Hope 27: Clue

3.1K 40 0
                                    

ZOE's POV

Weeeeeeehhhhh! 

Yeheeeeeyyyy! 

Tapos na ang final exams namin. 

Siguro naman, matapos naming magsunog ng kilay ay nakapasa din naman siguro kami. 

Masaya ako. 

Ay hindi pala. 

Super duper saya ko. 

Bakit? 

Eh kasi bukas na alis namin papuntang Palawan. 

Makikita ko na ulit sina Mama at Papa. 

Miss na miss ko na talaga sila at yung mga kapatid ko. 

Pati na rin yung mga kababata ko doon.

Pag-ibig? 

Sus. Wala akong naiwang pag-ibig doon. 

Kung meron man, simpleng crush lang. 

Crush na hindi naman tumatagal. 

Saka bakit niyo ba ako kinukuwestyon diyan sa naiwang pag-ibig na yan -_____- ? 

Gusto niyong mag-alburuto yung lalaking may buhok na pinatungan ng ulo?? 

Para naman hindi niyo alam kung paano magselos yun. 

Daig pa ang babaeng sampung taong hindi dinatnan ng regla. 

Well, wala kaming pasok ngayon. Napagdesisyunan namin na magpahinga muna ngayon sa aming mga bahay at maggrocery ng mga babaunin at ipapasalubong. 

Excited talaga ako. 

Sa sobrang saya ko nga, hindi ko mapigil mapangiti mag-isa dito sa condo. 

"Kaya ka siguro napapangiti kasi iniisip mo ako no." 

Napalingon naman agad ako. 

Si Harry

"Anong ginagawa mo dito??" 

"Dito muna ako." 

"Grabe lang?? Pwedeng magsabi ka naman na pupunta ka dito?? Hindi yung daig mo pa ang kabute kung sumulpot." 

"Ayaw mo ako dito? Sige alis na lang ako." 

Tumayo na ito at tinungo ang pinto.

Napanganga naman ako . 

Si Harry? 

Hindi nakipagtalo sa akin?? 

"Wui, teka may problema ka ba??"

Hinabol ko siya at iniharap ko siya sa akin. 

Namumula ang mata niya. 

At ang init init ng katawan niya. 

"May sakit ka ba??" 

"Wala akong sakit. Sige na uuwi na ako sa bahay." 

"Harry." 

"Oh??" 

"S...Sorry. Nagulat lang naman kasi ako talaga." 

"Tama ka naman, kailangan sabihin ko sayo kung...." 

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng bumagsak siya sa sahig. 

Napasigaw na lang ako. 

Ginigising ko siya pero hindi na siya kumikilos. 

Nagpanic na ako. 

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan agad ang unang taong alam kong malapit lang sa lugar ko. 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon