Hope 42: Truth Hurts

2.8K 37 4
                                    

RICARDO's POV

Dahil nga sa biglaang birthday party ko daw, medyo nawala sa isip ko ang tungkol sa problema ko. 

Inalis ko muna sa isip ko ang tungkol kay Theo at kay Zoe. 

Itinutok ko muna ang isip ko sa prinsesang nasa harapan ko na kumakanta para sa akin. 

Hindi man siya galing sa akin pero itinuring ko na siyang tunay kong anak. 

Ang aking panganay. 

Ang munti kong prinsesa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong ang dami ng banta sa paghihiwalay namin. 

Nariyang si Grace ay nagsasabi sa akin na ibalik ko na si Zoe sa ama niya. Pero hindi ko kaya. 

Nariyan ang binatang si Lyndon na nagsasabing namnamin ko na daw ang nalalabing araw na makakasama ko si Zoe. 

Si Theo na madalas ipaalala sa akin na nalalapit na ang araw ng pagtutuos namin. 

She's the sweetest daughter I ever have. Napapaluhang niyakap ko siya matapos niyang kantahin ang inihanda niyang awit para sa akin. 

"Happy Birthday Ricardo." 

Ang boses na yun. 

Tila isang bombang sumabog sa pandinig ko. Ang boses na ayaw ko na sanang maririnig kahit kailan.

Nilingon ko siya at nakita ko siyang matiim na nakatingin sa akin. 

Ito na ba ang araw na malalayo sa akin ang lahat? 

"Magtitinginan na lang ba tayo dito?" --Theo 

"Anong ginagawa mo dito?" -- sabi ko. 

"Hindi ba ako invited dito?" 

"Sino bang nagsabi sayo na pwede ka dito?" 

"Wala. Narito lang naman ako para sa anak ko." 

"Wala kang anak dito." 

"Wala??? Wala nga ba Ricardo??" 

"Ano bang gusto mo para itigil mo na ang kabaliwan mong ito?" 

"Kabaliwan? Sa ating dalawa, ikaw ang baliw." 

"Teka nga! Ano bang nangyayari??" -- Zoe 

"Sandra. Pumasok na muna kayo sa loob." 

"Walang papasok." --Theo

"Huwag mong idamay ang mga bata. Tayong dalawa na lang ang mag-usap." 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon