Hope 21: Cotton candy

3.8K 34 0
                                    

ZOE's POV

Nagising ako na may kumakalampag sa labas. Dali dali akong lumabas ng kwarto para icheck kung ano iyon. 

"HARRY???"

"Oh good morning princess." -- nakangiti niyang sabi sa akin. 

"Anong ginagawa mo dito? At bakit ikaw ang nagluluto? Paano ka nakapasok dito?" 

"Ang daming tanong -_____-!" 

"Sasagot o sasagot??"

"Una pumunta ako dito kasi dito ako kakain. Pangalawa, kanina pa kitang ginigising kaso di ka magising kaya ako na lang ang nakialam sa kusina mo. Pangatlo, may duplicate key ako ng unit na ito kaya nakapasok ako. Okay na??" 

"Tss." 

"Ang aga aga, sungit mo." *pout* 

"Huwag kang magpout diyan!" 

"Bakit hahalikan mo ulit ako?"

"Sira ulo" biglang namula ang mukha ko.

"Bitin ka ba kahapon? Binigla mo kasi ako eh." 

"Baliw!!!" at binato ko siya ng balat ng itlog na nakita ko sa ibabaw ng table. 

"HAHAHA! Ang kyut kyut naman ng mahal ko pag nagbablush oh?" 

Siraulo talaga at lumapit pa sa akin. 

Napaurong naman ako.

"Lumayo ka nga lalaki"

"Ayaw ko!" at inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Harry ano ba??" 

"May sasabihin pala ako sayo" sabi nito na biglang nagseryoso. 

Nakaabot lang naman kami sa sala habang nagkukulitan. Umayos ako ng upo at tumingin sa kanya.

"Ano yun?" 

Tumingin siya sa akin. Kinabahan ako kasi seryosong seryoso ang mukha niya. Inilapit niya unti unti yung mukha niya sa akin.

"T...teka ano bang sasabihin mo at kailangan eh super duper close nating dalawa?" -- utal kong sabi. 

"ILOVEYOU!"  sabay kiss sa dulo ng ilong ko.

Bigla akong namula lalo nung tinitigan niya ako sa mata. Gusto kong umiwas pero hindi ko magawang alisin yung mata ko sa kanya. Sa kaiiwas ko ng sa mukha niyang lumalapit, napasandal na ako sa sofa. 

"Yun yung sasabihin mo sa akin?" 

"Oo. Mahal kita Zoe." 

"M.mahal din kita Harry." 

"Sana mapasaya kita." 

"Yung andiyan ka lang sa tabi ko masaya na ako Harry." 

"Hindi ako aalis sa tabi mo." 

"Hindi rin naman kita papayagang umalis sa tabi ko." 

"Hindi kita iiwan at hahayaang mag-isa."

"Hindi din naman ako papayag na iiwan mo akong mag-isa matapos mo akong kidnapin kahapon. Akala ko tunay na." 

"Kung sakaling tunay man yun, handa akong magbigay ng ransom makuha lang kita mula sa kanila." 

"Kayang kaya ko naman sila. Nakagapos lang ako kaya hindi ko sila mapatumba." 

"Hindi mo kailangang solohin yun, mula ngayon kasama mo na ako." 

"Ayaw ko naman na masaktan ka pagtatanggol sa akin." 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon