Hope 34: Brother

3.1K 34 3
  • Dedicated kay Kimpoy Dee
                                    

HARRY's POV

Pagod man kami dahil sa paglulunoy namin sa ilog kanina ay masaya naman kaming lahat. Maaga pa naman para sa hapunan kaya naman, pumasok kami sa mga kwarto namin para magpahinga. 

Literal na pahinga. 

Hindi ko alam kung bakit ba nanghihina ako. Siguro dahil  na din sa biyahe namin. 

Kahihiga ko pa lang ng marinig kong may sumigaw na pangalan ko. 

"HAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRYYYYYYYY" 

Si Zoe? 

Dali dali akong bumalikwas at tinakbo ang pagitan ng kwartong tinutuluyan namin at ng kwarto niya. 

Pagdating ko dun biling baliktad sa higaan si Zoe. Tinatapik siya ni Zhy pero hindi pa din siya nagigising. 

"Zoe?? Naririnig mo ba ako?" 

"H..Harrryyyyy??" 

Humihikbi siya. 

"Andito ako. Tahan na." 

"Harry wag mo akong iiwan." 

"Hindi naman kita iiwan eh." 

"Huwag kang tumakbo palayo sa akin." 

"Andito lang ako sa tabi mo." 

Hinawakan ko ang kamay niya at tinatapik tapik ko siya para magising. 

"HAAAH!" 

Bumalikwas siya ng bangon at pinisil pisil ang mukha ko at sinampal sampal ang sarili niya. 

"Teka ano bang ginagawa mo?" tanong ko. 

"Hindi ka umalis?" -- tanong niya

"Anong umalis? Eh nasa kabilang kwarto lang naman ako." 

"Pero...." 

"Nanaginip ka ba?"

"Parang totoong totoo." --aniya habang nakatungo

"Anong totoo?" 

"Na iniwan mo daw ako." 

Iniwan? Hindi na lang ako umimik at hinayaan siyang magkwento. Mukhang nakuha ng lahat ng tao sa bahay nila ang atensyon sa pagkalakas lakas na sigaw nitong kawayang ito kanina.

"Natatandaan ko, kahihiga ko lang nun nong narinig ko ang boses mo. Nagkunwari akong tulog. Kumanta ka at pagkatapos mong kumanta, sinabi mo sa aking mahal mo ako at hindi mo alam kung paano mo ako mapoprotektahan sa sakin gayong alam na alam mong masasaktan ako sa malalaman ko. Pagkatapos sinabi mong alam mong nangako ka na di mo ako iiwan tapos niyakap mo ako at unti unti kang nawala sa paningin ko." 

Umiiyak na siya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ayoko talagang nakikita siyang ganito. 

Ayokong nakikita siyang parang nauupos na kandila lalo na at alam kong dahil sa akin kaya siya nagkakaganito.

"Panaginip lang yun. Hindi yun mangyayari okay?" -- sabi ko sa kanya

"Sure ka?" 

"Oo naman. Huwag mo ng isipin yun. Andito ako oh. Hindi naman ako nawala." 

"Akala ko talaga...." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at niyakap ko na lang siya. 

"Tama na. Hindi ako mawawala sayo. Mananatili ako sa buhay mo hanggang gusto mong andito ako." 

"Asa ka namang sasabihin kong umalis ka na." 

"Oh eh anong iniiyak iyak mo diyan?" 

"Sinong may sabi sayong umiiyak ako."

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon