Way back 23

31 4 5
                                    

Iya's POV

Kinabukasan, inagahan ko ang gising. Pupunta kasi akong review center ngayon. Maaga na din akong nag-ayos. Pagbaba ko, nasa lamesa na si Tita habang may hawak na dyaryo.

"Good morning, ta." Lumapit ako sa kanya para halikan siya sa pisngi.

Binaba niya ang dyaryo na hawak niya. "Oh, kumain ka na."

Naghanda na ako ng pagkain at nagtimpla na din ng kape.

"Kamusta naman ang Camping niyo?" Tanong niya sa akin.

"Masaya naman po. At mukhang nag-enjoy naman yung mga bata." Sabi ko. Naibigay ko na din kay Tita yung pasalubong ko sa kanya kagabi.

Maraming activities during the camping. Kagaya na lang ng bonfire nung last night namin non, nagstory-telling, at iba pang pa-games gaya nang, the boat is sinking, trip to jerusalem at ibang activity na makakatulong para mas makilala pa nila ang isa't-isa.

"Mabuti naman. Yun naman ang aim niyo hindi ba? Ang mapasaya sila."

Ngumiti at tumango ako.

"Nga pala, ang bait talaga 'nung si Eric. Akalain mo, siya na lang daw ang susundo sayo."

Huh?

"Po? Eh sabi po niya kayo po nagpapasundo sa akin?"

"Sinabi niya yon? Ay siguro sinabi niya iyon para sumama ka sa kanya." Ano daw? Si Eric talaga ang may gusto na sunduin ako, ganon ba?

"Nakita kasi ako ni Eric sa labas ng gate natin kahapon, tinatawagan kita pero nakapatay ang phone mo. Tinanong kita sa kanya. Sabi niya andun ka pa daw. Bumulong pa siya na babalik daw siya, at pagbalik niya sabi niya sunduin ka na daw niya."

Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Tita. Really?? Hindi na ako pinagsalita ni Tita at hinila na ako paakyat sa hagdan.

"Dali na, bihis na. May sched ka ngayon sa Review Center, diba?"

Anong meron at nagkaganon si Tita? Hay, ewan. Iiling-iling akong umakyat at dumiretso sa kwarto ko. Gaya nang sinabi ni Tita, nag-ayos na ako. After an hour bumaba na ako.

"Tita, alis na po ako," paalam ko sa kanya.

"Ihahatid na kita. Tara."

Ginamit namin yung Maserati ko. Sosyal no? Tapos di man lang ako marunong mag-drive. Great! At dahil diyan, si Tita nag-drive syempre.

I kissed Tita on her cheek at lumabas na.

"Bye, Tita. Ingat po."

"Okay. Susunduin pa ba kita?"

"Wag na po." Bumaba na ako ng kotse.

"Sige, si Eric na lang ulit?" Pang aasar niya.

Nagulat ako sa sinabi ni Tita and I felt my cheeks turned into rosy one dahil sa hiya.

"Ta!" I hissed.

"Just kidding, niece." Sabi niya habang tumatawa.

Tumalikod na lang ako at naglakad na papasok. Nang may narinig akong tumatawag mula sa likod. Nung una, di ako sigurado kung ako nga iyon pero hinawakan niya ang braso ko dahilan para mapahinto ako.

"Miss, wait lang." Sabi niya na medyo hinihingal pa.

"Sorry? Magkakakilala ba tayo?" Nagtatakang tanong ko.

"Ikaw yung babae sa seaside right? Here." Tapos inabot niya yung panyo ko na gamit ko nung araw na yun. Pero di ko naman siya nakita 'non. Pano 'to napunta sa kanya?

"Tinatawag kita noon kasi nalaglag mo yan, pero tumatakbo ka at hindi na lumingon. Lagi kong dala yan para incase na makita kita."

"Oh. Thanks," tinanggap ko ito mula sa kanya.

"By the way, I'm Nathaniel Herrera. Nate na lang. You are?"

"Aaliyah Lopez. Iya for short."

"Nice to finally meet you, runaway girl."

"Runaway girl?"

"Because you're crying and you're like running away from everything the moment I saw you. Am I right?"

Natawa ako. Gosh, naiimagine ko mukha pala akong tanga that day. Nakakahiya!

"Uh--yeah, kinda."

"Uy, una na pala ako sa loob." Hindi ko na namalayan ang oras. Shet. Buti may 10 minutes pa ako.

"Wait, anong room mo?" tanong niya. Sinabi ko naman ang akin.

"Room 131."

"Nice, magkatabi lang pala. I'm on room 132. Sabay na tayo."

Sabay na nga kaming lumakad papunta sa room namin. After 5 hours of review, natapos na din. Tita texted me na susunduin niya ako at kain daw kami sa labas. Paglabas ko, saktong paglabas din ni Nate.

"Uy, may lakad ka ngayon?" He asked.

"Ah, oo eh." Sagot ko sa kanya. "Why?"

"Oh, kain sana tayo, eh. Alam mo na.. we're friends na 'di ba?"

"Why not. Pero di talaga ako pwede ngayon, eh. Sorry."

"Okay lang. Maybe next time?"

"Yeah, next time." I said to him and smile.

"Bye, runaway girl,"

I gave him a 'wondering-look' dahil 'yon pa din yung tawag niya sakin. Pero nung makabawi kami pareho, nagtawanan na lang kami.

Buti na lang saglit lang ako naghintay kay Tita. We went to the mall. Sabi ko sa isang Italian resto kami, but tita want to it in KFC, so we did.

"Dahil stressed ka, ako na magbabayad ng kinain mo."

"Wow. Dapat po pala lagi na lang akong stressed para treat mo ako lagi." Biro ko pa. Nagtawanan kami at nagkwentuhan pa. Pagkatapos naming kumain ay umuwi na din kami agad para daw makapagpahinga ako.

Pag-uwi ko, nakatanggap ako ng text mula kay Rein.

Rein:

I miss you, mga bakla! May balak pa ba kayong magkita-kita tayo?

I missed them, too. Sa sobrang busy ko this past few weeks, di ko na naisisingit ang lakad naming magbebestfriends. I called them both. Naka-conference.

"Ano na yung mga pasalubong mo, aber? Kala mo nakalimutan na namin ah!" Bira ni Kaye.

"Bukas. Let's have lunch together. What do you think, girls?" I suggested.

"I'm fine with it." Sagot agad ni Krizel.

"Sige, push!" Sabi naman ni Rein.

"Okayy. Tomorrow, ah. Daanan niyo na lang ako dito sa bahay. I need to sleep na kasi. Galing kasi akong review center ngayon, eh. Bukas na chika." Sabi ko sa kanila.

"Okieee. Bye, beshies! See you tomorrow." - Rein.

"Byeee." - Krizel.

And with that, I ended the call. Hayy. Finally, I can sleep.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon