Hope 14: Hanggang Tingin

4.1K 57 3
                                    

continuation of ZHY's POV

Inihatid na ako ni Niall sa bahay. 

Hindi ko pa din maiwasang kiligin sa isip na ang lapit lapit ko na sa kanya. 

Pero bakit ganun?

Parang may kulang. 

Parang may hinahanap ako. 

Matutulog na nga lang ako. 

HARRY's POV

Masakit ang ulo ko pero kailangan kong bumangon at puntahan si Zoe. Baka tulog pa din yun hanggang ngayon -___- 

Hay! Lasing na lasing si Crein kagabi. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa lalaking yun pero sa tagal na naming magkakaibigan, kagabi ko lang siya nakitang ganun. At alam kong lahat ng iyon ay dahil kay Zhy. 

Napaamin ba namin si Crein? 

****FLASHBACK


"Crein may tanong ako sa'yo." sabi ko

"Oh? Ayusin mo Harry ha. Pagtripan mo ako, papatulan kita." 

"Tss. Ayos ang tanong ko."

"Ano nga?" 

"Naniniwala ka ba sa love?" 

"Korny mo Harry! Yan ba epekto ni Zoe sayo?"

"Sumagot ka na nga lang." 

"Hindi." 

"Hindi?"

"Paano ako maniniwala sa pagmamahal kung sarili kong magulang hindi ako mahal?" balik tanong niya sa akin. 

Alam kong yun na naman isasagot niya sa akin. Galing siya sa isang broken family. Oo. Mayaman ang pamilya ng daddy niya pero lumaki siyang walang ina. 

Hindi ko siya masisisi kung bakit ganito ang ugali nya sa mga babae. Gagamitan niya ng charm niya. At kapag hulog na sa kanya, iiwanan niya lang na tila ba wala ng rason pa para maghabol sa kanya. 

Bakit siya ganun? 

Dahil iniwan siya ng kanyang ina dahil sa ibang lalaki. 

At may muwang na siya ng mga panahong yun. Siya mismo, ipinagtabuyan at itinakwil siya ng sarili niyang ina. 
Kaya ayun mula noon, lage niyang sinasabi, mananakit ako ng mga babae. Ginawa ng nanay ko na saktan kami, panahon ko naman ang maniningil sa kanyang ginawa sa amin. 

Walang araw na hindi iba ang kasama niya. Kada puntahan namin, may mga flings siya. Wala siyang bukambibig kundi yung paghihiganti niya sa mga babae na para sa kanya ay katulad ng nanay niya.

*****END OF FLASHBACK

Pumunta na ako sa condo ni Zoe. Narinig kong may kausap siya sa phone. May duplicate key naman ako kaya nakapasok ako ng hindi kumakatok.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. 

"Okay ho Pa," iyon lang at pinatay na niya yung phone niya. 

"May problema?" -- tanong ko.

"Andiyan ka na pala. Kumain ka na? Nagluto ako." -- sabi niya

"Sabi ko kung may problema ka?"

"Wala." 

"Eh bakit namumugto mata mo? May nangyari ba?" 

"Wala naman Harry. Teka at maghahain ako." 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon