Way back 26

27 4 10
                                    

#WBILWattpad on twitter. Labas niyo feels niyo doon. Hahaha. Enjoy reading!

Iya's POV

I woke up at 7:30 am. Nasa kama ako. Wait? Parang hindi ko kwarto 'to, ah? Inisip ko yung mga nangyari kagabi. Yung friendly date, missed calls ni Eric, paghingi ng tulong ni Brixx, pagsundo at pagdala namin kay Eric sa condo niya. Teka, bakit wala yung pag-uwi ko samin? So...

Ughhhhh. Ang tanga mo, Iya!! Nakatulog ka lang naman sa condo ni Eric. Shet. How could I slept here? Ugh!! Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Wala akong kasama dun nung nagising ako.

I saw Eric at the kitchen. Nagluluto ata. Nung naramdaman niya na may tao sa likod niya, lumingon siya sakin.

"Good Morning." He said in a husky voice.

"B-ba't di mo ako ginising kagabi o kaya kaninang madaling araw?" Bungad ko.

"I feel bad and guilty sa nangyari kagabi. Mukhang pagod ka rin kaya ayaw naman kitang istorbohin. Don't worry, sa sofa ako natulog. And... I'm really sorry. Ang natatandaan ko lang, pinatawagan kita kay Brixx. And the rest, I can't remember..."

He can't? Eh 'di hindi niya alam na sinabi niya yung... ay nako. Erase na nga!

Huwag na ipaalala, Iya! Sa sarili at kay Eric, okay?

"You mean, after 'non... wala talaga?" Tanong ko pa ulit sa kanya.

Tumingin siya sakin na para bang naguguluhan. Pero sa bandang huli ay umiling siya. "Why? May... sinabi ba akong nakakahiya? O may ginawa ba akong hindi maganda?"

Umiling ako agad. "No, wala naman. Sige, ano.. alis na pala 'ko."

"Iya. Can you stay?" Ano daw? Can I what? "Breakfast." Dugtong niya. "Isa pa, I already called Tita Cara earlier. She said, she understand." kumunot ang noo ko doon.

Hindi pa rin ako sumasagot. Pumungay yung mga mata niya at nagsalita ulit.

"Please? I promise, last na talaga 'to. Pang-bawi na rin kahit papaano. Please, Iya?"

So yeah, I ended up staying with this kumag. Wala naman kaming masyadong imikan habang kumakain.

After breakfast, he offered me a ride back home. Pumayag na lang ako dahil hindi din naman ako nakapagpaalam ng maayos kagabi. Atleast kapag nakita niya na kasama ko si Eric, hindi na masyadong magtanong si Tita. Isa pa, Eric called her early in the morning just like what he said. Kaya naman sa bahay na ako magpapaliwanag kay Tita.

We're still silent when we get in the car.

Narinig kong bumwelo muna siya bago magsalita. "Ahm, sa bahay niyo ba muna? I mean, baka may iba ka pang pupuntahan?"

"Uh, wala naman. Diretso tayo sa bahay." Simpleng sagot ko.

Nakita ko ang pagtango niya at nagpatuloy sa pagmamaneho. Buti na lang ay wala akong review ngayon.

Nung nasa tapat na kami ng gate, agad niyang binuksan ang pinto ng kotse para sa akin.

"Sige, una na ako." Paalam niya.

Tumango ako sa kanya. "Ingat."
Tumalikod na ako nang maramdaman ko ang paghawak niya sa wrist ko. Lumingon naman ako agad sa kanya.

"M-may sasabihin ka pa?" I asked him.

"I just want to thank you last night. I really owe it to you. And.. sorry too."

"It's fine. Just please don't be wasted again just like last night."

He nodded and smiled. Nagulat ako sa sunod na move na ginawa niya. He kissed me on my cheek. "Bye." Sabay balik ng mabilis sa kotse niya at pinaandar na. I was left, dumbfounded.

Minutes passed at nang makabawi ako ay  pumasok na agad ako sa gate at pumasok sa bahay. Nakita ko si Tita pagbukas ko agad ng pinto na mas ikinagulat ko.

"Ta! Ba't po kayo nandyan?" Sabi ko na nakahawak pa din sa dibdib dahil sa gulat.

"Nakita ko yon, ha. Hmm, sigurado ka ba na hindi kayo ulit 'non ni Eric?"

"Hindi po. Tsaka 'ta, hindi ba kayo magtatanong about sa nangyari kagabi? Kung may ginawa bang hindi maganda si Eric sa'kin? Mga ganong tanong 'ta?"

"Ay naku. May tiwala ako sa batang 'yon. At, bet ko siya... para sayo!"

Hay, si Tita talaga! Nagtungo ako paakyat ng hagdan. "Ugh. Ewan ko sa inyo 'ta. Dyan po muna kayo."

Umakyat na ako ng hagdan. Narinig ko pa din na tumatawa si Tita sa baba. Parang kinikilig pa. Talaga naman!

I spent the rest of my day reading my old notes. Two months na lang kasi, exam na talaga. Ayoko namang bumagsak kaya kailangan ko talagang galingan.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Dinner na noong bumaba ako. As usual, si Tita kinukulit pa din ako about kay Eric.

"Tita, he's with Chesca now. At ako, busy ako sa buhay ko. Stress na nga po ako sa pagrereview." Sabi ko kay Tita. Kumakain na kami ngayon.

"Hmm. Ikaw ang bahala. Basta ang akin, kung kayo, kayo talaga. At wala kang magagawa."

Pagkatapos sabihin ni Tita iyon, tumayo na siya. Hindi ko napansin na natapos na pala siyang kumain. Tsaka, ano daw? Out of the blue bigla niyang sinabi 'yon? Hay. Si Tita talaga.

Before I finally go to bed, nagkamustahan muna kami ni Mama through skype. Grabe miss na miss ko na mama ko!

"Don't worry, anak. I'll pay you a visit soon. And it's gonna be a surprise."

"Surprise pa, 'ma? Hmm. I can't wait." I giggled. Naexcite ako!

"Ako din. Sige na, matulog ka na diyan. May review ka pa bukas, hindi ba? I love you, anak."

Before, I thought I will never hear those three words from my mom. Grabe, ang sarap pala sa feeling.

"I love you too, Mama ko."

Then the skype ended. I sleep that night without worrying what will happen tomorrow.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon