Way back 22

32 5 10
                                    

Iya's POV

Hindi pa rin mawala sa isip ko yung kagabi. Ipinilig ko ang ulo ko. It's 7am in the morning today. And we're heading back to Manila. Nag-ring yung phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag. Si Krizel pala.

"Oh, ano na? Kamusta Tagaytay, best?" Bungad na tanong niya.

"Okay naman. Pauwi na kami ngayon."

"Pasalubong ha, bessy!" Sabi ni Rein sa background. Mukhang magkasama sila.

Kahapon ng umaga naglibot kami at bumili ng mga pasalubong at kung ano-ano pang souvenirs. Syempre binilhan ko na mga best friends ko pati na rin si Tita Cara.

"Okay! I already have, actually." I said to them while smiling.

"Yeyy! Ingat kayo, ah. And, magkwento ka pag-uwi mo!"

"Okay. Sige na. Pasakay na kami, eh. I'll call you later."

"Okay, bye best!"

"Bye, bessy!! See you!" pagsingit uli ni Rein.

"Bye!" And I ended the call.

Sumakay na kami. Sumabay ako sa Van kasama sina Sisters at mga bata. Ayoko naman kasing maki-sabay kina Eric at Chesca no! Pagod ang lahat at medyo mahaba din ang biyahe kaya halos lahat ay tulog. Maya-maya pa, nakatulog na din ako.

-

Nagising ako nung malapit na kami sa Home for the Angels. Pagkadating, inalalayan namin yung mga bata papasok at yung iba naman na tulog na, binuhat na lang.

"Maraming salamat talaga sa inyo, ha. 'Wag sana kayong magsawang pasayahin ang mga katulad nila dito." Sabi sa amin ni Sister Victoria.

"Naku, wala pong anuman." Sabi ko.

"As long as we can help, we will." Nakangiting sabi ni Eric.

Dito na kami pinag-dinner nina Sister. Nauna na si Eric at Chesca umuwi. Kami ni Jannielle, dito na nag-dinner.

Bandang 9pm na yun nung pauwi na kami.

"Uy girl, una na ko, ah. Susunduin kasi ako ni Ron ngayon, eh. Isasabay sana kita pauwi kaya lang motorbike pala gagamitin namin ngayon, coding kasi yung sasakyan niya, eh." Sabi ni Jannielle.

"It's okay. Thank you. Mag ingat kayo." I said to her happily.

"Sure ka ba?" Paniniguro pa niya.

Tumango ako at ngumiti bilang assurance ko sa kanya na kaya ko. "Ingat ka rin. Bye!"

Papasundo sana ako kina Rein o kaya kay Krizel, kaya lang gabi na rin. Baka maistorbo ko pa sila kaya nag-abang na lang ako ng taxi sa labas. Shet, madalang pala may dumaan ng taxi pag ganitong oras! Di naman ako makapagbook sa Grab kasi lowbat na lowbat na ang phone ko.

Tumingin ako sa orasan ko. 9:35pm. Shocks! Maglalakad na sana ako nang may humintong porsche sa harap ko.

My forehead creased. Binaba niya ang bintana para silipin ako. I grasped when I saw the owner of the car. Nagulat ako kasi Ford yung dala niya kanina. Edi siya na mayaman!

"Get in." Sabi niya.
.

"No, thanks,"

"Wala ng jeep dito nang ganitong oras. Taxi naman, madalang. Kaya sumakay ka na."

"And for the record, Tita Cara called me and asked me to look for you. Kaya sumakay ka na." Dagdag pa niya.

Napalingon naman uli ako sa kanya pagkasabi niya 'non.

"Totoo?"

"Do I look like I only invented that? Come on, Iya, lumalalim na ang gabi."

Tatanggi pa sana ako when I felt the raindrops coming from above. Wow, is this for real?

And with that, I opened the door at sumakay sa kotse niya. Great! I can't believe this is happening!

"Look like heavens leave you with no choice." Pang aasar pa niya sa akin.

"Yeah, right." Sarkastiko kong sabi.

"Sasakay din pala, dami pang arte." Bubulong-bulong na sabi niya pero narinig ko.

"Eh di bababa na." Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse niya nang i-lock niya ito at paandarin nang mabilis ang sasakyan.

"WHAT THE HELL, ERIC?! KUNG MAGPAPAKAMATAY KA, IBABA MO MUNA AKO AT MAUNA KA NA!" Sigaw ko sa kanya. Leche talaga 'tong lalaking 'to, eh.

"Sorry. Kumalma ka kasi okay, I was just kidding."

With that, hindi na ko sumagot. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Nakakapagod makipag-away.

Mayamaya, binuksan niya yung radio.

Bakit di pagbigyang muli
Ang ating pagmamahalan
Kung mawawala ay
Di ba't sayang naman
Lumipas natin tila
Ba kailan lang

Napalingon ako sa kanya. Naka-focus pa rin ang mata niya sa daan. Lumingon na lang ulit ako sa labas at tinignan ang pagpatak ng ulan. Maya-maya pa, narinig ko ang pagsabay niya sa kanta.

At kung nagkamali sayo
Patawad ang pagsamo ko
Tayo na't ulitin
Ang pag-ibig natin
Muli ikaw lang at ako

"Patayin mo nga." I said.

Napalingon naman siya sakin saglit.

"Why?"

"Ang ingay, eh. Umuulan na nga, oh." Sabay irap ko sa kanya.

"Oh? Rinig mo yung ulan sa labas? Amazing." Sabi niya na tumatawa-tawa pa.

"Nang-aasar ka ba, ha?"

"Di, ah."

Hahayaan mo ba
Na maging ganon na lang
Ang isa't-isa'y
Mayro'ng pagdaramdam...

"Papatayin mo ba o ikaw papatayin ko?"

"Okay okay. Papatayin na po. Sungit talaga," Tapos in-off na nga niya yung radio. Buti na lang at hindi na nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Andoon si Tita na nag-aabang sa akin. Lumapit siya sa pinto ng shotgun seat kung nasaan ako para ibigay yung isang payong sa akin.

"Naku hijo, maraming salamat, ah. Halika muna sa loob para magkape man lang."

"Sa bahay na lang po siguro. Gabi na din po, eh. Baka nag-aalala na po si Dad."

"Ay oo nga pala. Pasensya ka na talaga, ha."

"Walang anuman po. Maiintindihan naman po ni Dad. Lalo na si Iya naman po." Tumingin pa siya sa akin nung sinabi niya yung pangalan ko.

Natawa nang bahagya si Tita at nagsalita ulit. "Sige, mag-iingat ka, ha." Pagkatapos 'non, nauna na pumasok si Tita dahil titignan daw niya yung iniinit na ulam. Ako naman, nasa tapat pa din ng gate at hinihintay umalis si Eric.

"Sige." Sabi niya at tumalikod na para buksan yung pinto ng kotse niya.

I cleared my throat bago nagsalita.

"Salamat. Ingat ka." Sabi ko.

Humarap siya ulit and gave me his sweetest smile. Sweetest smile? Really?

Nang makapasok na siya sa kotse, pumasok na din ako sa gate.

Tama naman yung ginawa ko di ba? I think I really owe this one to him.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon