Hope 65: Falling Hope

1.7K 14 5
                                    

ZHY's POV

I never thought that I would see Zoe in that condition. 

Isa siya sa pinakamatapang na taong nakilala ko at hindi sumusuko sa mga dumarating na suliranin sa buhay. 

Pero sa pagkakataong ito narealize kong tama pala. 

Totoo pala yung mga sinasabi nila. 

Kung sino yung taong nagpapasaya at nagpapalakas sayo, siya din yung taong makapagpapalugmok at makapanghihina sayo. 

Si Harry lakas niya. 

Pero iniwan siya. 

Hindi man namin alam ang dahilan niya pero sa nakikita namin kay Zoe, hindi ko alam kung saan pa siya makakahugot ng lakas ng loob to survive her dilemma. 

"Sweetie..." 

"Naaawa ako kay Zoe." 

"Sa ngayon ang kailangan niya ay kaibigan. Huwag nating ipakitang naaawa at nasasaktan para sa kanya kasi double burden sa part niya iyon." 

"Ano bang problema ng Harry na yun? Hindi ko siya maintindihan sa inaasal niya." 

Napailing na lang si Crein. 

Alam kong kahit siya hindi niya maintindihan ang inaasal ni Harry. 

Dahil kahit sila hindi na nila nakakausap ang lalaki. 

Nakita kong lumabas si Paul sa kwarto ni Zoe. 

"Ano kumusta siya?" -- tanong ko sa kanya. 

"She's not fine. Hindi ko alam kung paano ko siya aaluin. Paulit-ulit niya akong tinatanong kung babalikan pa ba siya ni Harry." -- Paul. 

"Akala ko magiging maayos na silang dalawa pero mas lumala pa." 

Tumahimik na kaming lahat. 

"Kaya minsan mahirap din na masyado mahulog ng malalim sa isang tao. Lalo na at wala ka namang kasiguruhan na sasaluhin ka ng taong iyon." -- Clyde.

"Hindi mo naman pwedeng pigilan ang puso mong mahulog sa isang tao." 

"Magtira ka ng para sa sarili mo. Para kapag dumating yung araw na mawala siya sa iyo kaya mo pang harapin ang mundo na parang bago." 

"Kapag pumasok ka ba sa isang relasyon iisipin mo agad maghihiwalay kayo?" 

"That's the least thing you can think of. Dapat alam mo ang limit mo. Dapat alam mo kung paano harapin ang mundo nang wala siya." 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon