Hope 3: Mysterious

5.8K 78 3
                                    

Harry's POV

Isang linggo na ang lumipas ng maganap ang insidente na iyon sa McDo. Hinahanap niya ang babae pero ang nakapagtataka, hindi niya ito makita kahit saan. Imposible namang hindi ito pumapasok kasi kakaumpisa pa lang ng semester at hindi maganda na magkaroon agad siya ng madaming absents.

Katakot takot na kahihiyan na talaga ang inabot ko sa babaeng kawayan na iyon. Mukha paa yatang nabalian ako ng buto kaya hindi pwedeng hindi ako gaganti sa kanya sa anumang paraan. 

"Pare, kamusta ang likod mo? Masakit pa ba? " tanong ni Paul pagkarating namin sa tambayan

"Sira ulo. Baka gusto mong makatikim ng kamao ko. Sabihin mo lang. 

"Hay naku. Ang sungit. Inaalala lang kita." 

"Eh bakit kasi ngiting aso ka? Para kang ewan."

"Mas lalo ka namang mukhang ewan." 

 Nakakairita ang mga kaibigan kong ito. Nabalian nga yata ako ng buto ng dahil sa babaeng yun. Nagulat ako ng may ibagsak na isang folder sa harap ko si Crein.

"Cassandra Zoe Fortenilla. Taking up BS Civil Engineering. First year college. A transferee. 18 years old. She's from Palawan. Pinaluwas siya ng magulang niya para daw dito mag-aral pero ayon sa spy ko, mukhang may itinatago ang magulang niya sa kanya. Hindi pa daw niya alam kung ano pero one time daw may pumuntang mga lalaki sa bahay nila. Parang may hinahanap daw ang mga lalaking iyon. The day after that incident, pinapunta na nga nila dito sa Manila si Zoe."

Natulala na lang ako sa sinabi ni Crein tungkol sa babaeng kawayan. 

"Bakit mo siya pinabackground check? "

Napasugod naman sa pwesto ko sina Clyde at Paul. 

"Simple lang. I found her interesting. Alamo yun. Isa pa, siya lang naman ang nag-iisang babaeng kumalaban sa isang Harry Clifford Monteverde. Alam mo naman ako, pag interesado ako gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa kanya. "

Napatitig na lang ako kay Crein.

"Do you like her?"

"Hahaha! Pag pinabackground check ko ba, gusto ko agad? Let's just say nakakaaliw lang siyang tingnan habang binubugbog ka. " ngiting aso na naman ang loko. 

Tsk. 

Hay naku. One week na nakakalipas pero usap usapan pa din sa campus ang pagkakapahiya sa akin.

"By the way Harry, one thing that seems more interesting about her is that the men who look for her are men of the rich, famous Theo Ricaforte."

PAUL's POV

"By the way Harry, one thing that seems more interesting about her is that the men who look for her are men of the rich, famous Theo Ricaforte."

Napatingin ako bigla kay Crein sa sinabi niyang iyon. 

Why would my biological father look after her? 

Yes. Tama kayo sa nabasa niyo. Ampon lang ako ng mga kinikilala kong magulang pero alam ko na din na anak ako ni Theo Ricaforte. Hindi lang ako tumutuloy sa bahay nila kasi naiilang ako. Alam din naman iyon ng mga kaibigan ko kaya nga eto at lahat silang tatlo ay nakatitig sa akin matapos kong matabig ang baso sa tabi ng table. 

"Anong problema? Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?"

"Wala naman Paul. Tell me, Do you know this girl?" Clyde asked

"No." I answered.

"Then why did your father look for her?"  -- Crein

"I dunno. Alam niyo naman na hindi kami close ng biological father ko so paano ko malalaman kung bakit niya pinapahanap yan."

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon