na ako palabas. Nagcheck ako ng phone at nakita na may email si mama.
"Una na po ako. It was nice meeting you again, Tita Cara." Narinig kong paalam niya sa Tita habang nakatingin pa rin ako sa phone ko.
"Ako din. Let's meet again next time, okay?" She hugged him. Kita ko sila sa peripheral vision ko.
"Sure po. Ingat po kayo. Iya?" Sabay divert ng attention niya sa akin. "Gotta go."
Tumingin ako saglit sa kanya at tumango pagkatapos ay tumingin ulit sa cellphone.
After ko magreply sa email ni mama, tinago ko na ulit ang phone ko. Napansin kong nakatingin si tita sa akin.
"Let's go, Tita. Saan mo po gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya.
"That's rude, Aaliyah Marie. Napapahiya tuloy yung tao sa sarili niya." Tita calmly scolded me.
"Ay tao pala 'yon." Bulong ko. Tumaas ang kilay sa akin ni tita. "I said, Sorry na po. Mama emailed. Nangangamusta. That's why."
Parang hindi pa kuntento si tita sa sagot ko. Nagsalita siya ulit. Okay, maybe I have been rude today. But that because, bigla bigla na lang siya laging sumusulpot!
"Stop being bitter, Aaliyah Marie." Ugh!!
I slightly laughed instead, "I'm not po. Tara na nga po."
Hinayaan na lang ako ni Tita at pumunta na kami sa spa at nagpa-body massage. After noon, mamamasyal pa sana kami nang mag-aya na umuwi si Tita. Pupunta daw kasi sa bahay ang isa niyang kumare kaya kailangan pa daw niyang magluto. Nagtaxi na lang kami pauwi.
Pag-uwi namin, tinulungan kong magluto si Tita, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya at umakyat na muna ako sa kwarto para magpahinga. Si Tita naman, nasa baba kasama nung kumare niya. Humiga ako sa kama at nagcheck muna ng social media accounts ko.
Nagchat sila Rein at Krizel sa group chat namin.
Krizel: Beshies! Punta kayo dito sa condo tomorrow. I have an announcement.
Rein: Sabihin mo na dito.
Krizel: Nope, mas maganda sa personal.
Rein: Ang arte this girl!
Krizel: Kung ayaw mo si Iya na lang. Right, best?
Ako: Sige na nga.
Krizel: See. :P
Rein: Hmp! Syempre, binlock mail mo na :\
At the end, nagkasundo din na magpunta sa condo ni Krizel for her so called "announcement".
Di ko namalayan nakatulog pala ako. I woke up at 11pm, kumain at natulog na ulit. I can't forget what happened today pero pinilit kong huwag na iyong isipin. Hay. Tomorrow's gonna be a long day again...
BINABASA MO ANG
Way back into Love
Teen FictionThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?