ZOE'S POV
Katangahan ba na narito ako ngayon sa birthday niya?
Kabaliwan ba kung gustuhin kong makasama siya?
Sa totoo lang, mahirap humarap sa kanya na tila wala lang epekto sa akin ang lahat.
Nilapitan namin siya.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong hindi pa magkasama si Sharie at Harry.
Hindi ko yata kakayanin na makita silang magkasama at sweet sa isa't isa.
That's a total suicide.
"Akala ko talaga hindi ka pupunta. You made it." -- Harry.
"Sinabi ko naman na darating ako di ba?" -- ani ko.
"Thank you. Wait lang. Iwan ko muna kayo."
At nagpaalam muna siya sa amin.
Umalingawngaw ang sinabi niyang iyon sa gitna ng bulwagan. Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig ko.
"I love her so much"
Minsan pala kahit handang handa ka na sa mga sasabihin niya,masakit pa din kapag narinig mo mismo sa kanya.
Si Sharie na talaga ang mahal niya?
Hindi na ba iyon magbabago?
Bakit wala akong maramdaman?
Bakit parang ayoko siyang intindihin?
Bakit nagaalala ang nga titig nila sa akin?
Okay naman suot ko at presentable naman ako kahit papano.
"What?" --tanong ko.
"Okay ka lang?" - Zhy
"I'm fine?"
Am I really fine?
O yun lang ang isinisiksik ko sa utak ko para hindi ako masaktan?
"Kung hindi mo na kaya uwi na lang tayo. Sabi ko naman kasi sayo tama na pagiging masokista."- Paul
"I'll stay." matatag kong sabi.
Nagkatinginan sila sa sinabi ko.
"You sure?"
"Hindi naman ako pwede magpatalo na lang sa tulad niya."
BINABASA MO ANG
That 0.1% Hope (Completed)
Teen FictionMinsan natutututo tayong maging manhid dahil na rin sa kagustuhan nating makalimot sa isang bagay na gusto pa sana nating hawakan pero wala ng pag-asa. Pero minsan, ung PAG-ASA na yun ang nagiging mitsa ng lahat ng SAKIT na maaari mong malasap...