Eric's POV
Chesca and I went to the Mall today para bumili ng damit para sa family event nila Gio. Dito na rin niya ipakikilala ang girlfriend niya. Akalain mo yun, magserseryoso pala si gago. Haha. I went to CR. Pagtapos ko, I read Chesca's text saying where she is. Papunta na ako sa boutique na sinabi niya nang makasalubong ko siya.
"O, bakit ang bilis mo naman?" Tanong ko sa kanya dahil parang ang bilis niya mamili.
"May mabait kasi na nag-give way so I have this gown agad. Nasukat ko na din, so tara na?" Aya niya sa akin.
Parang nagmamadali siya na ewan. Dahil nandito na rin kami sa mall, kumain kami sa isang korean restaurant. Chesca loves korean dishes kaya pag nagdedate kami, dito kami madalas.
After an hour, hinatid ko na muna si Ches. Magkikita kita pa kasi kami nina Brixx kaya dumiretso na ako. Sa bahay lang din naman nila Gio.
"Hey, bro." Bati ni Brixx na nandoon na at nakaupo.
"Yo." Sagot ko naman.
Umupo ako sa tabi nila. Gio gave us one of his oldest wine.
"Bro, next week na party ko, ah. Don't forget." Paalala muli sa amin ni Gio.
"Oo naman. Kami pa ba? Di kami mawawala." Sagot ni Brixx
"Ric, bring Chesca with you."
"Kahit di mo sabihin, bro. Ba't kasi kailangan formal pa ang party mo?" Pabirong tanong ko sa kanya kahit napahapyawan na niya ang tungkol dito.
"Oo nga. Parang babae lang, ah." Asar pa ni Brixx
"Nah. Gusto kasi nila mommy makilala girlfriend ko. So doon ko siya ipakikilala. Pati sa inyo din."
"Ayun naman pala. Diretso engangement party na ba yan, bro?" Biro ni Brixx.
"Tado. Maghanap ka na din kasi ng chics. Masarap magseryoso, pre. Diba, Ric?"
"Yeah. Hindi puro fling lang alam mo." Sagot ko naman.
"Porke may lovelife kayo. Nah, wala akong panahon para diyan."
"Pakikilala na lang kita sa friends ni Kaye. Malay mo, may mapusuan ka." Suggest ni Gio.
"Sounds like a good idea." Pag sang ayon ni Brixx dito.
Nagtawanan kami at uminom. Naglabas si Gio ng mas hard pero hindi ako masyadong nagpakalasing. Ito namang dalawa, lasing na lasing na. Brixx stayed at Gio's house habang ako ay umuwi na. Nagshower ako pag-uwi at humiga na sa kama ko. I texted Chesca goodnight tapos nag log-in ako sa mga social media accounts ko.
I was about to log-out nang mahagip ko ang profile ni Iya. Hindi na nga pala kami friends sa facebook. Naka-private iyon so I tried to search her on Instagram. Hindi naka-private kaya I scan her posts. May nakita akong picture niya sa tapat ng isang sikat na landmark sa Canada. So, that's when she stayed for four years, huh?
Pinindot ko iyon. It was dated a year ago.. Nag-lag ang phone ko so I touched it again. Nagulat ako nang ma-like iyon. What the hell, Eric?!
BINABASA MO ANG
Way back into Love
Teen FictionThey say, True Love is way better than First Love. But what if, yours happen in the same person? How will you handle it? Will you love again?