Way back 34

10 1 1
                                    

Iya's POV

Today's our last day here in Batangas. As usual, sa umaga breakfast. Naisip ko na bumili ng pasalubong para kina tita. Kaya bumili kami. Iyon ang gagawin namin ngayon ni Eric.

We're going to shop near the resort now. Nagulat ako ng hawakan ni Eric ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Nangangawit kamay ko. Pahawak muna, please?" biro pa niya.

I giggled at napailing na lang ako at hinayaan siya. Namili na ako ng mga pwedeng pasalubong. Habang namimili, si Eric nasa likod ko lang.

"Hey!" bati samin nung isang babae.

Napatingin ako kay Eric. Sa isip isip ko, sino ba 'to?

"Uhm, sorry. Ako 'to! Si Clara! Classmate niyo noong high school." Paliwanag niya samin.

Medyo naalala ko na nga siya. Siya iyong class president namin noon!

"Omg. Pres?" sabi ko.

"Oo! Ako nga!!!" tapos yumakap siya sakin.

"Kamusta ka na? Hanggang ngayon pala kayo pa din. Gosh. Tagal niyo na, ah." sunod sunod niyang sabi.

"Ah... Ano-" aapela sana ako na hindi na kami matagal na pero sumingit itong si Eric.

"Yep. Kami pa din." Umakbay pa sakin ang loko.

"Hay, naku! Aabangan ko talaga wedding niyo! Invite niyo 'ko, ah!" masayang sabi ni Clara.

"Sure, sure! Sige, pano ba 'yan, dito muna kami ng babe ko, ha. Medyo marami pa kasi kaming bibilhin, eh." sabi ni Eric.

"Oh.. Okay. Bye! Nice to see you both!" bumaling siya sakin, "Iya, catch up us soon, ha. Ingat kayo."

Gulat na gulat pa rin ako. Nang medyo nakalayo na si Clara at nang nag sink in na sakin ang nangyari, siniko ko si Eric. Napadaing naman siya.

"Ba't mo sinabi 'yon sa kanya?" I hissed.

"Kasi iyon yung totoo?"

"Isa pa, tatamaan ka na talaga sakin." Banta ko. Kaloka 'to, ah!

"Joke. Sorry na. Just give me this one, please, Iya? Ceasefire? Remember?"

Ugh. Ceasefire! Okay! I just calm myself down and focus again on what to buy. Bumili na ako ng para kay kina Tita at kina Kaye. Hindi ko namalayan na nawala si Eric sa paningin ko. Hindi ko siya makita sa shop. Bwisit 'yun, amp!

"Excuse me, miss. Nakita mo ba yung kasama kong lalaki kanina?" tanong ko sa nag-a-assist sa shop.

"Uhm, hindi ko po napansin, Ma'am. Sorry po."

Tumango na lang ako at nagpasalamat sa kanya. Ano nanaman ba kasing trip 'nun? Mayamaya, may kumalabit sakin sa likod. Napatingin ako agad. Nagulat ako kasi malaking teddy bear yung nakita ko. Tapos sa likod 'non si Eric. Tawang tawa siya sa ekspresyon ko.

Hinampas ko nga. "Ano ba! San ka ba galing? Lagi ka na lang bigla biglang nawawala."  Tapos babalik ng may pakulo.

Tawang-tawa pa rin siya. Pinipigilan kong tumawa pero hindi rin ako nagtagumpay at natawa na din. So ayun, para kaming timang sa may shop. Nagbayad na kami at lumabas na din. Hawak pa din niya yung life size bear na para sakin daw.

We ate our lunch before going back to suite. Nag ayos na kami dahil babalik na kami ng Manila. Ugh. I'm going to miss this view! Kasalukuyan kasi akong nakatingin sa bintana ng suite namin. I smiled while staring at the beautiful scenery.

Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Eric.

"Ay, alis na ba tayo?" tanong ko.

"You can stare a little longer..."

"...but you know, we can always go back here whenever you want." dugtong niya.

I smiled. "Thank you, Eric." I don't even imagine saying those words to him but now I am. Maybe my heart is just filled with too much happiness.

"Si Tita dapat ang pasalamatan mo. This is her idea anyway. But... thank you, too, Iya."

We stared at each other. Then we lean into each other... closer and closer. 'Til our lips met each other.. and I kissed him back!

I. Kissed. Him. Back.

"Sorry." we both said.

My heart is beating faster than normal. Ganitong ganito yung feeling noon... Imposible!

Am I falling... again? To him?

Way back into LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon