Hope 10: Shut up

3.9K 58 4
                                    

Crein's POV

Sinigawan ako nung magkaibigan. 

Ano bang problema ng mga yun? 

Nagdesisyon na lang akong pumunta sa tambayan. Baka sakaling doon ay lumamig na din ang ulo ko. 

Habang naglalakad ako papunta dun, kabi-kabila ang humahabol sa akin. Ewan ko ba dati rati gustong gusto kong napapalibutan ako ng mga babae. Pero ngayon? Naiirita ako. 

"Papa Crein. Labas naman tayo minsan. Bar hopping tayo." 

"Prince Crein, may party ako sa bahay namin. I hope you can come please?"

"Can you be my escort sa debut ko?" 

AHHHhhhhhhhhhhgg! 

Ano bang problema ng mga babaeng ito at wala na silang tigil ng kasasalita? 

Nakakarindi na ha!

"BUSY AKO! SO IF YOU'LL EXCUSE ME, PADAANIN NIYO AKO."

"Why so mean Papa Crein >:(( " 

"Why so cruel?" 

"Stop it! Wala akong panahon sa inyo. Pwede ba leave me alone!" 

Iyon lang at iniwan kong nakatulala yung mga babaeng linta. 

Grabe lang kasi makakapit. Grabe lang ang mga demands. 

Kesyo ganito, kasi ganito, punta tayo dito, saka doon. 

Nakakarindi. 

Nagtataka kayo kung bakit ganito ako? 

Ako din,. 

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Naiinis ako kasi ayaw akong kausapin ni Zhy.

Si Zhy? 

Oo. Siya ang dahilan ng pagkainis ko sa mga babaeng umaaligid sa akin. Simula yata nung kinausap ko siya, nahulog na ako sa spell niya. 

Pagdating ko sa tambayan, tahimik lang sila. Tulog si Harry samantalang tumutugtog naman ng gitara si Paul. Hindi ko alam kung nasaan si Clyde pero pretty sure nasa library na naman yun. 

Nagtungo ako sa ref namin at kumuha ng beer. 

"Problema?" -- tanong ni Paul sa akin.

"Hindi ko naman masasabing problema tol." 

"Then what's with that?" at ininguso ang beer na hawak ko. 

"Wala to. Gusto ko lang maglibang. Ang init kasi ng ulo ng mga tao ngayon." 

"Pag-usapan natin yan tol." 

"Si Zhy...." 

Napatingin naman siya sa akin. 

"Oh anong meron kay Zhy?" 

"Galit siya sa akin." 

"Oh c'mon Crein, ikaw mag-aalala sa isang babae dahil lang galit siya sayo?" 

"Ewan ko din Paul. Yung mga babaeng umaaligid sa akin wala akong pakialam kahit pa yata isumpa ako, ayos lang pero si Zhy." 

"Tinamaan ka kay Zhy no?" -- nakakalokong tanong ni Paul. 

"Tss. Anong tinamaan ka dyan. She's too good to be true pare." 

"Then why are you acting that way if you really don't care about her?" 

"She's a friend."

"Yun nga lang ba?" 

"Anong gusto mong sabihin?" 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon