4 years later...
Iya's POV
I'm coming home. Ahh! Ang sarap bumalik dito. Sa tunay kong tahanan. Walang nakakaalam na ngayon ang uwi ko. Sinadya kong hindi ipaalam sa kanila kasi gusto ko silang i-surprise. After NAIA, dumaan muna ako sa grocery to buy some stuff. Papunta na ako sa kotse ko ngayon. Binili yun ni mama para pag-uwi ko daw dito. Ayaw ko na nga sana but she insisted. Siya ang nag asikaso nito, pag uwi ko, andito na.
Inayos ko ang mga pinamili sa likod ng kotse. Pagkatapos ayusin ay sasakay na sana ako nang may tumawag sakin mula sa likod ko. Humarap ako sa tumawag sa akin at nagulat kung sino iyon..
"Iya?"
Anong ginagawa niya dito? At.. nandito na rin pala siya. Kailan pa?
"Kararating mo lang?" Tanong niya. Bakit? Alam ba niya na umalis ako?
Hindi ko siya sinagot. Sinarado ko pabalik yung pintuan.
"Anong kailangan mo sakin? Kailangan ko na kasing umuwi, eh." Sabi ko ng kalmado. I am not ready for this. Shet.
"Iya, let's talk." He said so casually.
"Huh? Para saan?" Tanong ko kahit alam ko kung tungkol saan iyon.
"Iya about dun sa--"
Hindi ko na siya pinatapos, alam ko naman kung anong sasabihin niya, eh.
"Eric, kung pumunta ka dito para lang dun, please. You're just wasting time. Matagal na 'yon. Four years? Di ka pa din ba nakakapag-move on?" I said directly. Dahil na rin siguro sa pagod at inis dahil hindi ko inaasahan na makikita ko siya. Dito at sa pagkakataong ito.
Alam kong may sasabihin pa siya pero buti na lang dumating si Greg.
"Is there any problem here?" Tanong niya sa akin.
"Oh, nothing. Let's go now?" Aya ko sa kanya.
Wala na akong sinabi pero tinignan ko si Eric bago tuluyang pumasok sa kotse. This is not the right time and para pag-usapan iyon.
Iya, naka-move on ka na, diba?
**
After 2 hours, nakarating na kami sa bahay namin ni Tita Cara.
"Thank you, Greg. Do you want to go inside?"
"No, I have something else to do."
"Okay, you take care!"
Kay Greg muna yung kotse ko ngayon. Since hindi pa naman ako marunong mag drive. At tsaka habang wala pa kong driver, siya muna. Ibinilin ako ni mama sa kanya. He is a family friend of Mama in Canada. Nakakahiya nga ito pero Greg also insisted to help. Isa pa, parang bakasyon niya na rin daw ito dito sa Pilipinas.
I ring the doorbell at our gate. Mayamaya pa ay palabas na si Tita.
"Sandali lang. Nandyan na." Sigaw niya habang papalapit.
Laking gulat niya nang ako ang makita.
"Iya! Ikaw na ba 'yan?"
"Opo, Tita!"
Tapos nagyakapan kami.
"Pumasok muna tayo sa loob. Naku! Bakit hindi ka nagsabi na ngayon ang uwi mo? Edi sana nakapagluto ako."
"Sinadya ko po talaga. Para ma-surprise ko po kayo."
"Hay naku, ikaw talaga! Oh, kamusta naman si Carlyn doon?" Pangangamusta niya kay mama habang kinukuha ang gamit ko at naupo naman ako sa sofa.
"Okay naman po sila doon. Masaya," sagot ko.
"Kamusta na kayo ng mama mo?" Seryosong tanong ni tita sa akin at tumabi na rin sa akin ngayon.
Inaamin ko. Naging close kami ni Mama. Nung nandoon ako, lagi niya akong inaasikaso. Talagang bumawi siya sakin. Ang sarap pala ng ganoon 'no? Sana dati pa niya 'yon ginawa. Napalapit ulit yung loob ko sa kanya. Kaya sa bandang huli, napatawad ko at naintindihan ko na siya.
Na-meet ko din yung new husband ni Mama. Well, I can say that he treat my mama right. Tito Jerome is one great guy. And I hope Papa is happy, too. I have my own apartment doon. Nakakahiya pa rin kasi na makisama sa kanila. Four years din ako doon, no! Kaya kahit nag iinsist sila na doon na lang ako sa bahay nila, hindi ako pumayag. Sa huli ay sinuportahan na lang nila ako.
Naroon din sa bahay nila ang dalawang anak nila ni Tito Jerome, si Shaina at Sasha. 6 year old twins. They are so sweet and cute!
While I was there, they treat me as a part of the family.
Kinuwento ko iyon lahat kay Tita. Naluluha siya dahil natutuwa siya sa mga nangyari.
"Masaya ako at naging maayos na kayo ng mama mo. Sabi naman sayo, diba."
Tumango ako. "Ako din po masaya, Tita. Ang gaan po sa pakiramdam."
"Tama naman kasi yon. Dapat lagi tayong magpatawad. Masama kasi yung nagtatanim ng galit sa puso."
Paano kung hindi worth patawarin yung taong 'yon? Hindi naman kasi lahat ng tao dapat bigyan ng second chance.
Pagkatapos naming kumain, nagpaalam at pumasok na ako sa kwarto ko para ayusin yung mga gamit ko at para makapagpahinga na din. How I miss my room! Nakakatuwa at walang binago rito si Tita. I display our new pictures from there. Isinabit ko rin doon ang graduation picture ko.
Hayy. Nakakapagod. But it's nice to be home again.
BINABASA MO ANG
Way back into Love
Novela JuvenilThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?