Way back 30

20 3 3
                                    

Iya's POV

"Tita, alis po muna ako." paalam ko kay Tita. Pupunta ako ngayon sa Home for the Angels.

"Hatid na kita?" Tanong niya sa akin.

"Huwag na po, tita." Tanggi ko.

"Sige na. May idadaan din ako sa amiga ko."

At dahil doon, sumabay na nga ako kay Tita. Pagpasok ko, ang tahimik sa ampunan. As in sobra talaga yung pagkatahimik, eh.

Nagulat ako ng pumutok yung party pooper at nakita ang banner na nakalagay ang "Good luck, Iya". Habang yung mga bata naman, nagsilapitan at yumakap sakin.

"Galingan mo, Ate Iya, ha."

"Goodluck, Ate!"

"Ate, you can do it."

"Thank you, kids." I hugged them back at tumayo para magpasalamat kina Sister at iba pang Social Workers.

"Thank you, Sister. Sana po hindi na kayo nag-abala." sabi ko kay Sister Maria.

"Naku, wala iyon. Iyong mga bata talaga ang may kagustuhan nyan. Hayaan mo, ipagdarasal ka namin sa nalalapit mong board exam." sagot nito sa akin.

"Oo nga, ipasa mo na agad para naman makasama ka na namin dito." si Ate Sands.

"Iya, medyo mahirap talaga yung exam. Maiintindihan namin kung babagsak ka." Si Kuya Eli. Hinampas siya ni Ate Hanna. "Ano ka ba!" sabi niya rito. "Nako, Iya wag kang makikinig dito kay Eli, ha. Basta kaya mo 'yan. Naniniwala kami sayo."

"Salamat talaga. Gagalingan ko talaga. Kasi sobrang laking parte na ng buhay ko itong Home for the Angels." I said and smiled widely.

Pagkatapos 'non ay sinamahan ko yung mga bata sa garden.

"Sino gusto ng story?" tanong ko sa kanila.

"Ako po!"

"Ako po, Ate."

Kinuwentuhan ko sila ng storyang "rapunzel." Matama silang nakikinig hanggang sa matapos ang kwento. Maya maya pa ay tinawag na sila nila Ate Sandra para kumain. Pumasok na ang karamihan sa kanila. Pero mayamaya pa ay nakita ko si Kyla.

"Ate!"

"Kyla!"

Niyakap niya ko at ganun din ako. "Kamusta ka na?"

"Okay lang po, Ate. Hindi na po ako nalulungkot."

"Talaga? Mabuti naman kung ganoon."

Halata sa mukha niya na mas masaya na nga siya ngayon. Kaya naman inilabas ko ang cellphone ko at niyaya siyang mag-picture. "Tara picture tayo."

Pinindot ko ang camera application ko at pumuwesto na. Tinitignan ko iyong mga kuha namin ng biglang tumakbo si Kyla palayo sa akin. Nagulat ako kaya sinundan ko agad siya ng tingin.

"Kuya Pogi!" napalingon agad ako sa direksyon ni Eric. Nakita ko siya  na may dalang maliit na box at bouquet.

"Hi there, kiddo." Bati niya kay Kyla.

"Para po ba kay Ate 'yan?" inosenteng tanong sa kanya ni Kyla.

"Oo sana, eh." Nakatingin siya sakin habang sinasabi yan. "Tatanggapin kaya niya?"

Lumapit sakin si Kyla.

"Ate, tanggapin mo na bigay ni Kuya Pogi. Yieeee."

I smiled a bit and nod at her. I can't say no to Kyla anyway.

Inabot niya sa akin iyong flowers at maliit na box.

"Yieee." kinikilig na sabi ni Kyla.

Lumuhod siya sa harap ni Kyla. "Baby, usap muna kami ni Ate mo. Okay lang ba?"

"Hmm." she hummed while nooding her head. She kissed my cheek and waved at us. Tumakbo na siya papasok sa ampunan.

I faced Eric. "Ano nanaman 'to?"

Humawak siya sa batok niya bago sumagot. "My way of saying goodluck?"

Tinignan ko lang siya at umirap ako. Tinignan ko yung maliit na box.

"Open it." sabi niya.

Binuksan ko. Then I saw a little Eiffel Tower key chain. Aw. So cute.

I can't hide my smile.

"I know that's your dream. Hindi ka naman sasama sakin pag inaya kita ngayon. So, someday, pupunta tayo. So you can see it in person."

My heart skipped a bit. Yes, this is one of our dreams. Noon. Hindi ko inaasahan na tanda pa rin niya iyon hanggang ngayon.

"Alam mo, okay na, eh." Pambabasag ko sa kanya.

He chuckled. "Joke lang. Pero kung gusto mo naman na ngayon na, why not. Seriously. Goodluck. You can do it, right? I know you can."

I smiled and nod.

"Sa wakas. Ngumiti din."

"Sige, una na muna ko sa loob,"

"Sige. Sunod ako sayo."

Naglakad ako papunta sa loob. Pero nasa kalagitnaan ako nang paglalakad nang lumingon ako sa kanya. He's in the same position. And still staring at me.

"Thank you." I finally said. Lumawak naman ang ngiti niya. At tuluyan na nga akong pumasok sa loob.

Mga 6pm na ako nakauwi. Eric drove me home. Hindi na ako nakatanggi. The mood between us seems good kaya pumayag na rin ako.

"Isa pa, iisipin ko lang din kung safe ka bang nakauwi. Kaya wag mo na akong pag-isipin, okay?" Sabi pa niya bago kami tuluyang tumulak pauwi.

Nasa kwarto na ako ngayon at matutulog na when I received a text from someone.


From: Nathan

Hey! Goodluck to us! Miss you. :)

I'm shocked at his message. But I'll send him "Goodluck too" and I finally go to sleep.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon