Way back 7

35 9 3
                                    

Iya's POV

It's another day today. Tinext ko si Rein at Krizel ngayon para magkita-kita kami. Ngayon lang kasi ako nagka-time simula nung umuwi ako. Miss ko na talaga 'yong mga bruhang 'yon!

To: Rein, Krizel

Be at coffee shop at 3pm. See you! :)

Sent.

Hindi ako nagpakilala para ma-surprise sila. Haha! Nag-ayos na ako at inihanda 'yong mga dadalhin ko. Si Greg ang maghahatid sakin ngayon sa Coffee Shop. Sabi ko naman, huwag na niya kong sunduin kasi kasama ko naman yung dalawa.

-

Papunta na kami ngayon sa Coffee Shop kung saan kami magkikita-kita. Naabutan ko silang dalawa na nagtatalo pa sa 'di kalayuan.

"Eh akala ko ba ikaw yung nagtext saken?" Si Krizel.

"Anong ako? Ikaw nga nagpapunta sakin dito, eh!" Sagot naman ni Rein.

"Wow, ha." Umirap pa si Krizel.

"Actually, ako talaga nagpapunta sa inyo dito kaya wag na kayong mag-away dyan."

Sabi ko habang nasa likod na nila. Lumaki yung mata nila at hindi makapaniwala. Noong nasa Canada ako, may communication pa rin naman ako sa kanila. Minsan skype at chat. Lalo na nung mga time na sobrang nahohomesick ako.

"OMG! Ikaw ba yan, Best?" Hindi makapaniwalang tanong ni Krizel.

"Kailan pa? Bakit hindi mo kami ininform na uuwi ka na pala?" Naiiyak pa na sabi ni Rein.

"I miss you, too!" Sarkastik kong sabi.

Yumakap naman sila agad sa akin.

"Namiss ka namin alam mo ba 'yon!" Umiiyak na sabi ni Rein.

"Namiss ko rin naman kayo. Kaya nga pinapunta ko kayo dito, eh."

"And, shems. Ang ganda mo na lalo! Kainis ka! I like your blonde hair ngayon, ah!" Puri ni Krizel sa akin.

Inaya ko sila na umupo sa vacant seats at umorder.

"Libre mo ba 'to, best?" Si Krizel.

"Oo, best. Kuha kayo ng kahit anong gusto niyo."

Umorder na sila. Ako naman nagpaalam na lumabas para kunin yung mga pasalubong ko sa kanila.

"Uh. Wait lang, ha, may kukunin lang ako."

Lumabas ako at dumiretso sa kotse. Nakita ko naman si Greg.

"Ah, kunin ko lang yung mga ibibigay ko sa kanila. Then you may go."

"Okay. Let me help you."

"Okay, thank you."

Pumayag na akong tulungan niya ako na bitbitin yung mga pasalubong ko para sa mga best friends ko.

"Dito na lang. Thanks, ah."

"Okay. I'm going now."

Tumango na ako at kumaway sa kanya. "Take care."

"O, para sa inyo." sabay bigay nung mga naka-paperbag na may lamang designer bags at chocolates.

"Ay taray. May pasalubong talaga?" -Krizel

"Syempre. Kakalimutan ko ba? Edi nagalit kayo sakin." Biro ko sa kanila

"Thanks, Bessy! I love you talaga!" Si Rein.

"Wait. Sino pala yung lalaki kanina? di porket may pasalubong ka samin ligtas ka na." Tanong naman ni Krizel. Intregera talaga ito kahit kailan, eh. Walang lusot!

"Oo nga. Sino 'yon? Ikaw ha, kaya pala wala na si Eric sayo kasi may iba na."

"Psh. Bat naman nasali si Eric dito? Don't bring up the past. Tsaka yun si Greg, anak yun nung friend ni mama sa Canada. Pinasama siya ni Mama sakin para ipag-drive ako pansamantala habang 'di pa ko marunong mag-drive. Gusto ring magbakasyon dito sa Pilipinas. 'Yon lang 'yon, okay? Nasagot ko na ba mga tanong niyo?" Paliwanag ko.

"Okay. Speaking of Eric, Nagkita na ba kayo? I mean, nagka-usap? Since walang malinaw na closure sa inyo noon." Si Krizel.

"Nagkita kami kahapon. Gusto niyang makipag usap. But I declined it. Para saan pa? Antagal na 'non, no!" Sagot ko naman.

"Dapat pumayag ka! Para atleast diba, no hard feelings na. Matagal na nga, eh kung hanggang ngayon may sama pa kayo ng loob sa isa't-isa." 

May point si Rein. Pero I think this is not the right time to talk about that. Magulo pa utak ko. Baka mag-away lang kami.

"Bakit pala siya usapan natin? Kayo talaga. Don't worry about that. Let's just talk about you two nung wala ako. Na-miss ko kayo, eh!"

We spent the day catching up to each other. Nagkwento ako sa kanila at ganoon din sila sa akin. Krizel now is a psychometrician. While Rein is a Registered Medical Technologist. I am so proud of this two!

"So, wala ka namang na-meet na papi doon?" Pang-aasar ni Krizel.

"Wala. I studied there, best."

"Yeah, yeah. Sabi mo, eh." Sabi niya nang parang hindi pa na-convince sa simpleng sagot ko.

Pabirong inirapan ko na lang siya.

We also went to spa at saka kumain. Nang magdilim na, we decided to go home. Since si Krizel 'yong marunong mag-drive, sa kanya na kami naki-ride. I'm planning to enroll in a driving school soon. Pag naayos ko na mga aayusin ko rito.

Nauna nila akong hinatid sa bahay. I invited them inside but they refuse because they have work for tomorrow.

"Thanks for this day, girls! Dito na ako. Bye! Ingat kayo." I hugged and kissed them at lumabas na sa kotse.

And with that, we separated ways with a smile.

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon