UNKNOWN's POV
Hindi ko siya gustong pahirapan at mas lalong hindi ko ginusto na masaktan siya.
Pero hindi ko naman gugustuhin na magkatuluyan sila ng anak ng pamilyang sumira sa lahat ng kung anong meron ang mga ninuno ko.
Hindi sa ganitong paraan kami tatanggap ng pagkatalo.
Isusugal ko ang lahat pati ang mga anak ko huwag lang mawala ang mga iniwan sa akin ng ama ko.
Magawa sana akong patawarin sa gagawin ko.
HARRY'S POV
Nagising na lang ako na masakit ang ulo at nahihilo.
Hindi ko na alam ang nangyari kagabi.
Ang huling natatandaan ko ay kausap ko si Zoe.
Tapos bigla na lang nagdilim paningin ko at ngayon lang ako nagising.
"Oh gising ka na pala."-- KP
"Anong nangyari Kuya?"
"Nakita kitang nakahandusay doon sa kwarto. Anong nangyari sayo? Lasing ka?"
"Hindi ako uminom Kuya."
"Oh anong nangyari sayo at nakabulagta ka doon?"
"Nahilo lang ako."
"Napapadalas na yata ang pagkahilo mo ngayon ah." --Kuya
Napatingin ako sa kanya.
Dala na rin marahil ng sabay sabay na problema.
"You should see your doctor I guess. Hindi na maganda ang nangyayari sayo."
"Sa tingin mo ba, its about that?"
"Maybe yes,maybe no. Its better to check on what's wrong with you than to regret it at the end of the day."
"Tama ka Kuya. Habang my chance, kailangan kong unahin ang mga bagay na mas importante bago pa man ako magsisi. I'll check on Zoe first. Walang saysay ang lahat kung mawawala naman siya sa akin."
Nginitian lang niya ako. Alam ko na sa mga sinabi ko nasaktan siya.
Dahil siya inuna niya ang ibang bagay hanggang sa huli na pala ang lahat sa kanila.
Pero hindi ko hahayaang mangyari sa amin yun ni Zoe.
BINABASA MO ANG
That 0.1% Hope (Completed)
Teen FictionMinsan natutututo tayong maging manhid dahil na rin sa kagustuhan nating makalimot sa isang bagay na gusto pa sana nating hawakan pero wala ng pag-asa. Pero minsan, ung PAG-ASA na yun ang nagiging mitsa ng lahat ng SAKIT na maaari mong malasap...