Iya's POV
Finally, this is the day! Today is the day of board exam. I wear white polo shirt as required. Naiready ko na din yung mga essential na dadalhin at kailangan kagabi kagaya ng pentel pen, ballpen, clean folder at lapis at pambura.
Tita Cara accompanied me sa school kung saan ako naka-assign mag exam. Hindi na ako masyadong makapagsalita sa sobrang kaba.
"Niece, I know kaya mo 'yan. Just do your best, okay?" I nod at her. Tita kissed my cheek pagkatapos ay bumaba na ako.
Medyo maaga ako sa call time. I went there 7am. 8am pa ang simula kaya wala pang masyadong examinees.
Hay. This is it. Kaya mo 'yan, Iya! I keep chanting on myself with matching breathing at pagpikit pa. Pagdilat ko, I saw Eric. Literal na nanlaki ang mata ko.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya sa gulat ko!
"Hulaan mo." He playfully said.
"Umalis ka na nga!"
Naglakad ako at nilampasan siya. Pero ramdam ko na nakasunod pa rin siya sakin. Naglalakad pa din ako ng diretso nang hindi ko napansin na nasa harap ko na pala si Nate.
"Hey." Bati ko.
"Hey. Goodluck, ah." sabi niya with a smile. Aw. Cuteee!
"Goodluck din sayo." I replied with a smile, too.
"Huy, ang bilis mo namang maglakad!" sumulpot ulit si Eric sa tabi ko na medyo hinihingal pa. Inirapan ko siya. Bwisit talaga 'to, eh.
"Ano ba, sige na. Mag eexam na 'ko." Bulong ko sa kanya.
"8am pa kaya start niyo. Tara, coffee muna tayo." Aya niya sa sakin.
"Ayoko. Pangpa kaba lang 'yon lalo."
"Ice cream then?"
Ang kulit!
"Ehem." Napatingin kaming dalawa kay Nathan. Makahulugang tumingin sakin si Nathan na para bang nagtatanong kung sino si Eric. Sasagot na sana ako nang umepal nanaman itong kumag na ito.
"Hi, bro. Eric pala. Boyfriend niya." Tinignan ako ni Eric at humawak pa sa bewang ko. Aba talaga! Siniko ko siya at agad tumingin kay Nathan. "Ah. A-a-ano."
Tumango si Nathan at tumingin ulit sa akin tapos tumingin ulit kay Eric para magpakilala rin. "Oh... Nathan, pare. Pano? Una na 'ko sa inyo, ha? Goodluck ulit, Iya."
Umalis na siya at hindi na kami nilingon ulit. Lumingon ako kay Eric at tinanggal ang pagkakahawak niya sa baywang ko. "Bakit mo sinabi kay Nathan 'yon?"
"So, what?" He asked, playing innocent. "Nathan, huh?" Bulong pa niya. Umirap na lang ako at akmang aalis na. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan.
"Someday, those words will come true. I'll make you mine again." bulong niya sa tenga ko.
I feel the heat in my face. "Che! Asa!" Naglakad na ko papasok. Siya naman, tawa nang tawa. Peste!
"I'll wait for you, babe." rinig ko pang pahabol niya.
Ughhhh! Tinakpan ko na ang tenga ko at nagproceed na sa room assignment ko. Bwisit talagang lalaking 'yon!
Mabuti nga at nakapagfocus ako kahit papaano sa exam. Kinalimutan ko muna si Eric.
We had lunch break bago magsimula ang panibagong subject. Nagulat ako nang nandoon pa rin sa lobby si Eric.

BINABASA MO ANG
Way back into Love
Novela JuvenilThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?