Hope 45: Thoughts

2.7K 25 1
                                    

PAUL's POV


Hindi kami nabigyan ng pagkakataon ni Zoe na magkausap noong panahong nabunyag na ang lihim ng tunay kong ama. 

Natagpuan ko ang sarili ko na tumutungga ng alak sa bar na madalas naming tinatambayan. Hindi ako palainom. Madalas kapag may usapan kami dito, ako ang naghahatid sa kanila pero sa ngayon, ito ang gusto ko munang gawin. 

"Hindi ka nagyaya." 

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. 

Si Clyde. 

"Pare, wala ito. I just want some time to think." 

"Dahil ba iyan sa nalaman mo?" 

"Psh. Kairita. Wala namang problema sa akin kung may kakambal ako eh." 

"Nagkataon lang na yung kakambal mo eh yung babaeng nagustuhan mo?" 

Tinungga ko ang alak na hawak ko. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko. 

Noon pa man, alam ko ng may espesyal na puwang sa puso ko si Zoe. 

Napalapit na din kasi siya sa akin. Plus factor pa na magkasundo kami sa madaming bagay. 

Kapag irita na siya, kakanta lang ako at mawawala na ang nararamdaman niyang inis. 

At masaya na ako basta makita ko lang siyang ngumiti. 

Noong nawalan ng malay si Harry sa condo niya, noong araw na iyon nag-umpisa ang pagdududa sa isip ko. 

Dahil sa pin. 

Dahil sa initials. 

Pero hindi pa din ako kumibo. 

Hanggang sa maglabasan na ang mga ebidensya na nagtuturo sa katotohanan. 

Gusto ko sana malaman ang buong kwento tungkol sa nangyari noon sa pagitan ni Papa at ng amang kinilala ni Zoe, pero hindi ko alam kung kaya na niya saluhin ang lahat. 

Pareho naman kami ng kapalaran ni Zoe actually pero ang kaibahan nga lang, umpisa pa lang ng pagpapalaki sa akin ng kinilala kong magulang, sinabi nila sa akin na hindi nila ako tunay na anak. 

Masakit naman talagang malaman na buong buhay mo ay kasinungalingan. 

Pinaniwala ka sa isang buong pamilyang buklod ng pagmamahal pero sa likod pala niyon ay isang sikretong ikasasawi mo kapag iyong nalaman. 

Maling pagkakataon. 

Siguro kung maaga pa lang ay nasabi na agad kay Zoe na hindi siya tunay na Fortenillo, marahil hindi siya ganito nasasaktan. 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon