Hope 35: Handsome Nerd

3.3K 38 1
                                    

ZOE's POV


Good morning sunshine ^____^!

Hindi ko alam kung anong nangyari kahapon pero one thing is for sure. 

Assured ako na hindi mawawala sa akin si Harry. 

Kaya wag niyo sirain araw ko okay? 

Pero alam mo yun? 

Kung kelan naman ang ganda ng araw mo, saka naman may mambibwisit sayo. 

"Yung ngiti mo Zoe abot hanggang dito." 

Nilingon ko yung nagsalita. 

Si Lyndon. 

"Malamang aabot hanggang diyan eh nakikita mo ako eh." 

"Abot nga hanggang dito..." 

Inirapan ko lang siya. Hindi ko pa din naman kasi nakakalimutan yung nangyari kahapon. 

Yung nahulog ako sa mga braso niya at nagkalapit kami. 

Ang bango niya. 

Waaaaaahhhhh! 

What the..

Ano ba kasing sinasabi ko -_____-! 

"Oh tama na ang pag-iisip sa akin Zoe, kasi abot na hanggang dito sa puso ko ang ngiti mo." 

"Ang kapal mo naman! Bakit naman kita iisipin aber?" 

"Eh kasi iniisip kita." 

"So kapag iniisip mo ako, iniisip na din kita?" 

"Sana nga. Sana nga habang iniisip kita, iniisip mo din ako. Kasi kung mangyayari yun, ang saya saya ko siguro." 

Napatingin ulit ako sa kanya. 

Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam ko ang lungkot sa boses niya. 

"Sana nauna ako kay Monteverde, sana, sana una kitang nakilala Zoe Ricaforte." 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 

Gusto ko siyang habulin pero ang laki ng mga hakbang niya. 

Hindi ko na din siya hinabol kasi nakita kong palapit na ang selosong lalaki. 

Ayoko namang matuluyan ang pagkakasira ng umaga ko. 

"Good morning." bati ko sa kanya

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon