Hope 44: Denial

2.6K 22 1
                                    

HARRY's POV

Bumalik na kami sa Manila. 

Nakakapanibago dahil ang maingay kong girlfriend ngayon ay tahimik na nakatingin lang sa malayo.

Yung dating sigaw ng sigaw tila walang buhay na nakatanaw lang sa labas ng bintana. 

"Babae?" 

Lumingon siya sa akin. 

"Don't worry about me Harry. I'm fine."

"Pati ba naman sa akin magsisinungaling ka pa?" 

"I don't want an argument." 

"If you're not okay, then say it. Nandito lang naman ako palage para sayo." 

"Thanks. But I'm fine. " 

Bumuntunghininga na lang ako. Alam ko naman na hindi madali ang pinagdadaanan ni Zoe pero nakakainis na nagkukunwari siyang okay kahit ang totoo hindi naman. 

Inihatid ko siya sa condo upang makapagpahinga siya. 

"Gusto mong kumain?" -- sabi ko. 

"Hindi naman ako gutom e. Ikaw ba? ipagluluto kita." sabi niya

"Huwag na. Oorder na lang sana ako." 

Tumalikod na ako at ipinasok ang mga gamit naming dalawa nang biglang yumakap na lang siya sa likuran ko.

"Oh?" -- sabi ko.

"Huwag ka munang gumala. Hayaan mo lang muna na ganito tayo." 

"Magiging okay din ang lahat prinsesa ko." 

"Sana kahit ganito ako, huwag kang mawawala sa tabi ko. Sana kahit hindi kita napapansin, huwag kang aalis, pwede ba yun?" 

Humarap ako sa kanya at hinawakan siya sa baba para magpantay ang tingin namin. Ginawaran ko siya ng halik sa noo. 

"Hindi kita iiwan. Nandito lang ako palage para sayo. Kahit hindi mo ako masyado pinapansin. Kahit hindi mo na ako sinisigawan. Maasahan mong nandito lang ako palage para sayo." 

Ngumiti siya. 

Gusto ko yung ngiti niya na masaya talaga siya. 

Hindi yung ngiti niya ngayon na halatang napipilitan lang. 

"Gusto ko magstay kasama mo, pero kailangan ko na ding umuwi kasi kinukulit na ako ni kuya." 

That 0.1% Hope (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon