Hope 15: Pain in my Heart

3.8K 53 1
                                    

continuation of CREIN's POV

Naiwan ako sa tambayan. 

Pumunta silang lahat sa cafeteria kaya naisipan ko na ding sumunod tutal nagugutom na din naman ako.

Nakakapagsisi tuloy na pumunta pa ako doon. 

Hindi ko maipaliwanag yung kirot na nararamdaman ko. Nakatingin sila sa isa't isa na tila ba walang pakialam sa mga nasa paligid nila. 

Hindi ko na tinapos ang kanta. 

Umalis na lang ako. 

ZHY's POV

Sinundo ako ni Niall sa bahay para daw sabay kaming pumasok. Akala ko sa ibang department ang klase niya pero nagulat ako nang sabihin niyang pareho daw kami ng klase. 

Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap ni Niall. Ewan ko ba. 

Nagtataka nga din ako kung bakit ganito ang nararamdaman ko. 

Ang weird eh. 

And this feeling started when he kissed me.

When that stupid heartbreaker kiss me.

Dapat kasi masaya ako ngayon kasi yung matagal ko ng pangarap, andito ngayon sa tabi ko at tila ayaw ng kumawala sa tabi ko. 

Habang nagkaklase, nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Biglang dumagundong ang dibdib ko. 

Bakit? 

Eh kasi ayun si Crein sa likod namin katabi ni Zoe. 

Hindi ko din alam basta ramdam na ramdam kong may nakatitig sa likod ko. 

Imposible namang si Zoe -_____- 

Nagulat na lang ako ng biglang ipull out ni Harry sina Zoe at Crein. 

Susunod sana ako sa tambayan pero pinigilan ako ni Niall.  

"San punta mo Zayne?" -- Niall

"Sundan ko lang si Zoe. Baka kasi may problema siya. Bakit?" 

"Pwede bang maglunch muna tayo bago ka pumunta dun?"

"Sabay kasi kami ni Zoe maglunch." 

"You can invite her to share with us, my treat." 

"Ah.. Ehh.."

"Please???" at nagpuppy eyes pa ang loko. 

Napabuntong hininga na lang ako. 

"Sige na nga." 

Itinext ko na lamang si Zoe na sumunod na lang sa cafeteria. 

Ang totoo niyan hindi naman si Zoe ang inaalala ko kundi si Crein. 

Nakita ko kasing medyo madilim ang mukha niya. 

Pagdating namin sa cafeteria, nagulat ako ng  biglang tinawag si Niall sa maliit na stage.

Alam kong kumakanta siya. 

Alam kong vocalist siya ng banda namin noong high school. 

Pero ngayon? Bakit nandon siya? 

"I just want to dedicate this song for the girl who had been a part of my life. Alam ko hindi maganda ang naging ending natin during high school days, its simply because, I broke your heart. But then nung umalis ka ng bansa, I realize, its you that I love. I used to ask things about you. I even called your mom, but they rejected me. Ayaw nilang ipaalam kung nasaan ka. Miss na miss na kita alam mo ba yun? There are times na pinapanood ko yung kulitan video nating dalawa. And doon ko narealize how lucky I have to be loved by you. Pero sinayang ko lang dati. Nung nabalitaan ko na may exchange student na ipapadala sa Pilipinas, I requested na ako na lang. At aaminin kong isa ka sa dahilan, no hindi pala isa ka, Ikaw ang unang dahilan bakit ako bumalik ng bansa. Please give me this chance to show you how much i care for you. Maybe this time, I won't break your heart. This song is for you Zhie Anne Chan."

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon