Way back 3

37 10 6
                                    

Iya's POV

Nakapag-desisyon na ako at 'yon ay pagbibigyan ko si mama. Hindi naman ibig sabihin 'non na napatawad ko na siya nang tuluyan. Pero sabi nga ni Tita, bigyan ko siya ng pagkakataon na maging ina sa akin. Isa pa, makakatulong sakin yun. New people, new environment. Para makalimutan ko na lahat ng pangit na bagay na nangyari sa akin dito. Mas okay na din siguro 'yon. Four years is not bad. Mabilis lang naman ang panahon kapag may ginagawa ka. Hindi ko na siguro 'yon masyadong mamamalayan.

I told Tita about my decision. Nag aalala rin ako sa kanya dahil apat na taon kaming hindi magkakasama.

"Salamat naman at iyan ang naging desisyon mo. Sigurado na makakatulong din yon sayo. Tsaka alam ko naman na mabuti kang bata kaya pagbibigyan mo ang mama mo."

"At dahil po iyon sayo, Tita. Pinalaki niyo akong ganito kaya nagpapasalamat ako sa inyo."

Niyakap ako ni Tita. Mamimiss ko talaga siya. Siya na naging nanay ko, eh.

"Pero Tita, paano ka po?" Tanong ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Ayos lang ako. Mag enjoy ka doon kahit papaano. Andito lang ako, hintayin kita hanggang sa pagbalik mo.."

I shed a tear and hugged her again.

1 month later..

Eto na. Ngayon na ang flight ko papuntang Canada.

"Nakakainis ka naman best, eh! Dapat nag celebrate muna tayo." Sabi ni Krizel.

"Oo nga! Mamimiss ka namin, bruha ka!" Si Rein.

Natawa ako. "Sorry na." Alu ko sa kanila. "Bawi tayo pagbalik ko."

"Huhu. Best!" Sagot ni Krizel.

"Hintayin ka namin, ah. Manlilibre ka pa, eh." Si Rein.

Pagtapos 'non, niyakap nila ako. Umiiyak sila, kaya napaiyak na din ako.

"Ano ba! Wag nga kayong umiyak! Basta kailangan best friend niyo pa din ako, ah?"

"Oo naman, Bessy!" Sabi ni Rein.

Pinunasan ko yung mga luha nila.

"Sige na! Wag na kayong umiyak. Kay gaganda niyo, eh. Tapos ganyan kayo." Sabi ko sakanila para naman hindi na sila maiyak pa.

"Mag ingat kayo palagi. And paki-check din si Tita for me, please?" Pakiusap ko sa kanila.

"We will, best." Sabi ni Krizel. Ngumiti ako sa kanila.

Huli akong nagpaalam kay Tita.

"Pagbutihan mo doon, ha. Yung mga paalala ko sayo. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Pati na rin ang mama mo."

Tumango ako. "Kayo din po, Tita. Ingatan niyo sarili niyo habang wala ako."

Niyakap ko si Tita. Naramdaman ko na umiiyak na din siya.

"Tita naman, eh. Maiiyak din po ako nyan!" Biro ko sa kanya dahil naiiyak na nga rin ako.

"Mamimiss kita."

"Ako din po... I love you, Tita!"

"Mahal din kita, anak." Then we hug each other once again.

Maya-maya pa, tinawag na yung flight ko. I give them a last hug. I will surely miss these people. Sana lang talaga, saglit lang yung four years... I promise to be back here. But not my old self anymore. Instead, with the best version of myself.. tougher, braver, better, and independent. Yung hindi ko na kailangan pang bumalik at mag stay sa past. I will move on. Kasabay ng pag alis ko dito.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon